CHAPTER 49

2007 Words

BLESSY MUKHANG wala ngang balak si Kuya Dux na palipasin ang gabi na hindi kami magkasama rito sa penthouse niya. Kaya tinawagan na niya agad si Madam L para ipaaalam ako na bukas ng umaga na niya ako ihahatid. Kasabay ng pag-alis din niya pabalik sa Bulacan. Marami daw kasi siyang naiwan na trabaho sa munisipyo. Sinadya lang talaga niya na puntahan ako rito para tuparin ang sinabi niya na dadalawin ako. At higit sa lahat, miss na miss na raw niya ako. Pinapak nga niya agad ako ng halik pagpasok namin dito kanina. Muntik na naman kaming magpadala sa aming pagkadarang kung hindi lang nahulog sa sahig ang cellphone ko na pumutol sa mainit naming paghahalikan. Para makaiwas, umidlip na lang kami sandali na magkayakap. Para na rin makapagpahinga siya sandali sa mahabang pagmamaneho niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD