BLESSY “DADDY, puwede po ba tayong manood ng sine mamaya? Gusto ko po kasi sanang mamasyal kasama si Ate Blessy bago siya bumalik bukas sa Maynila,” paglalambing ni Heaven sa daddy niya habang sabay-sabay kaming kumakain ng almusal. “Hija, alam mo naman na puyat at pagod ang daddy mo dahil madaling araw na kaming nakauwi galing ng Batangas, ‘di ba?” Si Tita Virginia ang sumagot. Nahuli ko ang pigil na inis sa mukha niya na agad namang binawi nang sabay-sabay kaming mapasulyap sa kaniya. “Kaya kailangan niyang magpahinga ngayon.” “Gano’n po ba?” malungkot na saad ng aking kapatid. Agad ko naman siyang inakbayan para alisin ang lungkot niya, “Puwede naman na tayong dalawa na lang ang manood, beh. Bawal kasing mapagod si Daddy, ‘di ba? At saka cartoons naman ang gusto mong panoorin. Baka