"Anong sabi niya? Pumayag ba?" sunud-sunod na usisa ni Tasia kay Summer. Umirap naman ito. "Natural, nagmamayabang, eh." "Saan na raw ba siya? Sinabi mo bang nagmamadali tayo?" sabad naman ni Snow. Hindi pa nakasagot si Summer nang biglang may tumigil na sasakyan sa tapat nila, kitang-kita iyon sa glass wall ng cafe. Lumabas naman kaagad ang matangkad at guwapong si Agathon. Malapad ang ngiti sa mga labi na animo'y nanalo sa isang pustahan. Hinanap din kaagad ng paningin nito si Summer, at nang matuon ang mga mata nito kay Summer ay idinikit pa nito ang mukha nito sa salamin at mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti nito. Napahagalpak pa ng tawa ang ibang kaibigan nila nang mabasa nila ang pagbigkas ni Agathon ng, "I love you, my Summer." Si Summer naman ay hindi maipinta ang mukha. Ku