"Masama ba ang pakiramdam mo, Cam?" nag-alalang tanong sa kanya ni Alana. Pangalawang subject na nila ito sa pang-umagang klase nila. Nasa klase nga siya pero wala naman ang kanyang buong pansin sa discussion ng kanilang professor. Nasa kay Xander ang kanyang buong isip. Nalulungkot siya na matapos ang masalimuot na nangyari kagabi ay bigla na lamang itong umalis na hindi man lang nagpaalam sa kanya. "I am asking you, Cam, masama ba ang pakiramdam mo?" ulit na tanong sa kanya ni Alana nang hindi siya umimik. She can't hold herself back anymore, kanina pa mabigat ang kanyang dibdib at parang hihimatayin na siya sa kakapigil sa kanyang pag-iyak. Naitakip niya ang dalawang palad niya sa kanyang mukha at doon ay malaya niyang iniyak ang mabigat niyang dinaramdam. Inakbayan naman siya ni Ala