BLESSY DALAWANG ARAW na akong ganado sa pag-aaral dahil patuloy na pinanghahawakan ko ang sinabi ni Kuya Dux na dadalawin daw niya ako isa man sa mga araw na ito. Pero kahit hindi na ako makapaghintay na magkita kaming muli, hindi ko naman siya kinukulit para tanungin kung kailan ang eksaktong araw na iyon. Kahit mag-boyfriend na kami, nakakahiya pa ring ipakita sa kaniya ang pagkaatat ko. At saka ayaw ko rin na ma-pressure siya at pilitin na dalawin ako rito sa Maynila kahit hindi naman kaya ng schedule at katawan niya. Ang importante, maya’t maya pa rin ang text at tawagan namin sa isa’t isa kahit magkalayo kami. Tuwing umaga nga, parang nagsisilbi ko ng alarm clock ang mga text niya. Minsan naman, call. Kapag hindi agad ako nakapag-reply. Baka raw kasi napasarap ang tulog ko. Buti na