BLESSY NAPAPIKIT ako nang malanghap ko ang mabangong hininga ni Kuya Dux habang palapit nang palapit ang kaniyang mukha sa akin. Lalo lamang naghabulan ang tila mga daga sa loob ng aking dibdib. “Maganda ka sana kaso makalat ka rin pala kumain ng ice cream.” Napamulat ako nang marinig ko ang nanunuksong boses ni Kuya Dux. Pagkadilat ko ay walang imik naman niyang pinunasan ang gilid ng aking labi gamit ang sariling panyo niya. Puting-puti pa naman iyon kaya kitang-kita ko ang ice cream na nagmantsa roon. Iyon ba ang dahilan kaya titig na titig siya sa akin kanina? At hindi dahil nagandahan siya sa akin? Nahiya tuloy ako bigla. “Kayo nga din po, Kuya, eh. Guwapo rin sana kaso hindi rin marunong kumain ng ice cream,” narinig ko na kantiyaw din sa kaniya ni Heaven, sabay hagikhik. Hin