BLESSY “ANO? Takot ka pa rin ba sa dilim?” tanong ni Kuya Dux nang makalabas kami ng sinehan. Isang superhero movie ang pinanood namin. Ako kasi ang pinapili niya. Mabuti na lang at nagustuhan ko naman kahit heavy drama talaga ang genre ng mga pelikula na gusto ko. Pero hindi iyon ang pinili ko. Baka kasi tuksuhin niya ako kapag nakita niya ako na umiiyak din. Mabilis kasi akong madala sa mga nakakaiyak na eksena. “Hindi na po, Kuya,” tumatawa at umiiling-iling na sagot ko. “Hindi na po ako takot sa dilim.” At lalong hindi na po ako takot na makasama kayo sa loob ng sinehan. dagdag ng isip ko. Hindi naman kasi siya nag-take advantage sa akin kahit nasa sulok at mas madilim na parte kami ng sinehan. Ibinigay lang niya sa akin ang jacket niya at hinawakan ang aking kamay para hindi ako