BLESSY SUMAPIT ang Sabado. Pagkagaling namin sa salon, dinala kami ni Kuya Dux sa mall. Ipapasyal daw niya kami ni Heaven. Kasama na rin namin sina Kuya Jomari at ilan pa sa mga bodyguards niya. Pero naka-distansiya naman sila sa amin para hindi raw kami gaanong mailang na may nakabuntot sa amin. “Kunin n’yo lang lahat ng magustuhan n’yo. Ako na ang bahalang magbayad,” sabi ni Kuya sa amin ni Heaven nang makapasok kami sa department store. Nakaakbay siya sa kapatid namin habang nakasunod naman ako sa kanila. “Huwag na po, Kuya. Kakapamili lang din namin ni Daddy noong nagpa-salon kami, eh,” nahihiyang tanggi ko. “Iba naman ‘yon. Si Daddy ang nag-shopping sa inyo. This time, treat ko naman,” baling niya sa akin at saka kumunot ang kaniyang noo. “Bakit ka ba nandiyan sa likuran? Mamaya,