BLESSY MALAPIT na kitang maging totoong anak, Hija. Dahil pinapaayos ko na ang mga papeles para sa pag-aampon ko sa’yo nang legal. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ikakatuwa ko ba o hindi ang ibinalita na iyon sa akin ni Daddy Aurelio kanina. Noon pa man ay nagpaalam na siya sa akin na kung puwede ba niya akong ampunin para maging ganap na Reyes na nga ako. Tutal, ulilang lubos na rin ako. Pumayag naman ako. Pero hindi ko akalain na gano’n siya kaseryoso at ganito kabilis. Pero dapat nga matuwa ako. Dahil siguradong ikatutuwa rin ni Heaven kapag naging magkaapelyido na kami. Kaya lang… sa tuwing naiisip ko si Kuya Dux, nalulungkot ako na hindi ko maintindihan. Parang hindi ko nagugustuhan ang ideya na soon, magiging legal na ang pagiging magkapatid namin. Tila nag-alala ako