CHAPTER 26

2118 Words

BLESSY NAGSUSUKLAY ako ng buhok habang nanonood ng TV dito sa kuwarto ni Kuya Dux. Katatapos ko lang maligo pagkatapos niya akong pagpahingain kanina mula sa biyahe. Ang sabi niya sa akin, maligo daw muna ako habang naghahanda siya ng tanghalian namin. Gusto ko nga sana na tumulong. Pero nag-insist si Kuya na siya na lang daw. “Marunong kaya siyang magluto?” tanong ko sa aking sarili at inihinto sandali ang pagsusuklay sa basang buhok ko. Hindi ko pa kasi siya nakikitang nagluto kahit minsan. Sabagay, sa dami ba naman ng katiwala namin sa bahay. Pero bakit kaya pinagpaligo ako ni Kuya? Gusto ba niyang maging mabango ako para sa honeymoon namin mamaya? Namumula ang mukha na napatingin ako sa kaharap na salamin, sabay kurot sa aking sarili dahil sa mga kalokohang naglalaro na naman sa is

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD