BLESSY
“BLESSY, hija, ano ang ginagawa mo?”
Napahinto ako sa pagwawalis dito sa kusina nang marinig ko ang boses ni Aurelio. Napalingon ako at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya nang maabutan niya akong nagwawalis. “G-good afternoon po, May—” Hindi ko na muna itinuloy ang sasabihin ko.
Hanggang ngayon kasi undecided pa rin ako kung ano ba talaga ang dapat kong itawag sa kaniya: Tito, Mayor, o Daddy ba. Iyong huli ang inuutos niya sa akin na itawag ko raw sa kaniya pero nahihya naman ako. Ang mga katulong kasi, nasanay na raw na ‘mayor’ ang tawag sa kaniya dahil nga sa matagal nitong panunungkulan sa gano’ng posisyon.
“Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Nasaan ang mga katulong?” Hindi pa rin napapalis ang pagkakunot ng noo ni Aurelio nang lapitan niya ako, habang ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa dustpan at walis tambo na hawak ko. “Hindi ba nabanggit sa’yo ni Tiya Cora na mahigpit kong ipinagbabawal ang pagtulong n’yo ni Heaven sa mga gawaing bahay? Dahil mga anak ko kayo, Hija. At hindi mga kasambahay,” mabait pero may awtoridad na sabi niya sa akin.
Nahihiya na napayuko ako. Gayon man, ibang kasiyahan ang nadarama ko sa aking puso. Na-touch ako sa pagturing niya sa akin na anak. Kahit ilang beses na niya iyong sinabi, hindi pa rin ako nasasanay. At sa tuwing sinasabi niya iyon ay nararamdaman ko ang sinseridad niya.
“Huwag n’yo na pong pagalitan si Tiya Cora. Ako po ang may gusto na tumulong. Hindi po kasi ako sanay na walang ginagawa, Mayor,” magalang na katuwiran ko.
“Marami kang puwedeng pagkaabalahan diyan. You can read books, watch TV, play video games… may gym din tayo. Puwede kang maglaro doon ng badminton o mag-exercise. Isama mo si Heaven para hindi ka ma-bore. Busy lang kasi kami ngayon ng Kuya Dux mo kaya hindi pa namin kayo maipasyal. But one of these days, asahan mo na ang sunod-sunod nating paglabas,” mahabang pahayag ni Aurelio. “At saka isa pa, bakit ‘mayor’ ang tawag mo sa’kin, Hija? Hindi ba’t sinabi ko na rin sa’yo na puwede mo akong tawaging ‘daddy’?”
“Sorry po. Nahihiya po kasi akong tawagin kayo ng—”
Nangingiting tinapik ni Aurelio ang balikat ko. “Masasanay ka rin. At saka mas matutuwa si Heaven kapag narinig niya na tinatawag mo na rin akong ‘daddy’.”
“Pero po—”
“I’m sorry, Hija,” mabilis na naman niyang agaw sa pagsasalita ko. “But I don’t take ‘no’ for an answer. Magtatampo ako sa’yo kapag patuloy mo akong tinatanggihan na tawagin akong ‘daddy’. Gusto mo ba iyon? Baka pati si Heaven, magtatampo rin sa’yo niyan…”
Makulit din pala itong si Aurelio. No wonder kung bakit parehong makulit sina Heaven at Kuya Dux. May pinagmanahan pala talaga.
Nakagat ko ang aking labi nang tumingin ako sa dating asawa ni Mama. “S-sige po, D-daddy. Ayaw ko po kasi na magtampo kayo sa akin, lalo na si Heaven. Maraming salamat po.”
Nakangiti pa rin na pinisil ni Daddy Aurelio ang aking balikat. “No need to mention it, Hija. Basta simula ngayon, huwag mo nang isiping hindi tayo magkadugo.”
Napangiti at napatango-tango ako kahit pa nga may pag-alangan pa rin sa aking puso. Naalala ko kasi na baka posibleng ikagalit ni Mama Juana, kung nasaan man siya ngayon, ang desisyon kong ito na tumira kami rito ni Heaven. Baka multuhin niya ako. Pero bilang ate, nagpaka-practical lang ako para sa kapatid ko. Oo, kaya ko siyang buhayin at mapagtapos sa pag-aaral. Dahil hindi ako papayag na hindi iyon mangyari. Pero hindi ko kayang ibigay sa kaniya ang ganitong kaginhawaan na kayang ibigay ng Daddy niya. Bukod doon, mahal na mahal ko ang aking kapatid at ibinibigay ko lang ang karapatan niya na makasama ang kaniyang ama.
“Anyway, I’ll go ahead. May kailangan akong asikasuhin sa labas. Maiwan ko muna kayo ni Heaven,” kapagkuwan ay paalam ni Daddy Aurelio. “Itigil mo na iyang ginagawa mo at huwag kang mahiyang magsabi ng kahit anong gusto n’yo sa mga katulong. Maliwanag ba, Hija?” mariing bilin niya. “Dahil kung hindi, sina Tiya Cora ang mananagot sa akin.”
Tumango na lang ako. “O-opo, Dad.”
Nginitian lamang niya ako at saka lumabas na ng kusina.
Kahit gusto ko pang ituloy ang pagwawalis ay napilitan akong itigil dahil ayaw ko rin na mapagalitan pa sina Tiya Cora nang dahil sa akin. Nagdesisyon na lang ako na bumalik na lang sa aking silid. Tutal, tapos naman na kaming mananghalian. Si Heaven naman ay nagpapahinga na sa kuwarto niya. Napagod kasi iyon sa paglalaro sa mga bagong manika at dollhouse na bigay ng Daddy niya. Na-touch nga ako nang makita ko kanina ang excitement pa rin niya sa mga laruang iyon kahit dose anyos na siya. Simula kasi nang dumating sila sa Cebu, hindi na niya naranasan ang magkaroon ng ganoon kaganda at kamahal na mga laruan. Naalala ko na pangarap niya dati ang magkaroon ng mga iyon. Katulad daw ng mga naging laruan niya noong maliit pa lang siya. Pero dahil hindi naman namin afford ni Mama at ng tiyahin namin, mga mumurahing laruan lang ang nabibigay namin sa kaniya.
Papunta na ako sa elevator nang bigla na lang may humila sa buhok ko. Napatili ako at napa-aray. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang nagmalupit sa akin.
“T-tita Virginia!”
“Huwag ka masiyadong feeling sa bahay na ito. Dahil kapag nabuwisit ako sa’yong babae ka, sisiguraduhin kong mapapalayas ka ritong babae ka. At kahit kailan, hindi mo na makikita pa ang kapatid mo!” Hinila pa niya lalo ang mahabang buhok ko. “Maliwanag?”
“O-opo! Opo!” Nahihintakutan na tumango-tango ako.
“Mabuti naman kung gano’n. Dahil kahit ituring ka pang anak ng asawako, isa ka pa ring sampid dito. Stupida!” Tinabig niya ako palayo sa elevator. “At huwag kang gumamit nito. Sa hagdanan nararapat ang isang hampas-lupa na tulad mo!” Pumasok na siya sa bumukas na pinto ng elevator hanggang sa tuluyan iyong sumara.
Naiwan naman ako na bahagyang nanginginig pa rin sa takot. Ang totoo niyan, hindi naman ako natatakot kay Tita Virginia. Kayang-kaya ko siyang labanan ng pisikal. Pinalaki akong mabait ng tiyahin ko pero hindi para magpaapi. Kaya alam ko kung paano lumaban kapag alam kong nasa tama ko.
Mas natakot ako sa sinabi ni Tita Virginia na ilalayo niya ako kay Heaven. Hindi ko iyon kaya.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko pa pagbibigyan ang hiling ni Daddy Aurelio na ituring ko siyang parang tunay na ama ko kung asawa niya mismo ang numero unong tumututol.
BLESSY
DAHIL hindi naman ako sanay matulog sa tanghali, at sobrang nainip ako, kaya naglinis at nagligpit na lang ako ng aking silid. Kahit pa nga kalilinis ko lang nito kaninang umaga. Hindi naman siguro ikakagalit ni Daddy Aurelio kung ako na ang gagawa nito sa sariling kuwarto ko.
At saka, inabala ko rin ang aking sarili para hindi ko gaanong isipin ang banta sa akin ni Tita Virginia. Maigi na rin siguro na hindi na lang ako masiyadong maglalabas ng silid para hindi magkrus ang landas naming dalawa. Kaya kong pagtiisan ang kalupitan niya kung kapalit niyon ay hindi ako malayo sa kapatid ko. Basta ba huwag lang niyang idadamay si Heaven.
Dahil hindi lang siya ang yawa kapag nagalit!
Pagkatapos kong maglinis at magligpit ng aking silid, sumaglit din ako sa kuwarto ni Heaven para tahimik na iligpit ang kuwarto niya. Gusto ko talagang magbusy-busy-han dahil hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang ipinangako ni Kuya Dux kay Heaven kaninang umaga na samahan namin siyang matulog mamayang gabi. Habang unti-unting palubog ang araw ay palakas nang palakas ang kaba ko.
Tutuparin niya kaya iyon?
Mahimbing ang tulog ng kapatid ko kaya hindi siya naistorbo sa paglilinis na ginawa ko. Iningatan ko rin naman talaga na magising siya hanggang sa natapos na ako at bumalik na rin sa silid ko.
Nagpapahinga na ako at nanonood ng TV nang katukin ako ng isang katulong.
“Bakit po, Ate Myra?” Twenty-five years old na siya at dalaga pa. Hindi ko agad napansin ang mga paper bag na dala niya.
“Ipinapabigay nga po pala ni Jomari, Senyorita Blessy,” magalang niyang sabi sa akin, dahilan para makaramdam na naman ako ng pagkailang. Hindi talaga ako sanay na tinatrato na amo. All my life, sanay akong naninilbihan lang. Ang Jomari na tinutukoy niya, sa pagkakatanda ko, siya ang head ng personal bodyguards ni Kuya Dux. May sariling quarter din sila rito. “Pinapabigay daw po ni Senyorito Dux para sa inyong dalawa ni Sneyorita Heaven.”
Kunot ang noo na nagbaba ako ng tingin. Nasa sampung branded paper bags yata ang hawak niya. Malalaki pa iyong iba. Kaya pala parang hindi siya magkaundagaga.
Nagtataka at nahihiya man, tinanggap ko na lang mula kay Ate Myra ang mga dala niya. Siguradong hindi rin naman niya ako masasagot kapag nagtanong ako kung para saan ang mga ito. Maiintindihan ko kung para lang kay Heaven. Pero bakit pati ako? Samantalang kagabi lang… binilhan na rin niya ako ng damit.
“Maraming salamat po, Ate Myra.”
“Walang ano man po, Senyorita.” At nakangiting umalis na ang katulong.
Isinara ko na ang pinto at dinala sa loob ang mga paper bags na may mga pangalan pa namin ni Heaven. I-indicate talaga kung alin sa mga ito ang para sa akin at para sa kapatid ko. Mamaya ko na lang dadalhin sa silid ni Heaven ang mga para sa kaniya kapag gising na siya. Hindi ko na rin muna sinilip ang mga laman para mas ma-surprise siya.
Nang mailapag ko sa isang tabi ang para kay Heaven, saka ko naman inisa-isang buksan ang limang paper bags na may pangalan ko. Binuklat ko ang mga ito sa ibabaw ng kama. Ilang damit pambahay, pantulog at pang-alis ang laman ng tatlong malaking paper bag. Samantalang bag, sapatos at tsinelas naman ang sa isang malaki rin. Mga gamit pambabae naman tulad ng suklay, mga ipit sa buhok, headband, at kung ano-ano pang ladies’ accessories ang laman ng natitirang isa pa.
Hindi ko napigilan ang mapahanga sa ganda ng mga ito. Pero muntik na akong mahimatay sa gulat nang tingnan ko ang mga presyo. Kulang pa siguro ang isang buwang sahod ko sa fast-food noon kung susumahin ko ang lahat ng ito. Baka nga two months pa. Plus, pa ang halaga rin ng mga pinamili niya para kay Heaven.
Napailing na lang ako. “Iba talaga kapag mayaman. Walang preno kung gumastos ng pera.” Tinapunan ko ng tingin ang mga pinamili ni Kuya Dux. Hindi ko yata kayang magsuot ng gano’n kamahal. Iyong damit nga na isinuot ko kagabi, ingat na ingat ako at nakakapanghinayang mapunit o kahit madumihan.
Ibinalik ko sa paper bags ang mga iyon at itinabi na lang muna. Saka ko na siguro gagamitin kapag nakapagpasalamat na ako kay Kuya Dux.
Natulog na lang muna ako.
BLESSY
SUMAPIT ang gabi. Tapos na kaming maghapunan pero hindi pa rin umuuwi si Kuya Dux. Ang sabi ni Daddy Aurelio, may mahalagang nilakad daw.
Matapos kumain ay pumanhik na sa master’s bedroom sina Daddy Aurelio at Tita Virginia. Ganoon din si Heaven. Ako naman ay nakipagkuwentuhan muna kina Ate Myra habang naglilinis sila sa sala. Pero hindi ko na iginiit pa na tumulong.
“Manang-mana talaga kayong magkapatid sa Mama n’yo. Parehong mabait. Sabagay, mabait din naman si Mayor kaya siguro sobrang bait ni Heaven,” wika ni Tiya Cora habang nagpapalit sila ng mga punda sa throw pillows. Pero napansin ko na bigla din siyang nanahimik na para bang may nasabing mali. Napatingin din sa kaniya ang mga kasamahan niya.
Nagtataka na binalingan ko ang mayordoma, “Kilala n’yo ho ang Mama namin?”
Nagpatingin-tingin muna sa paligid si Tiya Cora bago sumagot, “At bakit po hindi, Senyorita? Dito na ako tumanda sa mga Reyes. Baby pa lang iyang si Senyorito Dux ay naninilbihan na ako sa kanilang pamilya,” pabulong na sagot niya na ipinagtaka ko na naman.
Oo nga pala. Nabanggit din iyon sa akin ni Kuya Dux. Bakit nga ba hindi ko agad naisip na posibleng nakasama na ng ilan sa mga helper dito ang Mama ko noon? Pati na rin si Heaven? Nang dahil doon kaya isang ideya ang pumasok sa isip ko.
“Kung gano’n ho na matagal na pala kayo rito, ibig sabihin, alam n’yo rin kung bakit naghiwalay noon ang Mama ko at si Daddy Aurelio?” usisa ko kay Tiya Cora. Baka sa kaniya, may makuha akong sagot. Si Kuya Dux kasi mukhang walang balak sabihin sa akin ang totoo. Nahihiya naman akong magtanong kay Daddy.
Napansin ko ang pagtitinginan nina Tiya Cora at isa pang kasambahay na si Ate Imelda. Mas bata lang ito sa kaniya ng ilang taon. At sa pagkakaalam ko, matagal na rin siyang nagtatrabaho rito.
“Pasensiya ka na, Senyorita. Pero simula ho nang maging asawa ni Mayor si Donya Virginia, mahigpit nang ipinagbabawal ang pagbanggit sa pangalan ng Mama mo,” si Tiya Imelda ang sumagot. Kaya pala ibinulong lang din niya sa akin. “Mananagot ang sino mang lumabag niyon.”
Bigla akong nalungkot. “Ibig sabihin, imposible po pala na malaman ko ang totoo.”
Puno ng simpatiya na nagtinginan ang mga kasambahay. Pagkatapos ay saka ako nilapitan ni Tiya Cora at hinawakan ang aking kamay. “Huwag kang mag-alala, Senyorita. Malalaman n’yo rin ho ang buong katotohanan sa tamang panahon. Mahirap lang talagang suwayin si Donya Virginia,” makahulugang sabi niya na naintindihan ko naman.
