PROLOGUE
I'M BEGGING you, please... don't leave me, mi flor," pagmamakaawa ni Xander kay Camila. Halos mapunit ang laylayan ng suot na dress ni Camila dahil sa higpit ng pagkakapit niya roon. He's holding her from leaving him. He kneels down so that she won't leave him. Isang malakas na sampal ang ginanti nito sa kanya. Malakas ang pagkakasampal nito sa kanya pero mas masakit ang kaalaman na iiwan na siya nito. Paulit-ulit na sinisigaw ng isip niya na hindi puwedeng mangyari ito dahil ayaw niyang maranasan ang naranasan ng ama niyang si Tyler at inang si Alex,but from what he sees in Camila's determination now, it seems that the outcome of their relationship is the same as his parents' relationship before.
Inisang lagok ni Xander ang brandy na laman ng hawak niyang baso. Paulit-ulit din niyang ipinilig ang kanyang ulo nang tila kabute na nagsulputan sa alaala niya ang nakaraan. Naalala niya ang sakit ng kahapon dahil sa biglaang paglitaw ni Camila ngayon sa kanyang harapan matapos ang apat na taon na iniwan siya nitong luhaan at wasak na wasak. Ang pinakaiiwasan niyang maulit na nakaraan ng mga magulang niya ay kanyang nararanasan ngayon. Mas mabuti pa nga ang kinahihinatnan ng relasyon ng mga magulang niya dahil nanaig ang pag-ibig ng dalawa sa huli. Pero itong kanya?
It is impossible to have a happy ending to your forced love for Camila, Xander, you are the one who knows that Camila does not have love for you.
He heartlessly mocked himself.
"Bakit mo pina-demolish ang kinatitirikan ng opisina ko?" Galit nitong sabi sa kanya.
She's so far from what Camila used to be. The carefree Camila he knew before was no longer visible to the lady in front of him now. She is very confident now. Sophistication screams all over her... and she's only gotten prettier with the few years that added to her age.
Oh, damn,Xander! Ginusto mo ang pagkakataon na ito para maghiganti at hindi para malunod sa kagandahan na taglay ni Camila.
Inis niyang pangaral sa kanyang sarili.
Muli niyang pinulot ang bote ng brandy na nasa lamesa niya at nagsalin sa hawak niyang baso. Muli ay inisang lagok niya iyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo nang maramdaman niya ang mainit na hagod ng likido sa kanyang lalamunan. Tumayo siya at naupo sa ibabaw ng mesa niya kung saan ay nakaharap siya sa nakaupong si Camila. Nakakawit sa sahig ang isang mahabang paa niya. Hinila niya ang upuan ni Camila na de-gulong palapit sa kanya. Nakulong ito sa pagitan ng dalawang malalaki at mamaskulo niyang mga hita.
"Relax, mi flor. Hindi kita kakainin dito sa loob ng aking opisina. If I will eat you, I will find a suitable place for us and not here in this room— I know you won't feel comfortable here." He grinned like it's a grin of a demon.
Nakita niya kung paanong nanlaki ang mapupungay na mga mata ni Camila dahil sa ginawa at sa sinabi niya, kasabay no'n ay ang pagkalat ng pamumula sa buong mukha nito.
Payak siyang tumawa bago muling nagsalita, "At oo nga pala, pumunta ka para sa pina-demolish ko na opisina mo?" Inabot ng isang kamay niya ang sandalan ng kinauupuan ni Camila at nakita niya kung paano itong napatuwid sa pagkakaupo nito. Ngumiti siya ng isang nakakalokong ngiti. "I will not deny the fact... yes, you're right. Ako nga ang nagpa-demolish ng opisina mo. I did it because I have all the right to do it. I owned the land and whatever I want to do with that land of mine, I will do it and no one can interfere with what I want to happen. Ngayon naman ay may gusto akong ipatayo sa lupain kong iyon at natural lang na linisin ko kung ano man ang kalat na naroroon." Sinadya niyang palisin ang pekeng mga ngiti sa kanyang labi.
Ilinapit niya ang kanyang mukha sa mukha nito at gusto niyang pagsisihan na ginawa niya ang hakbang na 'yon dahil para siyang mawala sa sariling katinuan niya nang masamyo niya ang mabango at natural nitong amoy. Her smell is one of his addiction to her.
