CHAPTER 6

1605 Words
Iniwan niya si Alexander sa gitna ng daan at mabilis na lumapit sa taxi na nakaparada. Bago pa niya buksan ang pinto ng taxi ay humarang na naman doon si Alexander. Inuubos talaga ng lalaking ‘to ang natitira niyang hinahon sa katawan. “Sa sasakyan ko ikaw sumakay,” utos sa kanya ni Alexander. “Bakit? Tatay ba kita para utusan mo?” “Bakit ang Tatay mo lang ba ang may karapatan na utusan ka?” “Kapag sinabi kong oo, anong gagawin mo?” panghahamon niya sa lalaki. Binuksan na niya ang pinto ng taxi at mabilis na pumasok doon. Para silang may lover's quarrel ni Alexander. “Let see kung talagang magmamatigas ka,” sagot naman ni Xander. Nagpasalamat siya nang tumalikod na ito. Inakala niyang hahayaan na niya ito. Binalingan niya ang taxi driver at sinabi ang address ng kanilang bahay. Hindi pa malayo ang itinakbo ng sinasakyan niyang taxi ay napapreno naman ang driver. Muntik pa siyang mapasubsob sa backrest ng upuang nasa harapan niya kung hindi siya mabilis na nakakapit doon. “Anong nangyari, Manong?” nag-aalalang tanong niya sa driver. Nanikip din ang kanyang dibdib dahil sa matinding kaba na nararamdaman niya. Ang akala niya ay nabangga na sila. “May biglang humarang, Miss.” Liningon din siya nito at inusisa kung nasaktan ba siya. Umiling siya at tiningnan ang unahan ng taxi. Umakyat ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo nang makita niya ang sasakyan ni Alexander na nakaharang doon. Nagngingitngit ang damdamin na bumaba siya sa taxi at linapitan ito. Saktong nakalapit siya nang buksan naman nito ang bintana ng sasakyan sa gawi nito. “Kung pagod ka na sa ‘yong buhay at gusto mong mamatay ay huwag mong idamay ang ibang tao sa kahibangan mo!” Dinuro niya ito at sinigawan. Ngumisi lang ito at parang walang pakialam sa kanyang litanya. Walang ano man na hinubad nito ang suot na sunglasses at tumingin sa kanya. “Kung inaakala mong ganoon lang ako kadali na sumuko at masisindak sa tantrums mo ay nagkakamali ka, mi flor. A beautiful name of a flower, but it doesn’t suit your behavior.” “Wala akong pakialam sa sinasabi mo. Umalis ka riyan kung ayaw mong tawagan ko ang Ninong Tyler at isumbong sa kanya ang ginagawa mong ito sa akin!” bulyaw niya. “Go ahead and call him, basta hindi ako aalis dito,” pagmamatigas din nito. “Ano ba talaga ang gusto mo? Kung gusto mong humingi ako ng tawad dahil sa inisip mong in-istorbo kita noon sa… sa kubo ay gagawin ko iyon even if it is against my will!” hindi siya mananalo sa lalaking ito kung sasabayan din niya ang pagmamatigas nito. “No, no need to do that. Walang kinalaman ‘yon sa ginagawa ko ngayon. Now, kung tapos ka na sa mga litanya mo ay pumasok ka na sa sasakyan ko.” Binuksan nito ang pinto sa passenger’s seat at itinuro iyon sa kanya. “No! Sa taxi na ‘yon ako sasakay pauwi,” hindi niya gustong ma-over power siya nito at basta na lang utusan sa mga gusto nitong mangyari. No one can dictate to her what to do or not to do. “Kung babanggain ko ang taxi na ‘yan, makokonsensya ka ba para sa driver? Uuwi siyang walang dalang pera para sa pamilya niya. Magugutom ang pamilya niya dahil ang kinita niya ngayon ay ibabayad niya sa damage ng nasira niyang taxi. How about that?” paghahamamon nito sa kanya. Saglit siyang natigilan at tinantiya ang sinasabi nito, sa huli ay naisip niyang hindi nito iyon kayang gawin. Sisirain nito ang pangalang Contreras kapag ginawa nito ang sinasabi nitong babanggain nito ang taxi. “Hindi mo magagawa ‘yan. Sinong niloloko mo?” ngumisi pa siya. “You bet?” nakangisi ring tanong sa kanya ni Xander. Isinara nito ang pinto ng passenger’s seat na binuksan nito kanina para sana sa kanya. Napangiti siya. A satisfied smile. Alam niyang hindi magagawa ni Alexander ang banta nito sa kanya. Pinaandar nito ang makina ng sasakyan nito at napaatras siya nang umatras ang sasakyan ni Xander. Mabilis din nitong pinaarangkada ang sasakyan nito, at ang direksyon na tinatahak nito ay ang nakaparadang taxi! Napasigaw siya nang maisip niya na hindi nagbibiro si Alexander at talagang babanggain nito ang pobreng taxi. “Tigilan mo ‘yan! Bastard!” halos lumabas ang litid sa leeg niya dahil sa lakas ng pagkakasigaw niya. Halos ilang pulgada na lang ang pagitan ng harap ng sasakyan nito sa taxi nang bigla itong nagpreno. Halos mabingi siya sa malakas na ingit ng gulong ng sasakyan nito. Muntik pa siyang himatayin dahil sa matinding nerbiyos sa ginawa ni Alexander. Talagang hindi ito nagbibiro at totohanin nito ang sinasabi! Napatingin siya sa namumutlang driver. Tumakbo siya palapit doon at in-check kung okay