BLESSY “THANK YOU po, Kuya John,” nakangiting pasalamat ko sa personal driver ni Kuya Dux nang makababa ako ng sasakyan, matapos niya akong pagbuksan ng pinto. May kausap pa kasi sa cellphone si Kuya kaya hindi pa siya bumababa. Sa pagkakarinig ko, vice-mayor niya yata ang kausap niya. Nakapuwesto na rin sa labas sina Kuya Jomari at iba pang bodyguards. Si Heaven naman ay kina Daddy at Tita Virginia na sumabay. Nauna sila sa amin. “Walang ano man po, Senyorita.” Ngumiti rin sa akin ang driver. Lumapit sa amin si Kuya Jomari at seryoso ang mukha niya na inutusan niya si Kuya John na pagbuksan daw si Kuya. Pero agad na sumilay ang nanunuksong ngiti sa mga labi niya nang kaming dalawa na lang ang magkaharap, “Ang ganda-ganda mo naman, Senyorita. Siguradong natulala na naman sa’yo si Mayor