BLESSY ANG saya-saya namin ni Heaven habang pauwi kami sa bahay. May sinalihan ka siyang dance contest sa school nila at grupo nila ang nag-champion. “Saan ka ba nagmana sa galing mong sumayaw, beh? Eh, pareho namang kaliwa ang mga paa namin nina Mama at Kuya Dux mo?” natatawang biro ko sa kaniya habang sakay na kami ng kotse pauwi sa bahay. Si Kuya Jomari ang driver namin. Hindi kasi nakasama si Dux dahil sinamahan niya si Tita Virginia para sa session ng chemotherapy ni Daddy. Pero kausap ko naman siya kanina. Pinanood pa nga niya ang sayaw ni Heaven habang nag-uusap kami. Nagtaka lang ako dahil hindi na siya tumawag o nag-reply sa mga chat at text ko nitong huli. Kahit nang sabihin ko sa kaniya na pauwi na kami. Hindi ko na lang din siya kinulit dahil naisip ko na baka busy lang siy