DUX PAKIRAMDAM ko nag-aapoy ako sa galit nang sugurin ko si Meluard sa bahay niya. Hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa ang selos na nararamdaman ko nang maaktuhan ko ang larawan na ipinadala niya sa akin kanina. Kitang-kita ng mga mata ko kung paano inakbayan ng Izaak na iyon sa Blessy. D*mn that man! ‘Buti nga at naligo siya sa putik. Mas lalo pang dumilim ang mukha ko nang maabutan ko si Meluard na prenteng nakaupo sa sofa, na para bang walang kagaguhang ginawa sa’kin. Nagsumbong kasi sa akin si Asher na kinausap daw ni Meluard si Izaak at inutusan na ligawan si Blessy. “You assh*le—" “Hey, bago mo ako murahin diyan,” mabilis na putol niya sa masasamang salita na lalabasa sana sa bibig ko at tumayo. “Gusto kong malaman mo na malakas ang kutob ko na hindi talaga gusto nina Izaak at