BLESSY NAGLILIGPIT na ako ng mga gamit na dadalhin ko pabalik ng Maynila nang makatanggap ako ng text message mula kay Kuya Dux. Baby, nandiyan pa ba si Heaven sa room mo? sabi sa text niya. Bago nag-type ng reply, napatingin muna ako sa kapatid ko na nakadapa sa ibabaw ng kama ko habang naglalaro sa tablet niya. Yes po. Dito raw siya matutulog dahil mami-miss na naman niya ako. Isang sad emoji ang ini-reply muna niya sa akin. Why sad po? tanong ko. Kasi hindi pala kita makakatabi. Mami-miss din naman kita, ah. Umiling lang ako pero napapangiti habang nagtitipa. Pinagseselosan mo po ba ang little sister natin? Hindi naman. Gusto ko lang din na makatabi at makayakap sa huling gabi mo rito. Eh, ‘di tabi na lang tayong tatlo. I mean, gusto kitang solohin. Paano kita mahahalikan niya