BLESSY ARAW ng Sabado. At araw ng unang pag-uwi ko sa Bulacan simula nang mag-aral ako sa Maynila. Ang saya-saya ko talagad dahil sa wakas, magkikita na rin uli kami ni Heaven. Sobrang na-miss ko ang kapatid kong iyon. Kaya siguro ganito na lang ako ka-excited umuwi. Ang dami ko pa ngang binili na pasalubong para sa kaniya. Pero siyempre, bukod doon, may isang rason pa kung bakit ganito ako kasaya ngayong araw. Sa buong buhay ko, ngayon lang yata ako na-excite nang ganito. Kung puwede nga lang na lumipad na lang ako pauwi ng Bulacan para mas mabilis akong makarating. Siyempre ang Kuya Dux ko. Ang kuya ko na first boyfriend ko na. Hindi ko napigilan ang mapangiti nang maalala ko ang huling pagkikita namin. Parang wala sa sarili na nahawakan ko ang aking mga labi na hinalikan ng kuya ko.