CHAPTER 3

2527 Words
Ilang linggo na rin ang lumipas simula ang pagkikitang 'yon ni Camila at ng panganay na anak ng kanyang Ninong Tyler. Naka-settle na rin sila sa bahay na pinagawa ng Daddy niya rito sa Batangas. Tumutulong din siya sa pag-aayos ng mga gamit nila kaya madalas ay pagod na siya at mabilis din niyang nakalimutan ang tungkol kay Xander. Pero sa araw na ito ay pupunta siya sa El Contreras University para mag-enroll. Kompleto na ang lahat ng papers niya sa pagta-transfer niya. Nakangiti niyang pinasadahan ng tingin ang repleksyon niya sa malaking salamin sa kanyang silid. Hindi man sa pagmamayabang ay napakaganda niya, nakuha niya ang magandang hubog ng katawan ng kanyang ina. Hindi rin maikakailang may dugo siyang banyaga. Ang Daddy Travis niya ay full-blooded Spanish, at ang ina naman niya ay half Filipina-Spanish din. Inayos niya ang tali sa balikat ng suot niyang tops. Tumingkad pa ang taglay niyang kaputian dahil sa kulay itim niyang damit na may katernong itim ding skirt. Nagsuot din siya ng rubber shoes niya at tanging manipis na lipstick lang ang ipinahid niya sa mga labi niya at baby powder sa kanyang mukha. Siya ang tipong hindi ganoon kahilig mag-ayos sa kanyang sarili. Nang marinig niya ang ilang pagkatok sa pinto ng silid niya ay mabilis niyang kinuha ang envelope na naglalaman ng school records niya at ang bag niyang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kama. Patakbo siyang lumapit sa pinto at binuksan iyon. Sa labas, ang Mommy niya ang kanyang nabungaran. "Nasa ibaba na naghihintay sa 'yo sina Alana at Natalie." Si Alana ay anak ng Ninong Dawson niya, at si Natalie naman ay anak ng Ninong Nicholas niya. Ang mga ito ang sasama sa kanya sa kanyang pagpapa-enroll, since kabisado na ng dalawa ang University dahil doon din sila nag-aaral. Ang dalawang babae ay kaibigan niya kahit na lumaki silang magkaiba ng lugar. Magkaibigan din kasi ang mga Tatay nila, kung kaya't nakakasama niya ang mga ito kapag may mahalagang events na nagaganap sa bawat pamilya nila. Oo, nga pala kaibigan din nila ang anak ng Ninong Marcus niyang si Anastasia, at ang kambal na anak ng Ninong Romano niyang sina Snow at Summer. Kagaya ng mga ama nila ay nagkakasundo rin sila ng mga ito. "Paalis na rin po ako, Mommy," nakangiti niyang tugon sa ina. "Bakit hindi mo itali ang buhok mo? Alam kong babagay sa damit mo kapag nakatali iyan." Sinipat ng ina niya ang kabuuan niya. Gusto niyang magreklamo na hayaan na lang ng ina niya na ganoon ang kanyang buhok pero ayaw rin niyang ma-offend niya ito. Her mom was a famous actress before her dad married her. At dahil siguro sa nature ng trabaho nito noon kung bakit ito masyadong beauty conscious. Her fashion tastes were never out of place, magaling itong pumili ng nararapat na damit na babagay sa kanya. "Come here," wika nito nang hindi siya umimik. Tahimik siyang lumapit sa ina. Gumawi ito sa likuran niya at sinimulang itali ang kanyang buhok ng isang kulay puting ribbon. "See? That's what I mean when I say it will make you more beautiful." Ilang beses pa nitong pinasadahan ang kanyang kabuuan bago nito tuluyang in-approve iyon. "Thanks, Mom," tanging nausal niya. Nagmamadali na rin siyang bumaba sa hagdanan dahil alam niyang naiinis na si Natalie sa paghihintay sa kanya sa ibaba. Kilala niya ang babae, mabilis itong maiinip kapag pinaghihintay ng matagal. Hindi kagaya ni Alana na cool lang at mataas pa sa Mt. Everest ang pasensya nito. Si Alana ang babaeng kilala niyang sobrang mahinahon at mahinhin. At pagkababa niya ay nasa sala ang dalawa, hindi nga siya nagkakamali nang sabihin niyang naiinip na si Natalie dahil medyo natagalan ang paghihintay nito sa kanyang pagbaba. "Ano ba, Nat, wala pa ngang isang twenty minutes tayong nakaupo rito," malamyos