DUX “N-NO… Hindi iyan totoo, Tiya Cora. You’re just lying! Sinungaling ka!” sa unang pagkakataon ay nasigawan ko nang gano’n ang napakabait naming mayordoma. Pero hindi ko kasi kayang tanggapin ang biro niya, eh… Hindi matatanggap ng loob ko na may asawa ng iba si Blessy. “B-bakit naman niya pakakasalan ang Brandon na ‘yon kung ako ang boyfriend at mahal niya? At pagkatapos ng mga ginawa ng hayop na ‘yon sa family namin?” “Sorry po, Senyorito—” “Hindi ko ho kailangan ang sorry n’yo, Tiya Cora,” malamig na putol ko agad sa sasabihin niya. “Kasagutan ang gusto ko… Sagot sa akusa n’yo na may asawa na si Blessy at hindi ako ‘yon.” Naitikom ng mayordoma ang bibig niya dahil siguro sa takot niya sa akin. Ngayon lang kasi niya ako nakita na nagalit nang ganito. “Niloko nila si Blessy, bro,