Pero nagising siya sa ilusyon niyang iyon nang isang sampal ang dumapo sa kanyang kabilang pisngi. Nasapo ng isang kamay niya ang pisngi niyang nasaktan. Nag-aapoy ang mga mata na tinitigan niya ang babae. Ang babae na hanggang ngayon ay may karapatan pa siyang ariin dahil nanatiling may bisa pa ang kanilang kasal. At kung papayagan siya ngayon ay gusto niyang angkinin ang kanyang asawa sa oras na ito at sa lugar mismo na ito, but his pride holding him bad. Minsan na niyang ibinaba ang kanyang pride para lang manatili ito sa kanya dati, but she still left him without a valid reason. Ni hindi niya maiintindihan kung saan nagmula ang galit nitong iyon nang iwan siya nito.
"Isa pang sampal ang ipapadapo mo sa mukha ko at hindi ako magdadalawang isip na angkinin ka kahit na hindi ka maging komportable sa lugar na ito, hermosa flor." Halos madurog ang gilid ng mesa na kinakapitan niya dahil sa pagpigil niya sa kanyang sariling huwag hawakan ang babae. He knows that when his palm touches the woman's skin, he will not be able to stop himself and he is afraid of the possible consequences. She might hate him afterwards.
Napatingala naman ang babae sa kanyang mukha. Sa kulay brown nitong mga mata ay kita niya ang takot nito sa kanya at gusto niyang murahin nang murahin ang kanyang sarili dahil siya ang nagdulot ng takot na iyon kay Camila.
"Damn!" Bahagya niyang sinipa palayo ang paa ng upuan ng babae. Gumulong iyon palayo sa kanya. Tumayo siya at inis na bumalik sa kanyang swivel chair. Nawawala siya sa kanyang sarili. Hindi ito ang pinapangarap niyang maging reaction sa muli nilang pagkikita na ito ni Camila.
"You can leave now, Camila Alcea Contreras." Idiniin niya ang pagkakabanggit niya sa apelyido niya na hanggang ngayon ay taglay pa ni Camila. Walang annulment na nangyari sa pagitan nila kaya intact pa rin ang kanilang kasal. Kung dumating man ang pagkakataon na hihilingin nito ang annulment sa kaniya ay hinding-hindi niya iyon ibibigay. Iyon na lamang ang pinanghahawakan niya laban sa babae.
"At paano mong mapatunayan na sa 'yo nga ang lupaing iyon?" Matapang pa rin siya nitong hinarap.
Gusto niyang suntukin ang kanyang sarili dahil sa kanilang dalawa ay mukhang siya ang mas apektado sa muling pagkikita nilang ito. She's still in her confidence, while he? He wanted to crash the glass wall of his building and jump down from here.
"I have a document to prove it was mine." Inabala na niya ang kanyang sarili sa harapan ng kanyang computer kahit na ang totoo ay hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin doon.
"Let me see."
Binitiwan niya ang mouse ng computer na hawak niya nang marinig niya ang sinabi ng babae. She seems didn't convince of what he said to her. Isa pang pangugulit nito at hindi na niya pipigilan ang kanyang sarili na halikan ito.
"Give me your address at ipapadala ko sa 'yo ang mga dukomento na gusto mong makita, as of now I don't have time to entertain you. May meeting pa ako makalipas lang ang ilang minuto!" Padaskol niyang muling kinuha ang computer mouse at ginalaw iyon kahit nga wala siyang alam gawin.
"And by the way, MARROQUIN ang family name ko at hindi CONTRERAS."
Napasandal siya nang tuwid nang muli niyang marinig ang sinabi ng babae. Ang unang bumungad sa paningin niya ay ang mahaba at makinis nitong mga binti na kita dahil sa suot nitong miniskirt. Uminit ang pakiramdam niya nang maalala niya kung paanong lumingkis ang mga binting iyon sa kanyang beywang kapag inaangkin niya ito noon. And he said to himself that one more talk from her and he's going to kiss her.
Tumayo siya at sinipa ang kanyang swivel chair na nakaharang sa kanyang dadaanan. Mabilis ang mga hakbang na ginawa niya habang lumalapit siya sa dalaga. Nang nasa harapan na siya nito ay kaagad niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito. Hastily, but carefully he pushed her against the glass wall. Napakapit ito sa dalawang braso niya at dama niya ang panlalamig ng mga palad nito. Sumilay ang isang totoong ngiti sa mga labi niya dahil naalala niya ang unang gabi nila bilang mag-asawa. Nanlalamig din ito noon kagaya ngayon.
"And do you think that I'm joking when I said that I'm going to kiss you kapag ipinagpatuloy mo pa ang pangungulit mo? Hindi ako nakipagbiruan sa 'yo ngayon, Mrs. Contreras." Idiniin niya ang huli niyang salita bago ibinaba ang kanyang mukha sa mukha nito. Parang uhaw siyang hinalikan ang mga labi nitong bahagyang nakaawang. Pabor iyon sa kanya dahil mabilis niyang nasakop ang mga labi nito. Parang manginginig ang buong katawan niya nang malasahan niya ang matamis nitong mga labi. Para siyang isang nilalang na gutom na gutom na nang makakita ng pagkain ay parang mababaliw siya sa pagkain dito.
Lumalalim ang halik niya habang hindi niya namamalayang nakapaloob na pala ang isang kamay niya sa suot nitong blusa. Nakulong sa mga labi niya ang munting ungol na lumabas sa lalamunan ni Camila nang ipaloob niya ang kanyang isang kamay sa loob ng suot nitong bra.
He was gasping rapidly because he was engulfed in a delicious sensation by just kissing Camila.
Nasa mainit silang tagpo ng asawa niya nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya. On instinct, he covered her with his body while she hurriedly fixes her messy hair, her lipstick that wiped off by his lips, and her blouse that he unbuttoned not intentionally.
Pumasok ang mga pinsan niya. Si Franco na makahulugang sinipat ang nasa likuran niya. Si Joachim na nakatawa dahil mukhang nahuhulaan na nito ang nangyayari, expert kasi sa ganitong gawain. Si Sandro na napasipol habang nanunuksong tumitingin sa kanya.
Tumikhim siya dahil pakiramdam niya ay nag-uulap pa ang kanyang lalamunan sa sensasyon na ipinamalas sa kanya ni Camila kanina. "What the hell are you all doing here?" Pinilit niyang taasan ang boses kahit na ang totoo ay nanlalambot pa ang kanyang pakiramdam sa mga sandaling ito.
"Nakalimutan mo na ba ang usapan natin na bibisita tayo sa bagong tayong golf club ni Daniel ngayon?" Sabi ni Joachim na ang tinutukoy ay si Daniel na anak ng Uncle Nathan nila.
Oh, hell! Bakit ba pati iyon ay nakalimutan niya sa pagdating ni Camila?
"I know it's you, Camila!" Nakatawa namang sabi ni Sandro. "Hi, there!"
"Hi, Cam," sabay naman na bati nina Joachim at Franco sa babae.
Binalingan niya at niyuko ang babae na itinago niya sa kanyang likuran. Nakita niya na namutla ang buong mukha nito. Nang masigurado niyang maayos na ang kabuuan nito ay saka siya humakbang palayo rito.
Saglit lang naman ang pamumutla ng mukha nito dahil muli ay para itong isang tigre na tiningnan nang matalim isa-isa ang kanyang mga pinsan, pati na rin siya.
"I sense that there's something wrong with this, kung bakit hindi kayo nagulat na nandito ako sa teritoryo ng pinsan n'yong tuso! Pero oras na malaman ko na may kinalaman kayo rito ay sisirain ko isa-isa ang mga buhay ninyo!" She shouted before she marched out of his office. Halos masira pa ang pinto ng opisina niya nang ibagsak ito nang malakas ni Camila.
Tiningnan niya isa-isa ang mga pinsan nang malakas at sabay na natawa ang mga ito pagkaalis ni Camila.
"Kapag malaman nga ni Camila na pinlano mo ang pagkikita n'yong ito ay talagang mapuputol iyang sungay mo, Xander!" Kantiyaw sa kanya ni Joachim. Nakaupo na ito sa ibabaw ng mesa niya at ang brandy na binuksan niya kanina ay diretso na nitong ininom sa bote.
He looked at Joachim with disgust. Hindi niya alam kung bakit ganito kagarapal itong si Joachim, gayong mahinhin naman ang Auntie Bella niya. Hindi rin niya nakikita ang ganitong asta sa Uncle Joaquin niya. Totoong may pagkagarapal ang Uncle Joaquin niya pero may class pa rin ang bawat kilos nito, hindi kagaya nitong si Joachim na daig pa ang sanggano sa kanto.
"Malamang iiyak ka na naman kapag ipinagtabuyan ka ni Camila, Xander!" Dagdag na kantiyaw naman sa kanya ni Franco.
"Tumahimik kayo dahil nasa teritoryo ko kayo!" Inis niyang sabi sa mga pinsan. Pasimple niyang hinaplos ang kanyang mga labi na humalik kay Camila kanina. He had never tasted lips as sweet as Camila's. And this time, he's making sure Camila won't be able to escape from him. Even if the raging flood will block his way, he will go through it just to get his wife back!
Camila is his wife. She belongs to him. She has his name and she will carry it for the rest of her life!