BLESSY HINDI ko mapigilan ang aking kaba habang hinihintay ko kung ano ba talaga ang binabalak ni Kuya Dux at kung bakit unti-unti niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa mukha ko. Ngunit sa kabila ng kaba kong ito, hindi ako umiwas. At hindi ko alam kung bakit. Ang alam ko lang, nagugustuhan ko ang pagbuga niya ng mabangong hininga na malaya kong nalalanghap. Napapikit ako. Hanggang sa namalayan ko na lang ang paglapat ng malalambot na labi sa mga labi ko. Napamulagat ako. Tila may mga daga ang bigla na lang naghabulan sa loob ng dibdib ko nang makita ko ang guwapong mukha ni Kuya Dux. Nakapikit siya habang dahan-dahan na iginagalaw ang kaniyang mga labi sa mga labi ko. Daig ko pa ang itinulos sa aking kinatatayuan. Hindi ako makakilos. Ni hindi ko maibuka ang mga labi ko. Gusto ko