ang boses ni Alana na sinaway ang nakasimangot na si Natalie. "Kasi naman isa kang Santa, Alana, kaya hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko," nagmamaktol na sagot ni Natalie. Nagtatalo ang dalawa at hindi namalayan ang kanyang pagdating. "Let's go?" pinasigla niya ang kanyang boses. Naagaw naman ang pansin ng dalawa. Si Alana ay titig na titig sa kanya. Nginitian niya ito at sumenyas kung may nakita ba itong mali sa kanya. "Baka pagkakaguluhan ka ng mga lalaki sa University dahil diyan sa suot mong 'yan," nahihiya nitong komento. "May mali ba sa suot ko? May dress code ba roon?" medyo nagpapanic siya dahil kapag sinabi nitong may dress code nga ay kailangan niya ulit magpalit. At lalo lang maiinis si Natalie kapag maghintay pa ito ng ilang minuto pa. "Walang mali sa suot mo, Camila, huwag mo nang pansinin iyang si Alana dahil alam mo namang masyadong maka-Diyos 'yan." Ang nakasimangot na si Natalie ay biglang natawa dahil sa sinabi ni Alana sa kanya. Napangiti na lamang siyang tiningnan si Alana. Actually, hindi naman ito old fashioned kung manamit pero simple lang din ang style nito. She's wearing a white shirt na nakapaluob sa fitted denim jeans nito. Kahit ganoon kasimple ang suot nito ay hindi pa rin puwedeng hindi mapapansin ang angking kagandahan nito at ang maganda ring hubog ng katawan nito. "It's okay, Alana, ano ba ang ma-kick out ang may gustong bumastos sa 'kin sa University kapag sinumbong ko sila sa Ninong Tyler natin?" Inakbayan niya si Alana at napangiwi siya nang makita niya ang hawak nitong cellphone na puro bible verse ang nababasa niya. Hindi siya against doon pero kasi naa-amaze lang naman siya sa sobrang pagkamaka-Diyos nito. She wonders if Alana committed even a small mistake. "Let's go, tiyak kong naghihintay na sa atin doon sina Snow, Summer, at Anastasia." Tumayo na si Natalie at binitbit ang handbag nito. Nagkibit balikat siya at inakay an rin si Alana palabas sa kanilang bahay. Sa labas ng gate nila ay naghihintay ang kotse ni Alana na minamaneho ng personal driver nito. Ang sasakyan nito ang kanilang gagamitin. Sa kanilang biyahe ay bumalik ang magandang mood ni Natalie at panay na ang kuwento nito sa kanya tungkol sa El Contreras University. Dahil hindi naman ganoon kalayo ang eskwelahan ay mabilis lang din nilang narating iyon. Pagkababa pa lamang nila sa sasakyan ay para ng tourist guide si Natali na panay ang introduce sa kanya ng bawat makikita nila sa kanilang nadadaanan. "Hey!" malakas na boses ang nagpatigil sa kanilang paglalakad. Lumiwanag ang mukha ni Alana nang ituro nito sa kanila sina Snow, Summer, at Anastasia na nakatambay sa lilim ng malaking acacia tree. Masaya niya ring kinawayan ang mga ito. Nagsitayo na ang tatlo at mabilis na lumapit sa kanila. Excited na niyakap siya isa-isa ng mga kaibigan niya. "So, what are we waiting for? Tara, para matapos na nating lakarin ang pagpapa-enroll mo, sa gano'n ay maigala ka pa namin sa loob ng malaking Campus," masiglang pahayag ni Snow. "At ituturo rin namin sa 'yo ang paborito naming spot dito. Pati na rin ang mga special na bahagi ng University para kay Ninong Tyler at Ninang Alex," excited namang sagot ni Summer. Linapitan naman siya ni Anastasia at may ibinulong sa kanya, "Ituturo rin namin sa 'yo ang mga campus figure at mga hottie guys na namumugad sa Engineering building." Sabay pa sila nitong napahagikhik. Tama ang desisyon niyang mag-transfer dito, nasisiguro niyang maging masaya ang buhay niya kapiling ng mga kaibigan niya. Lumakad na nga sila para maumpisahan na niya ang kanyang gagawin. Maingay sila habang lumalakad sa foot walk. Ang bawat madadaanan nilang mga lalaking estudyante ay napapalingon sa kanila. Kahit ang mga kababaihan ay napapatingin sa kanila na humahanga. They are all beauties, no wonder! "Sasamahan ka na namin sa loob," sabi ni Summer nang marating nila ang opisina na tumatanggap ng enrollment ng mga estudyante. Umiling siya. "No need, I'll just call you if I need your help." "Uh okay," ani Summer. "Dito lang kami maghihntay sa 'yo." Mahinhin namang itinuro ni Alana ang mahabang bench na nasa hallway. "Thanks," pasasalamat niya at nagpaalam na rin siya na pumasok na sa loob. Kumatok siya nang tatlong beses at saka niya binuksan ang pinto. Sa loob ay may ilan pang mga estudyante ang nagpa-process din ng enrollment nila. "Is there anything we can do to help you?" nakangiting tanong sa kanya ng isang babaeng nakaupo sa isang desk. "Hi, I am Camila Alcea Marroquin, I'm here to--" "Oh, na-endorse ka na ni Mr. Contreras sa 'min. Come here," mas lumapad pa ang pagkakangiti nito nang malaman kung sino siya. Inisip niya na isa sa mga Ninong niyang Contreras ang nag-endorse sa kanya. Inabot niya sa babae ang dala niyang envelope na naglalaman ng school records niya. "No need to look at her papers, Aiza," isang buo at malamig na boses ang biglang nagsalita. Nasa likuran niya ito kaya hindi niya nakikita ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Sumikdo ang puso niya nang ma-realize niya na parang pamilyar ang boses nito sa kanya. Napalunok muna siya bago niya dahan-dahang nilingon ang taong nagsalita. Muntik pa siyang mahulog sa kinauupuan niya kung hindi siya kaagad nakakapit sa gilid ng mesa. Kilalang-kilala niya ang taong 'yon. Ang taong ni sa panaginip ay hindi niya pinangarap na makita. Si Alexander Contreras! Napayuko rin si Alexander sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Gusto niyang pagtaasan ng mga kilay niya ang lalaki pero parang nawawalan siya ng lakas na kumilos sa kinauupuan niya. "As you wish, sir," parang kinikilig na tugon ng babae. Ang sinabing 'yon ng babae ang nagpagising sa natutulog niyang diwa. Ikinurap-kurap niya ang mga mata niya at bumaling sa babae. "Just look at my papers, Miss. Paano kung may mga hindi ako na-comply sa mga requirements n'yo?" reklamo niya. Nainis siya bigla dahil naalala na naman si Xander nang maabutan niya ito sa may kubo ilang linggo na ang lumipas. "Ibigay mo sa kanya ang kakailanganin niya para makaalis na siya, Aiza," utos pa ni Tyler sa babae. "No, puwede akong irekomenda ng kahit sino pero ayaw ko ng special treatment dahil lang sa kilala ko ang mga Contreras, Miss," todo tanggi siya nang ibigay sa kanya ng babae ang isang folder. Alam niyang naglalaman iyon ng mga schedules niya at kung anu-ano pang kailangan niyang malaman tungkol sa darating na pasukan. "And why not?" Xander asked her back. Kung noong una niya itong nakita ay parang mapang-asar ito, ngayon ay seryoso at maawtoridad ang Xander na nakakaharap niya. "Because I don't want to be treated this way, Pigg--" Tinakpan niya ang mga labi at bahagyang tiningnan ang babae na parehong tinitingnan sila ni Xander. Muntik na niyang maisiwalat ang kababuyan ng lalaking hindi niya alam kung bakit nagpapa-high blood sa kanya. "Mr. Contreras, let me explore everything I want in this school," hinanaan niya ang kanyang boses dahil napapatingin na ang ilan sa kanila. Ang mga kababaihang nandoon ay pinupukol siya nang matalim na tingin dahil iniisip ng mga ito na inaaway niya ang kanilang prince charming. Prince charming... Naiinis na sambit ng utak niya. Napalabi pa siya dahil nasusuya siya kay Xander. Gumalaw ang isang sulok ng labi ni Xander. "Instead of thanking me, you were yelling like a crying baby. How ungrateful." Nagpanting ang tenga niya sa sinabi ng lalaki. Sinabi ba niya na tulungan siya nito para akusahan siyang ungrateful? How dare him! "How dare you!" napalakas ang boses niya dahil sa inis sa lalaki. Anong tingin ni sa sarili nito, Diyos na kayang diktahan ang lahat? "Tapos na ba ang lahat ng gusto mong asikasuhin dito, Xander?" Biglang lumitaw ang isang lalaki at hindi na nakasagot sa kanya si Xander. "Depende sa pagmamatigas ng batang 'to," sagot ni Xander. Lalo lang nagpanting ang tenga niya sa sinabi nito. Sa sinabi nito ay parang isang batang makulit ang tingin sa kanya ni Xander. Natawa naman ang bagong dating. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang isang braso niya, lumingon siya at nakalimutan niya saglit ang inis niya kay Xander nang makita niya si Joachim, ang anak ng Ninong Joaquin niya. "Camila!" nagagalak namang sambit ni Joachim. "Hindi ko alam na ngayon ka pala mag-e-enroll, sana ay sinundo na kita sa inyo." "It's all right, Joachim, kasama ko ang mga anak ng kaibigan ni Daddy. Nasa labas sila at hinihintay ako." Masaya niyang sinipat ang binatilyo. Parang hindi nineteen si Joachim dahil sobrang tangkad na nito sa edad nitong 'yon. Maganda rin ang katawan nito sa edad nito. Palihim niyang tiningnan si Xander, parang hindi magkalayo ang edad ng dalawa. Alam niyang ilang taon ang tanda ni Xander sa mga pinsan nito. "You look great," komento niya. Iniignora rin niya ang mga titig ng ilan sa kanila. "Bolera, more or less ay isang buwan pa lang simula ng huli nating pagkikita," bahagya pang pinisil ni Joachim ang pisngi niya. "At lalo kang gumanda at tumangkad, may nanliligaw na siguro sa 'yo, ano?" dagdag na biro pa nito. She is like a little sister to him. Hindi na siya nakasagot dahil malakas na tumikhim si Xander, nang tingnan niya ito ay madilim ang mukha nito na nakatingin sa kanila ni Joachim. "Tapos ka na ba rito? I'll tour you around," si Joachim na hindi pinansin si Xander. "Mr. Contreras here, help me with anything. So I guess wala na rin akong kakailanganing gawin pa rito," biglang nagbago ang isip niya dahil sa sinabi ni Joachim na ililibot siya nito sa loob ng campus. Alam niyang matutuwa ang mga kaibigan niya kapag makakasama nila si Joachim. "Mr. Contreras!" natatawang bulalas ni Joachim. "I never heard na tinatawag mo ang isa sa amin sa ganyang paraan, Camila, ipinamumukha mo lang tuloy ang milya-milyang layo ng edad sa 'min ni Alexander." Tumawa ito nang malakas. "Shut your mouth up, jerk!" mahina lang ang pagkakasabi n'on ni Xander kay Joachim dahil alam niyang ayaw nitong marinig ng mga taong nakapaligid sa kanila ang sinabi nito. Nagtatagis ang mga bagang nito habang nakatitig nang matalim sa pinsan nito. "Stop making a scene here, old man, baka makarating pa sa mga tatay natin." Aliw na aliw pa ring tumatawa si Joachim at ni hindi pinapansin ang galit nito. Nang tumigil ito sa pagtawa ay muli siyang binalingan ni Joachim. "So can we go now?" "You heard her, kasama niya ang mga kaibigan niya," si Xander ang sumagot. "Huwag mong kalimutan na may training ka ngayon sa Hotel El Contreras, jerk! And remember, ako ang magti-train sa inyo, ayaw kong ibahin ang schedule na natin." Napapalatak naman si Joachim. "Kahit ilang oras lang na mag-extend tayo?" tanong ni Joachim sa pinsan. "Kahit segundo, Joachim, ayaw kong baguhin ang napag-usapan natin," matatag naman ang bawat salita ni Xander. Sumingit siya sa dalawa at hinarap si Joachim. "Intindihin mo na lang, ganyan talaga ang matatanda. Mauuna na lamang ako, marami pa namang oras para mailibot mo ako rito, Joachim. Bye!" Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Joachim. Pero hanggang sa makalabas siya ay naririnig pa niya ang malakas na tawa nito dahil sa sinabi niya. Nang isara niya ang pinto ay kumakalabog ang puso niya at nanghihina ang mga tuhod niyang napasandal sa saradong pinto. Hindi niya maiintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya kapag magkikita sila ni Alexander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD