BLESSY BAGO mag-lunch time, kinatok ako ng kasambahay ni Madam L. para ipaalam na may bisita raw akong naghihintay sa receiving area nitong dormitoryo. At dahil wala naman akong inaasahan na ibang bisita, kaya naisip ko agad na si Kuya Dux iyon, lalo at lalaki raw. At tama nga ako. Dahil ang guwapong mukha ni Kuya ang sumalubong sa akin sa receiving area. Lihim na nagdiwang ang puso ko dahil talagang binalikan niya ako. Sabagay, sigurado naman na hindi siya uuwi ng Bulacan na hindi nagpapaalam sa akin. Ngunit ang ipinagtataka ko ay ang iba’t ibang boxes na nasa harapan ni Kuya Dux. Mga kahon na hindi ordinaryo lang dahil iba’t ibang appliances ang laman ng mga iyon. Ang pinakamalaki agad ang nakita at nabasa ko, isang mini-fridge na kilalang-kilala ang brand, gayon din ang oven toaster