BLESSY MATAPOS kong siguruhin na okay na si Heaven ay saka lang ako bumalik sa silid ko dahil ako naman ang aayusan ng make-up artist na kinuha ni Daddy Aurelio para mag-ayos sa aming dalawa. Ngayong gabi kasi ang birthday party ng governor na a-attend-an namin. Pero undecided pa rin ako kung alin sa dalawang cocktail dress ang susuotin ko. Pareho kasing revealing masiyado ang dalawang iyon. At balita ko, si Tita Virginia ang pumili niyon. Habang hinihintay ang pagdating ng make-up artist ay nakatanggap ako ng text mula kay Kuya Dux. Hindi ko napigilan ang mapangiti nang mapansin ko ang emoticon na nasa dulo ng pangalan niya. Kung saan ay seryoso ang mukha nito habang nakasuot ng sunglasses. Naalala ko na siya nga pala ang nag-save nito sa contacts ko. May ipapadala akong gown diyan sa