Pagpasok pa lang ni Xander sa canteen ay kaagad niyang nakita si Camila na nakaupong mag-isa sa isang sulok. Ang boring niyang araw ay parang biglang sumigla nang masilayan niya ang dalagita roon. Gustuhin man niyang lapitan ito ay hindi niya nagawa dahil nagmamadali ang mga ka-meeting niya. The responsibility of their family's business mostly rested on him because he was the eldest of their generation. Ang mga pinsan niya at kapatid ay halos magkasing edad lang, at bukod-tanging siya ang may malaking gap pagdating sa edad dahil nga nasa kabataan pa ng mga magulang niya ang mga ito nang siya ay ipanganak.
His mom got pregnant with him when she was just nineteen. Hindi biro ang napagdaanang buhay pag-ibig ng mga magulang niya at 'yon ang ikinatatakot niyang mangyari sa kanya. Hindi naman lihim sa kanila ang love story ng Daddy at Mommy niya. Bits and pieces of memories played in his mind, like how his mom cried every night because she couldn't get over his dad.
Sinabi na rin ng Papa Rocky niya na kailangan na niyang i-let go ang ganoong pangit na memories dahil isang napakagandang pag-iibigan ang namagitan sa kanyang Mommy at Daddy, but he can't simply do that.
Hinilig niya ang kanyang ulo sa headrest ng kanyang swivel chair at ipinikit ang kanyang mga mata. Kababalik lamang niya rito sa Hotel El Contreras galing El Contreras University, hindi man niya gustong bumalik kaagad dito ay hindi naman maaari dahil ilang minuto lang ay magsisimula na naman ang meeting niya rito sa hotel.
Gumuhit sa balintataw niya ang maamo at magandang mukha ni Camila. Simula nang bumalik siya rito sa Pilipinas at makita niya si Camila ay parang nakalimutan na niya ang plano niyang bumalik sa Amerika. He slightly tapped his head. What was in his mind was freaking senseless.
Gaano pa kaya ang galit sa kanya ng Uncle Travis niya kapag malaman nito ang iniisip niya ngayon tungkol kay Camila? No, hindi niya kayang maging lamat sa magandang relasyon ng ama niyang si Tyler at sa kaibigan nitong si Travis.
Pero hindi niya pa rin mapigilan ang kanyang sariling mapangiti nang maalala niya kung paano ni Camila ikinubli ang sarili nito sa likod ng nakabukas nitong libro. Kung hindi lang siya nahiya sa kasama niyang mga investors kanina ay baka ninakaw na niya ang bagong buka na bulaklak ng rosas sa garden sa labas ng canteen at binigay kay Camila.
Kung ano ang ginawa ni Camila at nagmukha siyang dose anyos na nagsimulang magkaroon ng crush sa edad niyang 'to ay hindi alam ni Xander. Pagtatawanan siya ng Tita Porsia niya at ng Papa Rocky niya kapag binanggit niya ang tungkol sa nararamdaman niyang ito kay Camila.
Napadilat ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang matigas na bagay na tumama sa kanyang mukha. "Damn it!" malakas na mura niya. Hinaplos niya ang nasaktang mukha.
"You are daydreaming, old guy!" si Joachim. Kaagad itong naupo sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Was it because of the almond milk latte?" may himig panunukso namang sabi ni Franco.
"Oh, s**t! What are you talking about?" Napaupo siya nang tuwid. Para siyang isang criminal na nasa hot seat dahil sa nililitis siya ng isang magaling na abogado.
"We saw you buying a cup of almond milk latte for Camila." Ang isang kamay ni Sandro na may hawak na isang bagay ay itinaas nito sa mukha niya. "Using this," natatawang dagdag nito.
"Holly cow, a binoculars?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Ibinagsak niya ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair. Tinatanaw siya ng mga pinsan niya mula sa malayo gamit ang isang teleskopyo? Are they crazy?
Sabay naman na natawa ang tatlo.
"Actually, hindi naman talaga ikaw ang binabantayan namin, If that's what you're worried about. We're just spotting some beautiful ladies, at hindi namin sinasadya na ikaw ang nakita namin na binibilhan si Camila ng almond milk latte." Dinampot ni Joachim ang papel na nasa ibabaw ng mesa niya at balewalang ginawa nito iyong paper boat.
"What the hell, Joachim!" Napatayo siya dahil mahalagang papeles ang ginawa nitong paper boat. This guy is completely insane and unconcerned with others.
"I'm sorry." Inayos din nito ang papel at ibinalik iyon sa kanyang mesa. "How did you know that it was Camila's favorite?" Inilapit pa nito ang mukha nito sa mukha niya, at napaatras siya dahil baka mabasa ni Joachim na magsisinungaling siya sa isasagot niya rito.
"I'm busy doing things with sense, Joachim, and you're talking nonsense. I don't know where you got that bullshit idea, Joachim," he yelled at him.
Natawa naman nang malakas si Joachim dahil sa sinabi niya. Pati si Franco at si Sandro ay nahawa rin sa tawa ni Joachim.
"You three can go back to your table, and I am preparing myself for a million-dollar meeting, jerks!" asik niya sa tatlo. Gusto niyang abalahin ang kanyang sarili sa naisipan niyang gawin bago siya pumasok sa opisinang ito kanina. He wishes he didn't share an office with his cousins and had his own private space.
"I'm wondering what the content of a note that you made for Camila was, old guy," hindi pinansin ni Franco ang galit niya. Tinutukso pa siya nito lalo dahil nakikita nitong nagagalit siya.
"Was it a sweet note, Xander?" dagdag pa ni Sandro sa panunukso sa kanya ni Franco at Joachim.
