CHAPTER 4

1540 Words
Inilibot nga siya ng mga kaibigan niya sa loob ng napakalaking Campus. Masaya naman siya at saglit na nakalimutan ang nangyaring pagkikita nila kanina ni Alexander. Pero kahit gustuhin man niyang kalimutan ang pagmumukha nito ay para namang tukso na gumigiit ito sa kanyang isipan. "Is Alexander going stay here for good?" wala sa sariling tanong niya. Nasa loob sila ng isang Cafeteria na malapit lang din sa University. Napaubo namang si Anastasia nang marinig ang tanong niyang 'yon, muntik pa nitong maibuga ang ininom nitong iced coffee. Si Alana naman ay natigil sa kanyang pagdadasal. Si Summer, Snow, at Natalie na maingay na nag-uusap ay nagsitigil sa kanilang pag-uusap at sabay na napatingin sa kanya. Ipinilig niya ang ulo at sumipsip sa straw ng iced coffee niya. Everyone is looking at her like what she said a while ago was a sin. Gusto rin niyang bawiin ang itinanong, but it's too late. "As in, Alexander Mathew Contreras?" maarte pang ikinumpas ni Snow ang mga kamay nito. Tumikhim siya. "Ah, I'm just asking dahil nakita ko siya kanina sa loob. Curious lang din ako, so naitanong ko. But anyway, whether he stays or not, it doesn't matter. Naalala ko lang na itanong," she wanted to slap herself because she sounded so defensive. "I think he will stay," kibit balikat na sagot ni Natalie. "No, narinig ko ang kuwento niya sa Daddy," ani Anastasia. "Sabi niya depende raw sa sitwasyon, kung wala naman daw rason na iwan niya ang Pilipinas ay mag-stay raw siya rito." Humigop ito sa hawak nitong baso at makahulugan siyang tinitigan. "You found him hot?" may panunuksong tanong sa kanya ni Snow. Para naman siyang mabulunan sa iniinom niya dahil sa tanong na iyon ni Snow sa kanya. Idagdag pang naalala pa niya ang naabutan niya no'n sa kubo. Damn it! Minura niya ang sarili sa kanyang isip. Pati si Xander ay minura rin niya dahil sa inis niya sa lalaki. She hates him for teasing her... in her mind. She hates him for invading her world. "Hot? Of course not! Pantayan niya muna si Keanu Reeves bago ko masabing hot siya," napairap siya. Sabay naman na pinagtawanan siya ng lahat. "Keanu Reeves? You're comparing a boy to a man, Camila!" bulalas ni Natalie. "Boy? He's a lot older than us. Oh, come on! Matanda na siya," aniya. Gusto na niyang i-drop ang topic na ito tungkol kay Xander dahil naiilang siya na nagagalit sa dahilan na hindi niya maiintindihan. "Si Ninong Nathan ay magdo-Doctor na nang makilala ni Ninang Amara," giit naman ni Summer. "And why are we talking about him and his age gap?" namumula ang kanyang mukha na tiningnan si Summer. "Because you're asking about him," sagot naman ni Anastasia. "I'm just asking kung mag-stay siya rito pero hindi ko itinanong kung babagay ba ang malaking agwat ng mga edad namin," naiiling na sagot niya. Pinagkaisahan siyang tuksuhin ng lahat and she doesn't feel comfortable about it. And, God, anak ito ng Ninong Tyler at Ninang Alex niya, for heaven's sake! "And I'm just asking if you found him hot," Snow countered back. Nauubusan siya nang isasagot niya sa mga ito. Ayaw niya ring pag-usapan ang tungkol kay Xander, curious lang siya kung babalik pa ba ito sa America. "Hey, bakit si Xander ang pinag-uusapan natin dito. Bakit hindi ang tungkol sa lakad natin sa linggo?" sabad naman ni Alana. Hinawakan nito ang nanlalamig niyang mga kamay at pinisil iyon. Tiningnan niya ang babae at pilit itong nginitian. She saved her, mabuti na lang at may sense itong si Alana at pilit siyang isinalba sa kahihiyan. Mas gugustuhin na lamang niya ang pag-uusapan ang tungkol sa bible verse ni Alana kaysa kay Alexander. "Come on, Alana, ilang beses mo nang ipinaalala sa 'min ang oras ng church sa Sunday," bored na sabi ni Snow. "How was everything last Sunday, Alana?" binalingan ito ni Anastasia. "W-What about it?" namumula ang mukhang tanong ni Alana kay Anastasia. Napayuko rin ito at itinago ang mukha nito sa kanila. "Noong bumisita si Joachim sa bahay n'yo." Kumindat pa si Natalie nang tumingin sa kanila isa-isa. Napatingin naman siya sa kisame, bakit ang hilig ng mga itong magbigay ng malisya at manukso? Siya nga ay simpleng tanong niya lang kung mag-stay si Xander dito ay marami ng sinabi sa kanya ang mga babaeng 'to. "He ruined my day, as usual. At si Daddy ang binisita niya sa bahay," mahinang sumagot si Alana. Napatingin siya rito, bakit kagaya niya ay parang nanginginig si Alana kapag binabanggit ang tungkol kay Joachim? Does she hate him the way she feels towards Alexander? Sabay na natawa ang apat. Siya ay nanatili lang din na tahimik. Ayaw niyang sabayan ang mga ito dahil baka bumalik naman sa kanya at kay Alexander ang usapan. Natigil ang mga ito sa pagtawa. Narinig niya ang pagtunog ng door chime sa pinto. Nakatalikod siya roon kaya hindi niya nakita kung sino ang dumating. "And speaking of the devils." Ngumuso si Summer sa pintuan. Ayaw niyang lumingon dahil nararamdaman niyang may makikita siya roon na hindi niya magugustuhan. Bigla ring tumibok nang sunud-sunod ang kanyang puso. S-Sino?" nauutal na tanong ni Alana. "Ang topic natin kanina lang, Xander, Joachim, Daniel, Franco, Elias, Sandro, and Tanner," parang nag-memorize lang ng oral recitation na tugon ni Snow. Hindi siya lumingon kahit na naririnig na niya ang pag-uusap ng mga ito na papalapit sa kanila. "And we all thought na sa opisina na tayo ng hotel magkikita, Big man," nagrereklamong sabi ng isang boses. Kilala niya ang boses na iyon ni Daniel na anak ng Ninong Nathan at Ninang Amara niya. Ang mga taong nasa loob ng Cafeteria ay biglang nag-ingay sa pagpasok ng mga lalaking Contreras. "At paano tayo mag-uusap dito? It's crowded at medyo maliit lang ang space," nababagot naman na sabi ng isa pang lalaki. Boses naman iyon ni Sandro. Si Sandro ang nag-iisang anak naman ni Dean at Sandrine. "And hey, look who's here!" malakas na sabi ni Franco. Marahil ay nakita na sila nito. Plano niya kanina na pumunta sa comfort room ng Cafeteria pero bago pa siya makatayo ay nasa tabi na nila nakatayo si Franco. "Ano ang ginagawa ng magagandang dilag dito?" Tanong nito. Linapitan sila nito isa-isa at nagbeso. Sunod naman na lumapit sa kanila si Sandro, ginawa rin nito ang ginawa ni Franco. At tuluyan ng nag-ingay nang lumapit na ang lahat sa kanila. Humila ng upuan si Xander sa tabi niya. Parang gusto niya tuloy na tumayo at doon umupo sa pagitan ni Snow at Summer. Sa tabi naman ni Alana naupo si Joachim. Masyadong masikip sa tabi niya pero sumiksik pa rin doon si Xander. "Kaya ka nerbiyoso dahil diyan sa iniinom mong kape," Xander commented. Ipinatong pa nito sa sandalan ng upuan niya ang isang braso nito. Gustuhin man niyang umusog ay hindi niya magagawa dahil masikip na sa kinauupuan niya. At lalo pa siyang nag-panic nang damputin ni Xander ang kape niya at sumipsip sa mismong straw niya! Namumula ang mukha niya na napatingin sa binata. Parang sinampal ng sili ang kanyang mga pisngi. Nagtatanong ang mga mata niya kay Xander kung bakit nito iyon ginawa pero blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito. He didn't bother her with meaningful stares at him. Hindi nito iyon dapat ginawa dahil hindi sila close na dalawa. Kung ang mga pinsan siguro nito ang gumawa n'on ay hindi siya mag-alala kagaya ngayon dahil close siya sa mga ito. "I can buy you another cup kung 'yan ang ipinag-alala mo," mahinang sabi nito na niyuko pa siya. Ang mga labi nito ay halos dumikit na sa kanyang tenga. "I-I..." Itinaas niya ang dalawang kamay niya sa mesa para awatin ang binata pero ni hindi man lang ito natinag. "Please, umusog ka nang konti," sinadya niyang hinaan ang kanyang boses dahil ayaw niyang marinig ng mga kasama nila na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ni Xander. Parang hindi rin sila napansin ng mga pinsan nito at kaibigan niya dahil abala ang mga ito sa pag-uusap. "Wala kang claustrophobia kaya hindi ako nag-aalala na baka ma-suffocate ka. Try to go somewhere else, and I'll follow you," may pagbabanta na sagot nito. Inilapit pa nito lalo sa kanyang mga binti ang malaki at mahaba nitong binti. Ang braso nitong nasa likuran niya ay idinikit pa nito lalo sa balat niya. She's trembling inside. Gusto niyang sumigaw, pero ano naman ang isisigaw niya? Isisigaw niyang in-harass siya ni Xander? In front of these people? Alam niyang kapag ginawa niya 'yon ay walang maniniwala sa kanya at sigurado rin niyang pagtatawanan lang siya ng lahat. "D-Dadaan lang ako, I want to go to the comfort room." Akma siyang tatayo nang hawakan ni Xander ang isang kamay niya at hilahin siya pabalik sa kanyang kinauupuan. "Hindi ka gagamit ng comfort room, you just wanted to escape from me for a while. Don't dare, just go back to your seat kung ayaw mong pati roon ay susundan pa kita. Ayaw mong gagawin ko 'yon, right?" his determined voice was dangerous as well. Napalunok siya at tinitigan ang binata, titig na titig din ito sa kanya. Iyong titig na tila ba walang tao sa paligid at tanging silang dalawa lang ang nandoon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD