BLESSY MAGKASAMA na kami ni Kuya Brandon nang bumalik na kami sa Bulacan. Napilit niya ako na umuwi na dahil nami-miss na raw ako ni Clay. At saka wala rin naman talaga akong balak na tumagal pa sa Maynila. Dahil sa kabila ng abot-langit na galit ko kay Dux ay hindi ko pa rin kayang tiisin ang anak namin. Pero ayaw ko lang sana na magkasama kami ng stepbrother-in-law. Ayokong may iisipin ang mga taong madadatnan namin sa bahay. Lalo na si Dux at si Tita Virginia. May dapat naman talaga silang isipin, ‘di ba, Blessy? “A penny for your thoughts?” Pinamulahan ako ng mukha, sabay ng paglingon ko kay Kuya Brandon na nasa driver’s seat, nang maalala ko ang nangyari sa amin kagabi sa hotel. Hindi naman na iyon nasundan pero hindi lang mawala sa isip ko. Pero sigurado ako na hindi iyon dah