CHAPTER 45

2840 Words

BLESSY MEDYO maalinsangan kaya naligo ako kinagabihan bago matulog. Nanlalagkit din kasi ako dahil siguro sa mahabang biyahe. Pagkalabas ko ng banyo ay nakatapis lang ako ng towel. Kinuha ko ang hairbrush na nasa ibabaw ng aking kama at nagsuklay ng buhok habang naglalakad papasok sa walk-in closet ko. Dahil abala kaya hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto ng aking silid at ang mahihinang hakbang na palapit sa akin. Nagulat na lang ako nang may yumakap mula sa aking likuran. Mabilis na lumingon ako nang makilala ko ang paboritong pabango ni Kuya Dux. Nang dahil sa paglingon ko kaya halos magsalubong na ang aming mga labi. Naudlot tuloy ang balak na pangngiti ko sa kaniya. “Kuya—” Agad din na naputol ang pagtawag ko sa kaniya nang bigla na lang niyang sinalubong ng mainit na halik ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD