Excited na si Camila sa unang araw ng pasukan nila. Lahat silang magkakaibigan ay nagdesisyon na iisang kurso ang kunin. Ginamit din nila ang koneksyon nila sa mga Contreras para mailagay sila sa iisang section lang. They are taking up Journalism. Unang taon nila sa kolehiyo sa pasukan na 'to.
"Nandiyan na!" excited niyang sigaw nang may kumatok sa pinto ng kanyang silid.
Sa huling pagkakataon ay hinagod ng mga mata niya ang kabuuan niya sa salamin. Checkered ang palda nila at long sleeves na kulay puti ang pang-itaas na uniporme nila na may mahabang kurbata. Knee length din ang kulay itim nilang medyas. Additionally, the black stilettos gave it a stylish, attractive appearance. Ang mahaba at brownish niyang buhok ay sumusunod sa kanyang bawat paggalaw.
Dinampot niya ang hand bag niya at nagmamadaling lumabas sa kanyang silid. Sa labas ay naghihintay ang kanyang ina, and for the first time, she praised her without pointing out any flaws concerning her attire.
"Finally!" Pabiro niyang itinirik ang mga mata. "May tumama rin akong outfit sa paningin mo, Mommy."
"Because you look so fabulous in your school uniform." Inayos ng ina niya ang collar ng kanyang uniporme at hinawakan siya sa kanyang braso. Inakay na siya nito pababa.
"Whew!" napapasipol na saad ng Daddy niya nang makita nitong bumaba siya. "Gustuhin man kitang mananatiling bata ay hindi ko magagawa... dalaga ka na talaga, Alcea," he was half glad and half sad.
Napalabi siya dahil sa ginamit ng ama na pangalan niya. She doesn't like it, ewan ba niya kung bakit. However, her Dad gave her that name because it is her Mom's favorite flower. "You have ruined my day, Dad," kunwari'y nagtatampo niyang reklamo sa ama.
Nag-echo naman sa loob ng kanilang bahay ang malakas na tawa ng kanyang ama. Parang pagmamay-ari nito ang lahat ng kaligayahan sa buong mundo.Her love for her family fills her entire being. Ang kanilang maliit na pamliya ay hindi perpekto pero mas ginagawa nilang priority ang pagmamahal nila sa isa't-isa, kung kaya't parang wala silang naging problema.
"I love your Mom as much as I love you," sumeryoso ang mukha ni Travis. Kinabig nito ang ina niya at inakbayan.
Her Dad's words for her Mom envy her. She was dreaming about finding a man like her father who would regard her as the most stunning human being, much like Travis does for Cameron.
"Late na po ako, Daddy!" reklamo niya kunwari. She looked down at her Louis Vuitton watch and flared her nose.
"Let's go?" said Travis.
"Of course!" Humakbang siya palapit sa kanyang ina at humalik sa pisngi nito. "Bye, Mom!"
"Go home straight after your class, Cinderella," bilin ng ina. Nakasunod sa kanya ang paningin nito habang lumalabas siya sa kanilang bahay.
Hindi na niya narinig ang pinag-uusapan ng kaniyang mga maglung tungkol sa kanya dahil excited na siyang lumabas ng bahay. Ilang saglit pa ang hinintay niya sa kanilang garahe bago sumipot ang kanyang ama.
Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse at inalalayang makapasok. Masayang kumakaway ang kanyang ina habang papalayo ang sasakyan na minamaneho ng kanyang ama. Dahil daanan lang din ang El Contreras University papuntang opisina ng ama ay idadaan na siya nito.
Pagdating sa labas ng eskwelahan ay pinigilan siya ng kanyang ama nang magpaalam siyang bababa na ng sasakyan. "Why?" magalang niyang tanong sa kanyang ama.
"May tiwala ako sa 'yo, Camila, and don't ruin it," may pagbabanta sa boses nito na labis niyang ipinagtataka.
She peered at his face, assuming her father was making a joke, but there was no sign of laughter in his expression. At hindi niya maintindihan kung bakit siya nito kinakausap sa ganitong paraan. He had never done it before. Ngayon pa lamang.
She inquired, "Is there a problem, Dad?" with interest.
Umiling ang ama. "May isang bagay lang akong hihilingin sa 'yo, Cam, and take it seriously. I'm not kidding."
"And... and what was that?" takang tanong niya sa ama. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit ganito ang ama niya sa kanya ngayon.
In a firm voice, he urged, "Stay away from Alexander." Ang tono nito ay kasing lamig ng yelo at ngayon pa lamang nito ginamit sa kanya.
"A-Alexander? The eldest son of Ninong Tyler?" alam naman niya ang sagot pero nagtanong pa rin siya. Wala naman siyang ibang Alexander na kilala maliban kay Alexander Contreras. But she doesn't get why her father warned her about him. They were almost family, hindi man sila magkadugo.
Tumango ang ama at para kompirmahin ang tanong niya. Nakatingin lang din ito sa kanya na parang sinasabi nito na dapat niyang isaisip ang mga sinasabi nito.
Bahagya siyang tumawa. She anticipates her father laughing more and telling her that he was kidding. Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin niya narinig ang inaasahang tawa na 'yon mula sa kanyang ama. It made her sick. Naguguluhan siya sa mga sinasabing ito ng ama.
"Pero hindi ba dapat ko ring iiwasan ang mga pinsan niya pati na rin ang kapatid niyang si Tanner kung ganoon, Dad?" she was so careful when she asked him. Ayaw niyang magalit ito dahil ma-misinterpret nito ang itinanong niya.
Tumigas ang mukha ng ama at parang nawalan ng isasagot sa tanong niya. Actually, wala naman siyang balak na mag-close sila ng Alexander na 'yon. She was merely trying to get an explanation for this because, in the first place, she dislikes his guts as well.
"It's for your own sake, Camila, kung bakit ko ginagawa ito. Basta sundin mo lang ang sinasabi ko at wala tayong maging problema sa hinaharap," He provided a wise response. Halata na iniiwasan nitong straight na sagutin ang itinanong niya.
"But, Dad, I want to know--"
"Just listen to me, Camila," agaw nito sa sinasabi niya.
Marami man siyang gustong itanong sa ama ay hindi na niya magagawa dahil pinal na ang huling sinabi ng ama, at halatang wala na itong ibang sasabihin kahit na ano pa ang itatanong niya tungkol sa sinabi nitong huwag siyang lumapit kay Alexander.
Tumango na lang siya para ipanatag ang loob ng ama na gagawin niya ang sinasabi nito. Bakit ba naman niya kokontrahin pa ang ama, eh, hindi rin naman niya type na kausapin siya o lalapitan ni Alexander. Pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang nalungkot siyang isipin na may isang bagay na in-restrict sa kanya ang ama niya.
"Alexander," mahinang sambit niya. Kusa na lamang bumuka ang mga labi niya at sinambit ang pangalan ng lalaki kahit na hindi naman niya intensyon na gawin 'yon.
"May sinabi ka?" untag sa kanya ng ama niya.
Pinilit niyang ngitian ito, sabay iling. "N-No, Dad."
"Okay, you can go now at baka ma-late ka pa sa unang araw ng klase mo," halatang tinatapos na ng ama niya ang pag-uusap na 'yon.
Tumango lang siya at humalik sa pisngi ng ama. Kinuha ang kanyang bag at lumabas na ng sasakyan. Bago pa siya nakalayo ay may ibinilin pa ang kanyang ama.
"Take a taxi when you go home later, baka hindi na kita masundo," ani Travis. "And good luck!"
She nodded and said, "Thank you."
Nagmamadali na rin siyang pumasok sa loob ng gate ng eskwelahan. Alam niyang naghihintay na sa kanya ang kanyang mga kaibigan. Usapan kasi nila na sa canteen na sila magkikita. She walks fast to get there. Panigurado kasi niya na siya na naman ang maging topic kapag siya ang mahuhuli sa pagdating. Ang ibig niyang sabihin ay kakantiyawan siya ng mga ito.
Pagpasok niya sa canteen ay nagpalinga-linga siya sa mga mesang nakahilera roon pero hindi niya makita ang mga kaibigan. Siniguro niya na wala pa talaga ang mga ito bago siya nagdesisyon na humanap ng mapuwestuhan niya. Naupo siya sa mesa na medyo hindi daanan ng tao pero makikita naman kaagad niya ang pumapasok.
She took a look at her wrist watch; it's almost forty-five minutes before their first subject starts. Napaaga lang siguro talaga masyado kung kaya't wala pa ang mga kaibigan niya rito.