Pero hindi ko na lang ikinuwento sa kanila na alam ko na kung bakit. Dahil kahit ako mismo ay naranasan na rin ang pagmalupitan ng matandang iyon.
Habang patuloy ang pagliligpit nila sa sala ay napatingin ako sa mga larawang nakasabit sa wall. Hindi ko na naman napigilan ang mapatunganga sa litrato ni Kuya Dux. Nakangiti siya. Labas ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin. Kahit ang mga mata niya ay tila nakangiti rin sa akin.
Lihim akong napailing. Ngiting-babaero talaga.
Nasabi na rin kasi sa akin nina Ate Myra na saksakan daw ng playboy ang kuya ko. Pero ‘ssshhh’ na lang daw. Baka sabihin pa na sinisiraan nila siya sa akin.
Parang imposible naman kasi na hindi ma-in love kay Kuya Dux ang sino mang babaeng makasalamuha niya. Tila may kung ano sa ngiti niya na nakakapag-hipnotismo sa kahit sino. Iyong tipong mapapatitig ka talaga.
Kapagkuwan ay hindi sinasadyang dumako ang mga mata ko sa lalaking kasama ni Tita Virginia sa litrato. Sa hula ko, matanda lang siguro siya ng ilang taon kay Kuya Dux. Napansin ko na ang larawang ito noong unang dating ko pa lang dito. Pero hindi pa ako nagkalakas ng loob na magtanong.
“Sino naman po ang lalaking iyan na kasama ni Tita Virginia?” kaswal na tanong ko kay Tiya Cora habang nakatitig pa rin sa lalaki. Maputi siya, itim na itim ang mga mata, at matangos ang ilong. Hindi rin maitatanggi ang kaguwapuhan niya kahit simple lang ang ngiti niya.
Gayon man, mayroon sa ngiti niyang iyon na hindi ko gaanong gusto. Na para bang kabaligtaran ng ngiti ni Kuya Dux. Kung ang kay Kuya, ngiting-cariñoso, sa kaniya naman ay ngiting nangangako ng panganib.
“Si Sir Brandon po. Unico hijo ni Donya Virginia,” sagot ng mayordoma. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pag-ismid niya habang nakatingin din sa litrato. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at bumulong. “Kailangan mo siyang iwasan kapag nagkaharap kayo. Mabuti na lang at nasa ibang bansa na siya.”
Hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi ni Tiya Cora. Hindi na rin ako nakapagtanong pa dahil biglang dumating si Tita Virginia at sinita na naman ang pag-uumpukan namin.
BLESSY
MALALIM NA ANG GABI pero wala pa rin si Kuya Dux. Gusto ko sanang maligo bago matulog. Pero wala na pala akong pantulog. Napatingin ako sa paper bags. Hindi ko talaga isusuot ang alin man sa mga laman niyon hangga’t hindi nakapagpasalamat sa kaniya.
Napatingin ako sa orasan. Pasado alas onse na ng gabi. “Bakit kaya wala pa siya? Gaano kaimportante ang nilakad niya at inabot ng ganitong oras?” Hindi ko napigilan ang makaramdam ng pag-aalala para kay Kuya.
Sa kabilang banda, medyo nabawasan ang kaba ko. Kung hindi siya makakauwi ngayong gabi, ibig sabihin, hindi namin siya makakatabi ni Heaven sa pagtulog. Hindi niya malalaman na tulo-laway ako kapag napahimbing.
Thirty minutes pa akong naghintay sa pagdating ni Kuya. Hanggang sa hindi ko na natiis. Naligo ako at isinuot ko na ang isa sa mga pantulog na pinabili niya bago ako pumunta sa silid ng kapatid ko para samahan siya.
DUX
PASADO alas dose na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Natagalan kasi kami sa pagmamanman sa pinaghihinalaan naming bagong saltang druglord dito sa bayan namin. Alam ko na hindi iyon parte ng aking trabaho bilang Punongbayan. Ngunit hangga’t maaari, gusto ko na nakikita mismo ng mga mata ko bago ko pahatulan ng parusa ang isang suspek.
Tapos na kaming kumain sa labas kaya dire-diretso na ako sa elevator nang makapasok ako sa bahay. Pero sa second-floor pa lang ay bumaba na ako nang maalala ko ang aking pangako kay Heaven na sasamahan ko siya sa pagtulog ngayong gabi. Bigla akong nakonsensiya dahil hindi ko iyon natupad.
“Pero puwede pa naman akong humabol. Ilang oras pa bago mag-umaga,” kausap ko sa aking sarili habang tumitingin sa suot kong relo.
Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa silid ng aking kapatid. Kumatok ako nang marahan sa pinto. Pero nang walang bumukas ay maingat ko na itong binuksan dahil hindi naman naka-lock. Tahimik na ang buong silid nang pumasok ako. Tanging lampshade na lang ang nakabukas.
Nagsalubong ang aking mga kilay nang mapatingin ako sa katabi ni Heaven pagkatapos ko siyang ayusin dahil malapit na siyang mahulog sa kama. Si Blessy. Natutulog na rin nang mahimbing. Bahagya akong napapikit nang maalala kong dito nga rin pala siya natutulog. At may usapan kami kanina.
Saglit akong napatitig kay Blessy. Hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sarili na humahakbang palapit sa kama, sa side kung saan siya nakapuwesto. Napansin ko na bago ang satin silk sleepwear terno-shorts na suot niya na may ruffle. Siguradong isa ito sa mga ipinabili ko kina Madelaine at Jomari kaninang tanghali. May nakakabit pa kasi na tag price.
Napangiti na lang ako. Hindi ko na tinanggal dahil baka maistorbo ko siya.
Hinubad ko na lang ang jacket na suot ko. T-shirt at pants na lang ang itinira ko. Masiyado na akong pagod para umakyat pa sa silid at magpalit. Hindi ko rin ugaling mang-istorbo ng katulong kapag dis-oras na ng gabi.
Mayamaya ay bigla akong namroblema kung saang parte ng kama ni Heaven ako hihiga. Hindi ko naiwasan na hindi mapatingin kay Blessy nang gumalaw siya. Sunod-sunod akong napalunok nang tumihaya siya at napansin ko ang pag-awang ng mga labi niya. Hindi sinasadya na bumaba ang aking mga mata sa mga binti niya. Napatitig ako sa mga iyon nang makita ko na naman ang mga legs niya. Brown complexion siya pero napakakinis.
I gulped once more. I couldn’t take my eyes off her beautiful legs.
Namura ko tuloy nang wala sa oras ang sarili ko. “F*ck!”
Lalo kong naramdaman ang pag-react ng aking katawan nang sa paggalaw uli ni Blessy ay tumaas nang bahagya ang pang-itaas niya at nahantad din ang makinis niyang tiyan. Ramdam ko ang unti-unting pagsiklab ng init sa aking katawan. Partikular na ang nakatagong alaga sa loob ng aking pantalon. Napamura na naman ako nang maramdaman ko bigla ang paninikip nito habag nakatitig ako sa maamo pero napakagandang mukha ni Blessy.
I shut my eyes and managed my c*ck to stay calm. Pero sa pagpikit ko ay lalo ko lang nakita ang kagandahan ni Blessy. Bigla na lang sumakit ang puson ko. Parang may sasabog na kung ano sa loob ko habang patagal nang patagal ang paglalaro ng imahe ni Blessy sa aking isipan.
Paano ko ba ito masosolusyunan kung alam kong bawal ang nasa isip ko? Kapatid siya ng little sister ko at balak pa ni Daddy na ampunin siya.
I groaned in frustration nang mapatingin ako sa pinto ng banyo habang hinihimas ang scrotch ng aking pantalon para pakalmahin ang nasa loob nito. “No, I’m not doing this…” frustrated na kausap ko sa sarili ko.
But still, natagpuan ko pa rin ang sarili ko na nasa loob na ng banyo at hinuhubad ko isa-isa ang aking mga saplot.