Palihim na tinitingnan at minamatyagan ni Xander ang bawat galaw ni Camila. Alam niyang galit na galit sa kanya ang dalagita, nagpipigil lamang ito dahil na-threaten ito sa banta niya. And he hates himself for causing her anger. Na ang napakagandang mukha nito ay nalukot dahil sa matinding pagkainis nito sa kanya.
Nakanguso ito habang nakatanaw sa labas ng bintana at ang dalawang braso nito ay naka-cross sa ibabaw ng dibdib nito. Kumikibot-kibot pa ang mapupulang mga labi nito at aminin man niya o hindi ay natutukso siyang damhin ng daliri iyon at halikan.
Damn you, Alexander! Inaanak siya ng Nanay at Tatay mo!
Paalala ng utak niya sa kanya. Napahigpit ang paghawak niya sa manibela ng sasakyan niya dahil sa pagpigil na gawin ang nasa isipan niya. Kagabi lang ay naging mapusok si Leslie para lang angkinin niya ang katawan nito, but every time he became excited habang dinadama ng dalaga ang sensitibong parte ng katawan niya, at mapapikit siya ay nawawalan siya ng gana dahil biglang lumilitaw sa balintataw niya ang magandang mukha ni Camila.
Pinipilit niyang burahin sa utak niya ang dalagita pero kapag naalala niya ang inosenteng mukha nito noong maabutan sila nito ni Leslie ay minumura niya ang kanyang sarili. She doesn't deserve it. Sinisisi niya ang sarili niya sa kanyang kapabayaan.
Alam din niyang nagsumbong ang Uncle Travis niya sa kanyang Daddy dahil pinagalitan siya ng ama niya noong umuwi siya galing resort ng Tito Dean niya. Hindi rin niya maintindihan ang uncle Travis niya dahil simula noong makita niya si Camila ay halatang mainit na ang dugo nito sa kanya, samantala noong bata pa siya ay siya ang apple of the eye nito.
"Would you like us to drop by the nearest restaurant and have lunch together?" binasag niya ang katahimikan sa pagitan nila ni Camila. Gusto rin niyang kausapin siya nito at burahin ang galit na nararamdaman nito para sa kanya.
Tumingin ito sa kanya at inirapan siya. "Pagkatapos ng ginawa mo, pakiramdamdam mo ay makaka-relax at makakain ako nang maayos? Ihatid mo na ako sa bahay para maipahinga ko na ang nakaka-stress na araw na 'to." Padabog itong sumandal sa backrest ng upuan nito.
"How about visiting our family farm? Malapit lang 'yon dito," he offered. Gusto niyang makabawi sa ginawa niya kanina rito.
"Still no!" mataas ang boses na sagot nito.
Itinaas niya ang isang kamay niya at napapailing siya. "Fine, you don't have to shout at me, hindi ako bingi," nawawalan na rin ng pag-asa na sagot niya.
Tumahimik na rin siya at hindi na ito kinausap pa, alam niya kasi na lalo lang itong magagalit kapag nagsalita pa siya. Paminsan-minsan ay panakaw niyang tinititigan ang dalagita, and he can't help, but ask himself why he is doing this to her right now.
Actually, kanina ay waka naman talaga siyang plano na totohanin na babanggain ang taxi na minamaneho ni Mang Pablo. Alam niyang matatakot si Camila, kaya siya nagbanta na gawin 'yon. Hindi naman siya ganoon kasama para gumawa ng ikakasama ng ibang tao. Kinausap naman niya kanina ang matanda at sinabi ang lahat, the old man was just amused by what he did.
Napapailing siya at hindi niya maiintindihan ang kanyang sarili kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na 'to. Umaakto siyang parang isang teenager, at pagtatawanan siya ng mga pinsan niya at kapatid kapag nalaman ng mga ito ang ginawa niya kanina, para lang mapapayag niya si Camila na magpahatid sa kanya.
Natigil siya sa kanyang malalim na pag-iisip nang matanawan niya ang mataas na gate ng bahay nina Camila. Ipinarada niya ang sasakyan niya sa gilid n'on, at bago pa siya makababa para pagbuksan ito ng pinto ay mabilis na itong nakababa. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito habang lumalapit ito sa gate at sunud-sunod na pinipindot ang gate buzzer.
Hindi naman nagtagal ay bumukas ang gate at bumungad ang Nana Dory nito. Nagmano lang ang dalaga sa matanda at pumasok na. Mabilis din nitong isinara ang gate pero bago nito naisara 'yon ay mabilis niyang napigilan iyon gamit ang isa niyang kamay. Itinulak niya ang pinto ng gate at tinatantiya na hindi naman matutumba ang dalagita na nakahawak doon. And he succeeded, so he went inside.
"Ano ba ang nangyayari sa inyong mga bata kayo? Nag-away ba kayo?" Nakakunot ang noo ni Nana Dory at palipat-lipat na tumitingin sa kanila ni Camila.
"Sinumpong lang po ang alaga n'yo," nakangiti niyang tugon sa matanda.
"You are so disgusting." Inirapan siya nito. Nagdadabog na itong pumasok sa loob.
Napatingin naman siya sa langit, hindi niya alam kung paano susuyuin ang dalaga para humupa ang galit nito. Si Camila ang unang babaeng nakilala niya na mahirap i-handle.
"Pumasok ka, hijo, nasa loob ang Auntie Cameron mo at Uncle Travis." Nakangiting binigyang daan siya ng matanda.
Tumingin siya sa suot niyang relo, maaga pa naman kaya't papasok na muna siya sa loob. Sasadyain na rin niya si Travis para sa property nitong pinag-uusapan nila ng mga pinsan niyang bilhin.
"Salamat po," he smiled at the old woman and walked inside.
Sa salas ay naabutan pa niya si Camila na nakatayo at nakangiting kinakausap ang nakaupong mga magulang nito. He stayed for a while where he was. Hindi niya maalis-alis ang kanyang paningin sa dalagita. Napakaganda nito lalo kapag nakangiti.
And I promise, babe, you will always have that beautiful smile on your lips.
Itinaboy niya ang isipin na 'yon sa kanyang utak. He shouldn't have that in his head. Napakabata pa ni Camila para pag-isipan niya ng kagaya n'on.
"Pumasok ka na, hijo."
Napukaw ang kanyang malalim na pag-iisip nang marinig ang sinabing 'yon ng matanda, nakalimutan niyang nakasunod lang pala ito sa kanyang likuran. He smiled drily. Tumikhim siya para alisin ang tila bara sa kanyang lalamunan at binalingan ang matanda. "You first po."
Tumango naman ito at humakbang papasok sa loob ng salas. Sumunod siya rito. Nang makapsok na sila ay binati niya ang mag-asawa.
"What a lovely day seeing love birds in this warm and elegant home!" bungad niya.
Natigil naman ang mga ito sa pag-uusap at kapwa napatingin sa kanya. Si Cameron ay matamis na ngumiti nang tingnan siya, pero si Travis ay hindi niya maintindihan kung bakit ang masayang awra nito kanina ay biglang napalitan pagkakita nitong tumapak siya sa pamamahay nito. It's odd.
"Hi, Xander. It's nice to see you here!" masiglang bati sa kanya ni Cameron.
He walked near her and kissed her cheek, as he does every time he sees her.
"Magandang araw sa 'yo, Uncle Travis." Lumakad siya para kamayan ang lalaki pero iwinasiwas nito ang isang kamay nito, tanda na pinapatigil siya nito sa nais niyang gawin. Ikinibit niya ang mga balikat at umatras. Halata na ayaw siyang makita ni Travis sa pamamahay nito, which he doesn't understand.
Nang tumingin siya kay Camila ay nginitian niya ang dalagita kahit na inirapan pa siya nito. Narinig niya na tumikhim si Travis, he looked down at him. sitting on the couch. Tumigas ang mukha ng lalaki nang makita nitong nasa kay Camila ang kanyang mga mata. But instead na matakot siya sa lalaki ay hindi niya inalis ang mga mata niya sa anak nito para ipaabot kay Travis na hindi siya nito masisindak dahil wala naman siyang ginagawang masama.
"What are you doing here, young man?" matalim ang pagkakatanong sa kanya ni Travis. Kung nahalata man iyon ng mga naroroon ay hindi niya alam.
"I dropped Camila here," simpleng sagot niya na ikinadilim pa lalo ng mukha ni Travis.
"And what more?"
He shook his head, sa pandinig niya ay double meaning ang tanong na 'yon sa kanya ni Travis. Nginitian niyang tiningnan muli si Camila, bago sinagot ang tanong sa kanya ni Travis, "Ang anak mong kasing ganda ni Camila ay hindi dapat iniiwan mag-isa sa daan, Uncle Travis, so I decided to drive her home."
"Damn!"
Umabot sa pandinig niya ang mahinang pagmura ni Travis, para bang ang sinabi niya ay isang sumpa. Travis was acting weird.
"I am asking you kung may iba ka pang kailangan?" Travis seemed to suppress his anger.
"Kung hahayaan mo akong kausapin ka ngayon, Uncle Travis," simple niyang tugon. There was danger in Travis' every word, but it never feared him.
"To my library, Alexander." Nakatiim ang bagang ni Travis nang tumayo ito at lumakad patungo sa sinasabi nitong library.
Narinig pa niya ang magkasabay na pagsinghap ni Camila at ng ina nitong si Cameron. They look so worried, but for him ay walang dapat na ikabahala.
