CHAPTER 79

1618 Words

BLESSY HINDI ako sigurado kung epekto lang ba ng alak na nasa sistema ko pero nasarapan ako sa mga labi ni Kuya Brandon. Parang nakakalasing sa sarap ang mga ito. Nakakabilis ng t***k ng puso. Katulad nang naramadaman ko noon sa aking asawa bago pa siya nagbago. Pero kahit gano’n, asawa mo pa rin si Dux, Blessy! Hindi porke’t naramdaman mo lang uli ang ganitong kasarap na halik ay bibigay ka na. mariing paalala ng aking isipan. Gusto kong sundin ang isinisigaw ng utak ko, bumitaw sa matatamis na mga labi ng aking bayaw. Gusto ko siyang itulak at piliin ang tama. Gayon man, sa kabila ng matinding pagsusumigaw ng aking isipan na mali ang nangyayari sa amin ngayon, hindi ko pa rin kayang pigilan ang isinisigsaw ng aking katawan. Nangingibabaw ang init ng pagnanasa. Siguro dahil sa dami n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD