BLESSY “ARE you sure na magiging okay ka lang sa Manila?” tanong ni Kuya Dux habang nasa biyahe na kami. “You know, ibang-iba ang buhay doon compare sa province. Kahit sabihin mo na marami kang kasama sa dorm, mag-isang aasikasuhin mo pa rin ang sarili mo. Kalaban mo doon ang traffic, pollution… Iba’t ibang klase ng tao ang makakasalamuha mo sa halos lahat ng oras. Hindi mo alam kung sino ang dapat mong pagkatiwalaan o hindi sa paligid mo.” Nagtatakang napalingon ako sa kaniya. Bakit kaya biglang iba na ang mga sinasabi niya sa akin ngayon? Bago naman ako in-enroll ni Dad, isa siya sa naghikayat sa akin na sa Maynila mag-aral. “Hindi n’yo naman po ako tinatakot niyan, Kuya?” pasimpleng biro ko sa kaniya. “I’m sorry. But I didn’t mean to scare you.” Bahagya niya akong nilingon bago nanat