DUX MAAGA akong nagising dahil kailangan kong samahan si Tita Virginia para sa session ng chemotherapy ni Daddy. Hindi sumama si Blessy dahil may mahalagang event sa school ni Heaven mamaya. Dahil hindi puwedeng um-attend si Dad kaya siya na lang. Habang naghihintay na matapos ang session, lumabas muna ako ng ospital para magpahangin. Para kasing nahihirapan akong huminga. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko si Dad na mas lumalala pa habang tumatagal. Kaya nga hinahayaan ko na si Tita Virginia ang sumama sa kaniya sa loob dahil hindi ko kayang makita siya sa gano’ng sitwasyon. Mabuti na lang at malakas ang loob ng asawa niya. Kahit anong paghihirap ni Daddy, never nagpakita ng kahinaan si Tita Virginia. Palagi niyang pinapalakas ang loob ng father ko. Kaya siguro tumagal nang