DUX
MAY ngiting hindi maalis sa mga labi ko nang lumabas ako ng mansion. Hindi ko tuloy napansin ang nanunudyong tingin ni Jomari—ang head ng personal bodyguards ko at itinuturing ko na rin na malapit na kaibigan.
“Good morning, Mayor!” bati niya sa akin, saka lang ako napatingin sa kaniya. Nakasuot siya ng kulay-gray na uniporme. Gayon din ang limang bodyguards ko pa at personal driver na nakaabang sa akin. Magalang na binati rin nila ako.
“Good morning.” Nakangiting tinanguan ko sila at dumiretso na sa sasakyang naghihintay sa akin. Nauna naman sa akin ang kaibigan ko para i-inspect ang loob ng sasakyan.
Although, alam ko naman na kanina pa lang ay na-check na rin niya iyon. Pero inulit lang niya uli para siguruhin na walang nakalusot na panganib sa akin. Ganoon kahigpit si Jomari pagdating sa security ko. Kung kailangan niyang pagsuspetsahan ang lahat ng nasa paligid ko, gagawin niya. I know rin na handa siyang ibuwis ang buhay niya just to make me safe.
Kaya nga masasabi ko na hindi ako nagkamali sa pagtanggap sa kaniya nang ibigay siya sa akin noon ni Daddy. By the way, anak nga pala siya ng dating personal boydguards ng father ko. Head din iyon at most trusted bodyguard ni Dad. Silang mag-ama ay mga dating sundalo na nagtataglay ng iba’t ibang special fighting skills.
“Clear na, Mayor. Puwede na kayong pumasok,” seryoso ang mukha na sabi sa akin ni Jomari pagkatapos niyang i-check din ang aming convoy car, kung saan naman sasakay ang iba kong bodyguards. Kahit sila man ay hindi nakaligtas sa inspection niya.
Kinuha pa niya ang cellphone ng mga ito, maliban sa dalawa: ang assistant head niya na nangunguna sa convoy car at ang personal driver ko. Ipinatupad niya kasi na bawal ang gumamit ng cellphone kapag on-duty. Puwede lang gamitin ang cellphone para sa mahahalagang bagay. Katulad na lang kapag kailangan na akong ihatid o sunduin. O di kaya kapag may tumawag para kunin akong special guest sa mga event, lalo na sa public schools. Lahat ng iyon ay dumadaan kay Jomari para siguraduhin kung safe ba ang taong tumawag, lalo na ang pupuntahan ko. Hindi ako pumupunta hangga’t hindi niya aprubado.
Pero kahit ganoon kahigpit si Jomari, malinaw pa rin sa kaniya na hindi niya puwedeng pakialaman ang ano mang personal na buhay ko nang walang permiso ko. Nangingialam siya pero bilang kaibigan at hindi isang bodyguard ko. Kaya nga hindi niya ako napilit noon na samahan ako nang pumunta ako sa Cebu para sunduin sina Heaven at Blessy.
Pumasok na ako sa loob ng sasakyan nang pagbuksan ako ng pinto ng aking personal driver. Sa backseat ako pumuwesto. Samantalang magkatabi naman sa unahan sina Jomari at ang driver.
“Ano ba ang meron at kanina pa hindi mawala-wala iyang ngiti mo, Mayor?” At hayun na naman ang nanunudyong tingin ni Jomari nang balingan niya ako sa likod nang nasa biyahe na kami. Kapag ganito ang tono at awra niya, ibig sabihin ay kaibigan ko siya at hindi bodyguard. But still, alerto pa rin siya sa bawat dinadaanan namin. Panay ang silip niya sa labas ng bintana. “Huwag mong sabihin na may napipisil ka na namang bagong babae na ide-date mo pagkatapos ninyong mag-break ni Sylvia?”
Hindi lihim kay Jomari at sa mga bodyguard ko ang pagiging babaero ko kapag nasa labas ako ng aking trabaho. Saksi sila kung paano ako magpalit ng babae na parang nagpapalit lang ng damit. In fact, si Jomari pa nga minsan ang tagahanap ng babaeng posible kong magustuhan. Siya rin ang tumutulong sa akin para hindi maapektuhan ang pagiging mayor ko nang dahil sa iba’t ibang babaeng nauugnay sa akin.
Hangga’t maari kasi, pinaghihiwalay ko ang personal na buhay ko sa pulitika.
“Bakit? May napili ka na bang prospect na ipapalit ko sa kaniya?” pabiro na sagot ko bago ako tumingin sa labas ng bintana. Hindi naman talaga kami nag-break ni Sylvia dahil hindi naman pormal ang relasyon namin. It’s all about s*x. Katulad ng mga nauna, nagkasundo kaming maghiwalay ni Sylvia nang makaramdam na kami ng pananamlay sa isa’t isa. She wanted more and so did I.
