BLESSY HINDI ako sure kung gaano na katagal ang lumipas simula nang makita ko sa cellphone ni Heaven ang dahilan ng pag-iiyak at pagwawala niya. Video iyon kung saan ay naghahalikan sina Dux at Cayah. Pero kung titingnang mabuti, kitang-kita naman na ang babaeng iyon lang ang humalik sa boyfriend ko. Gayon man ay naninikip pa rin ang dibdib ko. Kanina ko pa nga gustong umiyak. Pero hindi ko lang ipinapakita kay Heaven na apektado at nasasaktan din ako. Ayaw ko na lalo siyang magalit sa kuya niya. “Ang sabi niya, mahal na mahal ka niya, Ate. Pero bakit po siya nakikipaghalikan kay Ate Cayah?” humihikbing tanong ng kapatid ko habang yakap ko siya. “Akala ko pa naman ideal man siya. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, kapag nagka-boyfriend ako, gusto ko ang katulad ni Kuya Dux. Pero binabawi ko