CHAPTER 25

2255 Words

BLESSY ‘GUSTO mo bang kumain muna tayo bago tayo tumuloy sa condo ko?” tanong sa akin ni Kuya Dux nang tuluyan kaming makapasok sa siyudad ng Maynila. Bahagya kong nahimas ang aking tiyan. Hindi na nga pala ako nakakain nang marami dahil sa dami ng inasikaso ko. “Kung okay lang po sa inyo, Kuya. Medyo gutom na rin po kasi ako, eh.” Tumawa siya. “Ako nga rin. So, kain muna tayo?” Tumango ako. “Sige po.” “Saan mo gustong kumain?” “Kayo na po ang bahala. Wala naman akong ibang alam na kainan dito,” nakangiting sagot ko. “Maliban po sa mga fast-food. Tulad ng pinagtrabahuan ko noon.” Gumuhit ang amusement sa mukha ni Kuya Dux nang marinig ang sinabi ko. “Anong fast-food ‘yon? Parang gusto kong i-try doon. Gusto ko kasing makita kung ano ang ginagawa mo noong nagtatrabaho ka sa gano’n.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD