BLESSY MABILIS na lumipas ang taon. Finally, nasa third year college na rin ako. Kaunting kembot na lang at makakapagtapos na ako. Matutupad na ang pangarap ko na maging isang guro. Malapit na naming matupad ni Heaven ang mga pangarap namin noon. At higit sa lahat, palapit nang palapit na ako sa mga pangarap namin ni Kuya Dux. Bukod sa natupad na niya ang pangarap niya na magsilbi pa sa bayan dahil nanalo siya noong last election para sa second term niya as mayor. Hanggang ngayon pala, kami pa rin ng kuya ko. Sa loob ng three years, katulad din kami ng ibang magkarelasyon. Dumaan din kami sa mga normal na pagsubok katulad ng mga tampuhan, hindi pagkakaintindihan, selosan… Pero kahit kailan never kaming humantong sa usapin ng pagsuko. Hangga’t maaari, inuunawa namin ang isa’t isa. Lalon