Nag-order muna siya ng hot chocolate habang naghihintay sa kanyang mga kaibigan. Nang dumating ang in-order niya ay binuksan niya ang kanyang bag at kinuha roon ang dala niyang libro. Reading will kill her boredom while she's waiting for them to come. Ilang pahina na ang kanyang nabasa nang may malalakas na boses siyang naririnig na pumasok. As she turned towards the direction those voices were coming from, she almost felt her heart spring out of her chest when she watched Alexander cheerfully conversing with the group of people with him.
Sa tingin niya ay mga board and directors iyon ng University. Parang echo naman sa pandinig niya ang sinabi ng Daddy niya kanina na iwasan niya si Alexander. So, before he noticed she was there, she raised her book to cover her face. Ayaw niyang suwayin ang kanyang ama kahit na napaka-weird ng sinabi nito na iwasan niya si Alexander. They just met a couple of times or so, and it's hard for her to understand her father's sentiment.
Hindi niya kinuha ang librong nakatakip sa mukha niya hangga't naririnig niya na nasa loob pa ng canteen ang mga boses nila Alexander.
God, Camila, who are you para pagtuunan ni Alexander ng atensyon nito?
Patuyang sabi ng isang bahagi ng kanyang isipan.
I'm just following Dad's word.
Parang baliw na nag-uusap ang kanyang mga utak. Because of his presence, her heart never stops racing irregularly. Pakiramdam niya ay biglang sumukip ang maluwang na kantina sa pagpasok ni Alexander. Curiously, she sneaked her face behind the book. She gasped a little bit harder when she saw Alexander looking her way. Bahagya pang gumalaw ang isang sulok ng labi nito na para bang natutuwa sa ginagawa niya. Mabilis niyang itinakip muli sa kanyang mukha ang libro niya.
He didn't see me! He didn't see me! He didn't...
Nagwawalang sigaw ng kanyang isipan. She bit her lower lip. Ang concentration niya ay tuluyang nawala sa kanyang binabasa. Nang mawala ang mga boses tanda na lumabas na ang mga ito ay saka niya pinakawalan ang hininga na kanina pa niya pinipigil kumawala.
Yes, he didn't see me.
Nanginginig ang mga kamay niyang tiniklop ang libro niya at muli iyong isinilid sa kanyang bag. This is frustrating. Napahalukipkip siya at kinalma ang kanyang sarili. Bago pa siya makabawi ay lumapit sa kanya ang isang service crew ng canteen. Nagtatanong ang mga mata na tinitigan niya ito. She already paid for her hot chocolate, bakit siya nito linapitan?
"Para sa 'yo ito, Miss." Nakangiting inabot sa kanya ng babae ang isang almond milk latte na nakalagay sa mamahaling styro cup.
"I didn't order it, and this hot chocolate is enough for me," naiiling niyang sabi. Kinuha pa niya ang hot chocolate niya at itinaas iyon para makita ng babae.
"Hindi ka nga nag-order pero may nag-order para sa 'yo," parang kinikilig pa na sabi ng babae.
"Someone ordered for me? Who?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Kunin mo na lang at basahin ang note at ang nakasulat sa cup." Ipinatong ng babae ang cup sa mesa niya at tinalikuran na siya.
Dinampot niya ang cup, and she did not know who gave it to her. Muntik pang matapon sa kamay niya ang laman n'on dahil nakita niya ang nakasulat sa cup.
A beautiful flower deserves a compliment.
May nakadikit pang nakatupi na maliit na papel sa cup, marahil ay hindi magkasya sa cup ang gusto nitong mensahe kung kaya't isinulat nito roon. Kinuha niya 'yon at mabilis na binasa.
To a beautiful lady who's trying to hide herself behind her book. Nice try, but I already saw you before you did it.
Alexander Mathew
She wanted to scream in horror. Para siyang tinutukso na linalapitan ni Alexander sa kabila ng banta ng kanyang ama na iwasan niya ito. And honestly, she doesn't like this. But there is something in her heart that is pleased with what he's doing, and she hates herself for feeling that way. She doesn't want to offend her father; she doesn't want a complication in their relationship if he finds out this; and most of all, she doesn't like Alexander treating her this way.
Binalak niyang itapon ang almond milk latte, but she hold back. Walang kasalanan iyon sa ginagawa ni Alexander. And many out there dream of having a privilege like this... ang ibig niyang sabihin ay mamahalin ang binili ni Xander, at hindi lahat ng estudyante ay kayang bumili ng kagaya nito. Kaya sayang na itapon niya.
She validated her reason, though it's so shallow.