DUX “N-NO… n-no…” paulit-ulit na sabi ko habang umiiling kahit ilang minuto na rin ang lumipas matapos akong tapatin ng doctor na kumausap sa akin kanina tungkol sa totoong nangyari sa akin. Parang nanlalambot ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung physically o mentally ba, “H-hindi totoo ang lahat ng sinabi n’yo… h-hindi totoo.” Hindi makapaniwalang sinuluyapan ko si Meluard. Gayon din sina Tiya Cora at Myra. Umaasa ako na sasabihin nilang nagbibiro lang ang doctor nang sabihin niya sa akin na naaksidente ako three years ago, dahilan kaya na-coma ako nang gano’n katagal. Pero may doctor ba na kayang magbiro ng ganito sa pasyente niya? “P-paano nangyari ang lahat ng ito?” nanlulumong tanong ko at kay Meluard nakatingin. Isa siya sa mga taong kilala ko na kahit saksakan ng palabiro at kal