Tinanguan niya si Cameron bago siya sumunod kay Travis. Nakapasok na si Travis sa loob ni library nito, and he left the door open for him. He stepped inside. Isinara niya ang pinto nang sumenyas si Travis na isara niya 'yon. He never sat in the visitor's chair until Travis told him to. Inisang hakbang niya ang upuan at tahimik na naupo roon.
"What do you want?" Travis asked him coldly.
Gusto niyang itanong sa lalaki kung bakit ganito ang pakikitungo nito ngayon sa kanya pero pride niya ang pumigil sa kanyang gawin iyon. Wala siyang ginagawang masama kaya walang dahilan na ma-guilty siya o mag-worry sa treatment sa kanya ni Travis.
"Tungkol sa property mo na ibinibenta sa Maynila," pasimula niya at tinanong kung ibinibenta pa 'yon ni Travis.
Bahagyang lumiwanag ang mukha ng lalaki sa itinanong niya. Sumandal ito nang tuwid sa kinauupuan nito at tiningnan siya. "It's still available. At kung bibilhin n'yo ng mga pinsan mo ang nasabing propyedad ko, I am willing to give you a big discount. Ipadala ko sa opisina n'yo sa hotel ang papeles ng property kong 'yon para ma-review n'yo, before you decide," business tone ang tono na ginamit sa kanya ni Travis.
At dapat niya sigurong sanayin na ang kanyang sarili sa ganoong trato sa kanya ni Travis. Besides, he wasn't a kid anymore, which makes Travis adore him— na sa simpleng nakakatawa niyang pagdaldal ay ma-a-amuse na ito sa kanya.
"Oh, sure." Napakamot siya sa kanyang kilay dahil nauubusan siya ng sasabihin. "And about Camila, no need to worry dahil ako na ang bahala sa enrollment niya," parang batang sabi niya.
Medyo nagulat pa siya dahil pasuntok na ibinaba ni Travis ang kamao nito sa ibabaw ng makintab nitong office table. "Stay away from my daughter, Alexander."
"Oh yeah? And why should I do that, Uncle? Ganyan din ba ang sinasabi mo sa mga pinsan ko at kapatid kong lalaki kapag lumalapit sila kay Camila?" curious niyang tanong. Naguguluhan siya sa mga sinasabi sa kanya ni Travis.
"No, maliban sa 'yo," diretsa namang sagot ni Travis.
Bahagya siyang natawa. "Nice joke."
"Damn you, Alexander! I'm not f*****g joking!"
"You have earned so much of my respect for you, but give me the exact reason why I need to follow you about staying away from Camila."
"I just don't like you to get near her. I don't have any single obligation on explaining things with you, Alexander. Just don't come closer to my daughter if you don't want complication between us. You earned my respect for you too. Lalo na ang ama mo at mga tiyuhin."
"I don't understand you," naguguluhan niyang sagot.
"You don't have to understand me, Alexander; just follow what I want for my daughter, and everything will be fine."
"Huwag mo rin akong alisan ng karapatan sa bagay na gusto ko, Uncle. My life, my rule, basta alam kong walang mali sa ginagawa ko," matigas niyang saad. He met Travis' gaze.
Matagal silang nagsusukatan ng paningin ni Travis bago nito binasag ang katahimikan sa pagitan nila, "And why? Do you like my daughter?" hindi siya hinihiwalayan ng paningin nito. Parang in-screening ang bawat salitang bibitawan niya.
Naumid naman ang mga dila niya, he doesn't know what to say. He couldn't pick something for himself. Para siyang daga at si Travis ay pusa na na-corner siya nito sa dead-end.
"Go home no, Alexander. Ngayon ang araw na sisimulan mong iwasan ang anak ko. Alam mo naman na itinuring kitang sarili kong anak noong bata ka pa, and until now, I still considered you my own son... kaya sana ay respetuhin mo ako bilang ama mo, at ganoon din ako bilang anak ka," utos sa kanya ni Travis.
Tinalikuran na siya nito at dinampot ang teleponong nasa gilid ng mesa nito. Nag-dial ito ng numero na hindi niya alam kung ginawa lang ba nito 'yon dahil gusto nitong umalis na siya, at ayaw na siya nitong kausapin pa.
Matagal niyang tinitigan si Travis na hindi na tumitingin sa direksyon niya, hindi siya umalis doon hangga't hindi niya narinig na kinausap na ng tinawagan nito si Travis. He sighed heavily and stood up to walk out of his office.
Paglabas niya ay wala na ring tao sa salas. Hindi na siya nag-abala pang hanapin ang Auntie Cameron niya para magpaalam. Diretso na siyang lumabas at lumakad papunta sa nakaparada niyang sasakyan.
Bago siya pumasok sa sasakyan niya ay napatingala siya sa mataas na bahay ni Travis. In-ignore niya ang kurtinang biglang gumalaw sa isang bintanang nakaharap sa kinatatayuan niya.
Habang nagmamaneho siya ay naguguluhan pa rin siya sa mga inaakto ni Travis.