lang ba ito. Tumango lang ito. Nang masiguro niyang maayos lang ang lalaki ay mabilis niyang linapitan ang sasakyan ni Alexander. Pinukpok niya ang salamin n’on at sumenyas na pagbuksan siya nito ng pintuan. Binuksan naman nito iyon. Pumasok siya kaagad at walang salita na sinampal ang pagmumukha nito. “You’re so insensitive, damn you!” “Ngayon ay alam mo nang hindi ako nagbibiro. Now, fasten your seat belt, and I’ll drop you off at home. Pinaabot mo pa kasi sa ganito ang pangyayari,” naiiling na sabi nito. Dahil ayaw na niyang ulitin pa nito ang nakakatakot nitong ginawa kanina ay mabilis niyang sinunod ang utos nito. Nanginginig ang kamay na ikinabit niya ang seatbelt. Halos hindi pa niya maikabit iyon nang maayos dahil nga sa panginginig ng kanyang mga kamay. “You always make simple things complicated.” Lumapit ito at hinila ang seat belt na nasa gilid niya. Halos dumikit na ang mukha nito sa kanya. Ang kaba na nararamdaman niya kanina ay lalong nadagdagan dahil sa pagkakalapit nilang ‘yon ni Alexander. Nasasamyo na niya ang pabango nito na humahalo sa natural nitong amoy. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na titigan ang mukha ng binata habang nagkakabit ito ng seatbelt niya. Napatingin din ito sa kanya at lumitaw ang isang ngiti sa mga labi nito. Lumitaw rin ang dimples sa magkabilang pisngi nito. Sobrang guwapo talaga nito sa malapitan. Mapupula ang mga labi nito, mapupungay ang mga mata nito na minana sa Ninang Alex niya, matangos ang ilong nito, at ang mga balbas na tumutubo sa paligid ng mukha nito ay nagbigay ng napakalalaking dating nito. Napaayos siya ng upo nang inalis nito ang mukha nito sa harapan niya. “H-Hindi nakakatuwa ang ginawa mo. Paano kung may sakit ang driver at inatake siya sa puso? It’s easy for you to play serious games,” pangongonsensya niya sa lalaki. Bigla rin siyang huminahon at humina ang kanyang boses na kanina lang ay halos mabibingi siya sa pagsisigaw niya rito. “I’m sorry. Stay and wait for me here at kakausapin ko lang ang driver.” Hindi pa siya sumagot ay binuksan na nito ang pinto ng sasakyan sa tabi nito at bumaba ito. Binabantayan naman niya sa bintana kung ano ang gagawin nito. Nakita niyang lumapit ito sa taxi driver. Nag-usap ang dalawa at nakita niyang panay naman ang tawa ng driver sa mga sinasabi ni Xander. Parang nabalewala ang pamumutla nito kanina at sobrang saya nito habang nakikinig sa sinasabi ng binata. Mga ilang minuto ring nag-uusap ang dalawa at nakita niyang may kinuha si Xander sa likod na bulsa ng pantalon nito. Wallet nito ang kinuha nito. Binuksan nito ‘yon at nakita niyang naglabas ng ilang thousand bills si Xander at inabot nito 'yon sa driver. Nanlalaki ang mga mata niyang tinatanaw ang ginagawa nito. Hindi niya alam kung magkano ang binigay nito sa taxi driver pero nasiguro niyang malaking halaga ‘yon dahil medyo makapal ang papel na inabot nito sa lalaki. How can he do that? Una, simpleng kinausap lang nito ang lalaki ay naging masaya na ito. Pangalawa, binigyan pa nito ng pera ang driver. Isa itong walang hiyang may puso! Masaya pang kinakawayan ng taxi driver si Xander nang umalis na ito sa harapan ng taxi. “Salamat, Sir Contreras! Pangako, pag-iisipan ko ang sinabi mo sa ‘kin!” Narinig pa niya ang pahabol na sabi ng driver kay Xander. Itinaas lang ni Xander ang isang kamay nito na parang sinasabi na approve rito ang sinabi ng lalaki. Napakunot noo siya, ano kaya ang napag-usapan ng dalawa at mukhang close na ang mga ito? Matapos ang ginawa ni Xander dito ay parang bula na nakalimutan na iyon ng driver. “Let’s go,” ani Xander nang pumasok na ito sa sasakyan. Pinaandar na nito ang makina ng sasakyan at nagmaneho palayo sa lugar na ‘yon. Maaliwalas na rin ang mukha nito nang tingnan niya habang nagmamaeho ito. Gusto niya itong tanungin tungkol sa pinag-usapan nito at ng driver pero hindi niya gagawin ‘yon. Ayaw niya dahil baka sabihin naman mamaya ni Alexander na intruder siya. Tumahimik na lamang siya at nagpasalamat na somehow ay pabor naman sa taxi driver 'yon. Mahirap palang hamunin ang isang Alexander Mathew Contreras. Biro pa lang ang sa ‘yo ay totoo na ang kay Alexander. A proud and impossible man… kagaya sa mga tiyuhin nito. Nalala niya ang kuwento ng Daddy niya tungkol sa ugali ng mga lalaking Contreras noong panahon na nakasama pa raw ito ng Daddy niya. Lalo na si Tyler na naging close talaga ng Dad niya noong sumama raw ito sa Spain para mag-construct ng karagdagang building sa paaralan na pagmamay-ari ng pamilya nila sa Spain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD