BLESSY “AH… so, hindi talaga kayo tunay na magkapatid?” komento ni Izaak matapos ko na ikuwento sa kaniya ang tunay na relasyon namin ni Kuya Dux. Nagtaka daw kasi siya kung bakit hindi kami magkamukha kaya sinabi ko na ang totoo. “Oo. Gano’n na nga,” tumatango-tango na sagot ko. “Pero parang totoong kuya na rin talaga ang turing ko sa kaniya. Gano’n kasi ang gusto ni Daddy Aurelio at ng baby sis ko na si Heaven. At saka, gano’n din ang tingin sa akin ni Kuya Dux. Little sister niya kaya gano’n na lang siya ka-overprotective sa’kin,” paliwanag ko. Kumunot ang noo ni Izaak pagkatapos niya marinig ang sinabi ko. “Are you sure?” “Ano ang ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ko rin sa kaniya. “Na kapatid lang talaga ang turing sa’yo ni Mayor. Kasi parang hindi gano’n ang tingin ko noong