Pero hindi naman namin binibigyan ng restriction ang isa’t isa. If ever man na magkita kami uli at nakaramdam ng init, puwede naming gawin ang dati. As long as na pareho pa kaming available. Hindi naman clingy si Slyvia katulad ng ibang naging ka-date ko. Malinaw sa kaniya na hanggang s*x lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Na hindi ako sumasabit, at mas lalong hindi two-timer.
“Wala pa, Mayor. Last month lang nang huli kayong nag-date ng Sylvia na iyon.”
Nagtatakang nilingon ko si Jomari. “What’s new? Dati nga, one-week lang ang pagitan,” sabi ko sabay tawa nang marahan.
“Hindi ka ba napapagod? Lahat yata ng babae rito sa Bulacan ay naikama mo na. Pati nga ang mga sikat na celebrity, natikman mo na rin.”
“Ang OA mo. Parang hindi ikaw ang number one supporter ko,” natatawa uli na sagot ko.
Gayon man ay totoo ang sinabi ni Jomari. Halos lahat yata ng babae rito sa Bulacan, basta magaganda at pasado sa taste ko ay naging akin na. Maging ang mga sikat na artista, modelo, anak ng mga mayayaman, kapwa pulitiko ko, etc… Hindi ko na mabilang ang mga babaeng dumaan sa kamay ko simula nang lokohin ako ng first ever girlfriend ko noong high school ako. Since then, hindi na ako naniwala sa salitang ‘love’. At ipinangako ko sa aking sarili na hindi na kailan man magseseryoso sa mga babae.
“Sabagay. Bata ka pa naman. ‘Ika nga, ‘enjoy life while young’,” pabiro na sagot ni Jomari. Mas matanda kasi siya sa akin ng pitong taon. “Basta ba huwag mo kalimutang ambunan din ako.”
“Kailan pa ba kita pinabayaan at iyang pagkahilig mo rin? Kaya nga hinayaan kitang i-date ang ate ni Sylvia, right?”
“Pero sa’yo rin naman napupunta ang atensiyon niya kapag nakita ka niya. Kahit pa nga kasama mo ang kapatid niya. Kaya nga umayaw na rin sa’kin nang malaman niyang wala na kayo ni Sylvia. Umaasa ‘yon na siya naman ang ikama mo.”
Natawa lang ako sa kunwa’y reklamo ni Jomari. May hitsura din naman siya at malakas ang karisma pagdating sa mga babae. Hindi nga lang niya matatalo ang isang Mayor Dux. “Ibig lang sabihin niyon, magtino ka na raw sa buhay at gurang ka na.”
Ang driver na madalas ay nakikinig lang sa amin, si John, hindi napigilan ang mapabunghalit ng tawa nang marinig ang biro ko. Tumigil lang ito nang batukan ni Jomari. Palibhasa mas bata ito sa kaniya at matanda lang ng dalawang taon sa akin. Sanay din akong makipagbiruan nang ganito sa mga tauhan ko kaya hindi sila naiilang sa akin.
Ibang usapan lang pagdating sa trabaho at kaligtasan ko.
“Lol! At sa’yo pa talaga nanggaling iyan, Mayor? Akala ko ba hindi dapat sineseryoso ang mga babae?”
Isang matunog na tawa ang pinakawalan ko. Pero hindi ko na nagawang sagutin si Jomari dahil natanaw na namin ang munisipyo. Hindi naman ito ganoon kalayo sa bahay namin. Twenty minutes lang ang naging biyahe namin. Inaabot lang ng thirty to forty-five minutes kapag sobrang traffic.
DUX
PAGBABA ko pa lang ng sasakyan ay nakangiting bumati na sa akin ang mga tao. Mula sa mga vendor, street sweepers, traffic enforcer… Basta halos lahat ng mga taong nasa tapat ng munisipyo at nakapansin sa pagdating ko. Kahit nga ang mga taong napadaan lang ay huminto pa talaga para batiin ako. Ginantihan ko naman sila ng sinserong ngiti at kaway. Ang ilan sa kanila ay binigyan ko pa ng pambiling merienda. Um-order din ako sa kalapit na pizza parlor para sa mga empleyado ko.
Ganito ako kung mahalin at respetuhin ng mga tao rito sa San Victores, Bulacan, sa kabila ng pagiging batang mayor ko. Higit pa sa suporta na ibinigay nila noon kay Daddy nang siya pa lang ang nakaupong mayor. Hindi ko nga alam kung bakit. Dahil kahit madalas na akong kasama ni Dad sa mga kampanya niya noong bata pa lang ako, never naman akong nagpakita ng interes sa pulitika. Napilitan lang ako nang dahil sa kahilingan ng father ko.
Siguro nakita at naramdaman lang ng mga taga-San Victores ang sincerity ko during campaign nang sabihin ko sa kanila sa pamumuno ko, sisikapin ko na lahat ng nasasakupan ko ay ituturing ko nang pantay-pantay; mayaman man o mahirap. That with Mayor Dux, ‘no one is above the law’.
Bagay na napanindigan ko naman sa loob ng mahigit isang taon na pagkakaupo ko bilang pinuno ng bayang ito. Ilang lawbreakers na ang naipakulong ko at karamihan sa kanila ay mayayaman at kilalang tao pa. Kagaya ng mga illegal loggers at druglord. Walang takot ko silang binabangga kahit ilang beses na akong nakatanggap ng death threat.
Dahil ginawa rin naman nila iyon kay Dad. Pero hanggang ngayon ay buhay pa naman siya.
“Good morning po, Mayor Dux!” masasayang bati sa akin ng mga empleyado pagkadating ko pa lang sa bungad ng munisipyo. Nasa likuran ko sina Jomari at dalawang bodyguards. Samantalang normal naman na maiwan sa labas ang iba pa para magbantay at magbigay ng signal kapag may nakaambang panganib.
“Good morning!” masiglang bati ko rin sa kanila. “Paki-receive na lang pala mamaya ang ipina-deliver ko na pizza para sa merienda. Pagsaluhan n’yo na lang,” sabi ko sa lalaking nakaupo sa information center.
Tuwang-tuwa naman ang mga nakarinig sa sinabi ko.
“Kaya mahal na mahal ka namin, Mayor, eh. Dahil bukod sa guwapo na, aba’y, saksakan ng bait pa!” sabay-sabay nilang puri sa akin at ramdam ko na walang halo rin na kaplastikan.
Napangiti lang ako. Dumiretso na ako sa second floor habang kasunod sina Jomari, kung nasaan ang opisina ko. Katulad sa ibaba, napuno rin ako ng magalang na pagbati mula sa mga empleyado ng munisipyo na nakasalubong ko. Gayon man ay may iilan pa rin sa kanila na alam kong napipilitan lang na pakisamahan ako. Katulad na lang ng ilang nahalal na konsehal mula sa kalabang partido.
DUX
“MAYOR, can I come in po? Dadalhin ko lang po sana ang kape n’yo. At saka papapirmahan ko na rin po sana ang pay-out ng mga KAD workers.”
Pinindot ko ang answer button ng intercom nang marinig ko ang sinabi ng aking sekretarya. “Yes, you can come in.”
Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng Mayor’s office at pumasok ang aking thirty-five-year-old secretary na si Madelaine. Asawa siya ng kapatid ni Jomari kaya malaki rin ang tiwala ko sa kaniya.
Ipinatong niya sa aking lamesa ang isang tasa ng kape bago inabot sa akin ang puting folder.
“Just make sure na lahat ng KAD workers ay makakapag-payout nang pantay-pantay. Siguraduhin mo rin na talagang qualified ang nasa listahan ng second batch na ibibigay ng bawat barangay,” mariing bilin ko sa aking sekretarya habang pumipirma.
Ang KAD o Kaagapay ng Displaced Workers ay isa sa mga proyekto ko na layuning magbigay ng temporary employment sa mga taga-San Victores na walang trabaho. Kaya mahigpit kong iniuutos na salaing mabuti ang mapapasama sa listahan at maibigay nang tama ang nararapat para sa kanila.
Pagkatapos magpasalamat ni Madelaine ay nagpaalam na siya. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas ay may naalala ako kaya pinabalik ko siya.
“Puwede ka bang pumunta ng mall sa breaktime mo? May ipapabili lang sana ako. And don’t worry, sasamahan ka ni Jomari.”
“No problem po, Mayor. Tamang-tama at may bibilhin din ako para sa anak ko.”
Nang makalabas na ang sekretarya ko, napasandal ako sa backrest ng aking swivel chair para makapag-isip nang mabuti. Iniisip ko kung ano-ano ang mga gamit na kailangan nina Heaven at Blessy na ipapabili ko kina Madelaine at Jomari.
Malabo kasing matupad ang ipinangako ko sa kanila na ipagsa-shopping pagdating ko. May biglaan akong lakad at posibleng abutin ng gabi.