BLESSY HABANG unti-unting nagkakalapit ang mukha namin ni Kuya Dux, napansin ko na mas mapungay na ngayon ang mga mata niya kaysa nang bago kami pumunta rito. Inamin naman niya sa akin na nakainom siya pero hindi raw lasing. Pero bakit ganito na ang mga mata niya ngayon? Parang mas tumapang din ang amoy ng alak na nalalanghap ko sa mula sa hininga niya. Lasing ba talaga siya o sinapian lang? “Umalis ka nga diyan sa ibabaw ko!” sigaw ko sabay tulak sa katawan ni Kuya Dux para alisin mula sa ibabaw ko. “Hindi po ikaw ang Kuya Dux ko. Sumapi ka lang sa katawan niya para linlangin ako.” Nagtataka na itinigil naman niya ang paglapit ng kaniyang mukha sa mukha ko. “Hey, what are you saying?” “Dahil kung ano-ano na lang po ang lumalabas sa bibig n’yo.” Napatitig siya sa akin na tila natigil