Ilang oras ang lumipas ay nanatili pa rin siyang nakaupo sa sahig at umiiyak. Samo't-saring damdamin na ang bumabalot sa kanya ngayon. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Nasasaktan siya para kay Xander. Mas masama ang loob niya sa ginagawang ito sa kanya ng mga magulang niya. Sinong anak ba ang matutuwa kapag ikukulong ka ng magulang mo sa silid? Ilang sandali pa ay naramdaman niya ang pagbukas sa pinto ng kanyang silid. Napatingin siya roon, ang Mommy niya ay nakatayo roon at malungkot na nakatingin sa kanya. She looked back at her cold, sad face. "Huwag mong isipin na kaya ko ito ginagawa sa 'yo dahil galit ako sa 'yo, Camila. I am doing this because I love you. Your dad loves you as much as I do." Hindi siya sumagot. Pinahiran niya ang kanyang luha at tumayo mula sa pagkakaupo ni