CHAPTER 5

1614 Words
Napilitan siyang bumalik sa kinauupuan niya dahil sa bantang ‘yon sa kanya ni Alexander. Hindi rin siya makakagalaw nang maayos dahil naiipit siya sa pagitan ng mga hita nito at sa mesa. She had never been so upset like this before. Iyon bang may gusto siyang gawin pero hindi niya magagawa. Iyong may gusto siyang sabihin kay Alexander pero hindi niya masabi-sabi dahil pakiramdam niya ay nadodomina siya ng binata. "Camila here was asking if you would go back to the States or if you would stay here for good." Hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Anastasia kay Xander, sa harapan niya mismo! At ayaw niya sa paraan ng pagkakatanong nito kay Xander dahil ang dating ay parang interesado siya sa binata. Pinandilatan niya ng mga mata niya si Anastasia nang tumingin ito sa kanya. Nakangiti lang ito at parang hindi nakuha ang ibig niyang sabihin. Sobrang kahihiyan ang kanyang nararamdaman, parang gusto na lamang niya ang tumaob ang mesa nila at matabunan siya n’on para hindi na niya makita pa ang maging reaction ni Xander sa tanong na iyon ni Anastasia. Ang maingay na kumpulan nila kanina ay biglang tumahimik at parang naghihintay sa ire-react ni Alexander sa tanong niya na isiniwalat ni Anastasia. Dahan-dahan siyang tumingin kay Alexander. Nakayuko lang ito sa kanya at tinititigan siya. Nang magtama ang kanilang mga mata ay unti-unting lumitaw sa mga labi nito ang isang ngiti. Ngiti na sa tingin niya ay hindi naman sincere. Hinimas ng isang kamay nito ang mga panga nito, at ang paningin ay hindi inaalis sa kanya. Tumango-tango ito na parang sinasabi sa kanya na bakit hindi ito ang diretsahin niyang tanungin imbes na sa iba pa siya magtatanong. “Oh, well… hindi ko alam na interesado pala siyang malaman ang tungkol sa bagay na ‘yon,” sagot nito kay Anastasia pero nanatili pa ring nakatitig sa kanya. Oh, dear! Makukutusan kita sa ginagawa mong ito sa ‘kin, Anastasia! Nais niyang sabihin iyon kay Anastasia pero parang wala namang kakayahan ang mga labi niyang bumuka para sabihin ang nasa isipan niya. “I-I’m just asking… no n-need to make it complicated, Tasia,” nauutal niyang sagot. Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang sarili dahil ayaw niyang bigyan ni Alexander ang simpleng bagay na ‘yon ng ibang kahulugan. “Complicated or not, I still want to answer that question.” Hinila pa nito palapit sa katawan nito ang silyang kinauupuan niya. “Kung bibigyan mo ako ng rason para mag-stay, then I’ll stay.” “Hell, Alexander! Camila is only sixteen at anak siya ni Uncle Travis,” natatawang singit ni Franco. Si Franco at Elias ay anak ni Apollo Contreras. “Gusto kong isipin na instead sa opisina ng Hotel El Contreras tayo ay dito natin isinagawa ang meeting na 'to dahil kay…” Tiningan siya ni Daniel. “Dahil kanino, Daniel?” Elias asked Daniel. “Igalang n’yo ako bilang mas nakakatanda sa inyo,” asik naman ni Xander. “Igalang…” Tumago-tangong sagot naman ni Sandro. Nakangiti ito at hindi siniseryoso si Xander kahit na parang nagagalit na ito. “You always manipulate us because of our age differences. At nahahalata ko sa ‘yo, Xander, na kapag nasusukol ka ay ginagamit mo ang salitang irespeto ka dahil matanda ka sa ‘min. Nice! Magandang palusot ‘yan.” Natawa naman ang lahat ng kasamahan nila sa sinabing ‘yon ni Sandro. Tanging sila lang ni Xander ang hindi tumatawa. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang mga birong ‘yon ng pinsan ni Xander, lalo na at involve rin ang sarili niya sa mga pahaging na iyon. “At anong rason ang gusto mong ibigay sa ‘yo ni Camila?” tanong ni Elias. Halata na pinipigilan lang nito ang matawa nang malakas dahil matalim ang tingin na ipinukol dito ni Xander. Naghagilap siya sa kanyang isipan nang maaari niyang idahilan para takasan ang nakakailang na sitwasyon na ito. At nang makahagilap siya ay tumayo siya. “I’ll be glad kung malilibot ko pa ang buong Unibersidad!” pinasigla niya ang kanyang boses para walang sino mang makakahalata na gusto niyang iwasan si Xander. “I can be your tour guide.” Ang simpleng sagot na iyon ni Alexander ay nakakapanlumo sa pakiramdam niya. Hindi iyon ang gusto niyang mangyari. Gusto sana niyang makaalis na rito dahil gusto niyang takasan si Xander. Pero paano niyang magagawa ang bagay na ‘yon kung ito mismo ang nagpresinta na samahan siya? God, help me! Masisiraan po ako ng bait sa ginagawang ito sa ‘kin ni Alexander! “That's it! Mabuting suggestion ‘yan, mas magaling na tour guide si Xander dahil mas marami siyang alam sa eskwelahang ito dahil mas nauna siyang nakapasok dito,” naaaliw naman na sang-ayon ni Joachim. Parang gusto niya tuloy lapitan si Joachim at bigyan ng sampal ang guwapong mukha nito. Hindi ba nito nahahalata na ayaw nga niyang makasama ang pinsan nito? Manhid ba ang mga ito o natutuwa lang ang mga itong tuksuhin silang dalawa ni Xander? “A-Ah, what if uuwi na lang kaya ako? Alam kong hinihintay na ako ni Mommy sa bahay,” aniya sa mahinang boses. Nauubusan na siya ng dahilan. “I’ll drive you home then,” patamad namang sagot ni Alexander. “Nice Idea,” wika ni Joachim. “Tutal ay bibisitahin mo rin naman si Uncle Travis tungkol sa property niyang gusto nating bilhin para gawing warehouse.” Parang gusto niyang magdabog at mag-tantrums dahil sa narinig niyang sinabi ni Joachim. Pinipigilan na lang talaga niya ang kanyang sarili na lapitan ito at sapakin. “Iyon naman pala, Cam,” sabat naman ni Summer. “Pero don’t forget ang church natin at gala sa Sunday, ah?” Alana said in a low voice. Para na itong magkaka-stiff neck dahil sa kakaiwas nitong tingnan si Joachim. “Makakalimutan ba naman ni Camila ‘yon, Alana, kanina pa lang ay halos dalawampu mo nang inulit iyon sa amin. Huwag ko nang isama ang mga paalala mo sa ‘min simula noong mga nakaraang araw pa,” si Snow. Tawanan naman ang lahat maliban sa kanilang apat, siya, si Xander, si Alana, at si Joachim. “On Sunday?” tila nag-iisip pa si Xander ng ilang saglit bago nagsalita, “I can be your driver on Sunday, ladies. Wala akong pupuntahan at gagawin sa araw na ‘yon.” What?! Oh, come on, Xander, don’t make my life a living hell. Naniningkit ang mga matang nakatitig lang siya sa lalaki. Inaasar ba siya nito at walang balak na tigilan? Ginagawa ba nito sa kanya ang bagay na ito dahil sa naabutan niya ito noon sa kubo at naputol ang ginagawa nito at ng babaeng kasama nito? Kung ‘yan lang naman ang dahilan nito para gawin ang nakakairitang bagay na ito sa kanya ay puwede siyang magpakumbaba at humingi ng pasensya rito… kahit na labag sa loob niyang gawin ang bagay na ‘yon. Inis siyang sumingit sa maliit na espasyo sa pagitan nila ni Alana at nagdadabog na lumakad. Lalabas siya sa lugar na ito. Hindi niya pinansin ang mga pagtawag ng mga kasamahan nila sa kanya. Feeling niya ay pinagkakaisahan siya ng mga ito, at hindi niya matatagalan ang ganitong sitwasyon. Mabilis ang ginawa niyang paglalakad. Hindi niya kabisado ang lugar na iyon kaya’t nagkandaligaw-ligaw siya sa paghahanap ng main road, kung saan siya magbabantay ng taxi na masasakyan niya pauwi sa kanila. Nang makita niya ang main road ay saka siya nakaramdam nang kapayapaan dahil makakauwi na siya sa kanila. She is praying inside that this incident will happen only today. Dahil kung mangyayari pa ang ganito sa susunod na mga araw ng kanyang buhay ay nasisiguro niyang ikababaliw niya iyon. Nang makita niya ang paparating na taxi ay nagmamadali siyang lumakad sa gilid ng kalsada at pinara iyon. Papalapit na sa kanya ang taxi na pinara niya nang biglang may isang sasakyan na pumagitna. A Mustang in a midnight blue! Plano niyang ignorahin ang kung sino mang walang modo na nagmamaneho n’on pero bago pa niya magagawa ‘yon ay bumukas na ang pintuan n’on at lumabas ang naka-sunglasses na si Xander. Looking at him now gives her the feeling that she’s looking at God—a God of a perfect man. Pero hindi ang pag-uugali ng lalaking iyan, Camila! His look is so deceiving, mind you! “Huwag mo akong harangan!” inis niyang pananaboy sa lalaki. “Go inside the car at ihahatid kita sa inyo!” mahinahon ngunit mapanganib na utos sa kanya ni Alexander. “May pambayad ako sa taxi, for your information!” Inirapan niya ito at tinalikuran para tunguhin ang naghihintay na taxi sa likuran ng nakaparada nitong sasakyan. “May sinabi ba akong wala kang pambayad? Ang impulsive mo sa mga pinagsasabi mo, inuunahan mo na ako kaagad, ni hindi ko pa nga iniisip ang mga sinasabi mong ‘yan.” “Wala kang pakialam! At wala kang karapatan na utusan ako sa gusto at ayaw kong gawin. Now, leave me alone!” “Bata ka pa nga talaga, mahilig ka pang mag-tantrums, eh,” painsulto nitong sabi. “Talaga lang! Bata pa talaga ako… at ikaw naman ay matanda na para patulan ang pagta-tantrums ng isang batang katulad ko! Naiintindihan mo ba na bata pa nga ako at ikaw ay matanda na? Now, see the difference, old-piggy-dirty man!” sa inis niya ay hindi na niya pinag-iisipan pa ang kanyang mga sinasabi. Basta naisipan niyang sabihin ay basta na lang niya iyong sinasabi kay Xander, wala na siyang pakialam kung maiinsulto man ito sa kanya. Basta ginagalit siya nito, that’s all that matters!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD