BLESSY SA sobrang kalasingan ko kanina, hindi ko na maalala kung paano kami humantong ni Kuya Brandon dito sa kama ng hotel room na inookupa ko. Siya nga pala ang lalaking nagligtas sa akin kanina mula sa dalawang lasing na nagtangka nang masama sa akin.Dahil nga lasing kaya hindi ko na napansin na nasabi ko pala sa kaniya kanina ang bar na kinaroroonan ko. Na-text ko ang cellphone number na ibinigay niya sa akin noong huli kaming nag-isip. In case of emergency lang daw. Pero kahit wala sa tamang katinuan ang pag-iisip ko, alam ko pa rin na hindi tamang magkasama kami ngayon sa lugar na ito na kami lang. Kaya agad ko siyang itinaboy palabas nang maihatid niya ako rito. “M-maraming salamat po sa paghatid, Kuya Brandon. Pero puwede ka nang lumabas. I’m fine. In fact, puwede ka nang bumalik