"Stop it! You don't know how Camila's dad feels about having me near his daughter," mapait niyang turan. Hindi niya sinasadya na lumabas ang salitang 'yon sa kanyang bibig, but it's too late to take it back. Narinig na iyon ng tatlo.
Napahinga siya nang malalim nang kapwa matahimik ang tatlo. Sinamantala niya ang pananahimik na iyon ng mga pinsan niya. Tumayo siya at kinuha ang puting folder na naglalaman ng agenda ng meeting nila ngayon.
"You can follow me in the conference room if Tanner, Daniel, and Elias arrive," he said with authority in his voice.Hindi na niya hinintay pa na sumagot sa kanya ang tatlo, he walked out of the room.
Lalo lang siyang maguguluhan kapag mananatili siya at makikinig sa pambubuska sa kanya ng mga ito. Bago nagsimula ang meeting ay pumasok na rin naman ang mga pinsan niya sa loob ng conference room. Habang pin-present ng Daddy niya ang meeting ay parang lumilipad naman ang kanyang utak sa kawalan. Lately, he doesn't understand himself.
"Alexander!"
Napapitlag siya nang marinig niya ang malamig na boses ng Daddy niya na tinatawag ang kanyang pansin. Ang mga kamay niya na nakahawak sa kanyang ulo ay mabilis niyang kinuha at napatingin nang diretso sa kanyang ama. Tagos hanggang kaluluwa ang titig na pinupukol sa kanya ng ama niyang si Tyler. Napahiya siya dahil ang lahat ng atensyon ay nasa kanya nakatuon ngayon.
Napaupo siya nang tuwid nang bahagya siyang siniko ni Daniel. "Kanina ka pa tinatanong ni Tito Tyler, Xander," pabulong na sinabi sa kanya ni Daniel.
Itinaas niya ang kanyang kamay para ipahiwatig sa ama na nakikinig siya sa mga sinasabi nito. Gumalaw naman ang kaliwang sulok na labi ng kanyang ama, tanda na parang hindi ito naniniwala sa kanya.
"What may be the cause of our sales' unexpected drop last month, Alexander?" nanghahamon ang tanong sa kanya ng ama niya.
Absent minded lang siya kanina pero hindi mapurol ang utak niya para hindi masagot nang tama ang tanong na 'yon ng Daddy niya. Lahat ay nakatingin sa kanya, para bang hinihintay ng mga ito kung tama ba ang isasagot niya sa tanong na 'yon ng Daddy niya. Kilala niya ang Daddy niya, the more na nakikita nito na hindi ka nagbibigay ng atensyon sa isang bagay ay hahamunin ka nito nang todo. At wala siyang kahit na anong hamon na inaatrasan.
Tumayo siya at parang estudyante na nagbigay ng kanyang oral recitation sa harap ng lahat. "The reason sales have decreased is because we are not keeping up with the latest promotion methods, Dad. Hindi iyan ang possible na rason dahil iyan talaga ang dahilan," tiyak na sagot niya. Ang mga nagdududang tingin na ibinibigay sa kanya kanina ng lahat sa silid na 'yon ay biglang humanga dahil sa sagot niya.
"And what are you suggesting, Alexander?" pumapalakpak pa ang Tito Joaquin niya habang tinatanong siya.
Bahagya niyang binuksan ang isang butones ng suot niyang polo shirt dahil pakiramdam niya ay bigla siyang nasasakal. "Bakit hindi tayo gumawa ng website? Sa panahon ngayon ay social media na ang access ng halos lahat, and kapag ma-expose tayo roon ay malaki ang chance na marami rin ang makakakita ng ating promotion, isn't it?"
Nang sumang-ayon naman ang lahat sa suggestions niya ay dinagdagan pa niya ang kanyang sinabi, "At hindi na natin kailangang maghanap ng magma-manage ng website natin dahil magaan lang naman iyang trabaho, me and my cousins can do the job. No need to spend thousands for it." Naupo na rin siya matapos niyang sabihin ang kanyang side.
"Excellent idea, Alexander!" Tumayo pa ang Tito Dean niya habang pumapalakpak sa kanya.
"Yeah, right. You've hit the target, Alexander, dear!" Sumunod naman na tumayo ang Tito Nathan niya.
"Hats off to you, my love! Walang duda, isa ka ngang Contreras!" Sumaludo pa ang kanyang Tito Joaquin sa kanya.
Ang lahat ay napatayo at pumalakpak sa kanya. Tiningnan niya ang Daddy niya and he can see that his dad is so proud of him. He must be proud of himself too because everyone is praising him, but he was not that impressed with what he had done. Bigla niyang naisip kung nandito ba si Camila ay kung proud din ba ito sa ginawa niya?
Oh, damn you, Xander! Ano ang alam ni Camila sa mga ganitong bagay?
"Because you're inspired, old guy! May kinalaman ba rito ang almond milk latte kanina?" natatawang bulong sa kanya ng katabi niyang si Joachim.
"Back off, bugger! Kung isumbong ko kaya kay Uncle Dawson na pinaiyak mo ang anak niya noong nakaraang araw? Titigilan mo na ba ako?" Nginitian niya si Joachim.
Umatras naman ang swivel chair na kinauupuan nito at nagtatakang tumingin sa kanya, nawala rin ang mapanuksong ngiti sa mga labi nito. Parang hindi ito makapaniwala kung bakit niya alam ang tungkol sa bagay na 'yon.
"Tama ka, Joachim, matanda na nga ako kompara sa inyo, kaya huwag mo akong hamunin dahil mas malawak ang kaalaman ko kung ikompara sa kini-claim mo na bata kayo."
Si Elias naman ay pinagtawanan si Joachim dahil mukha itong nakakita ng multo. Nang magbukas ng isa pang paksa ang Uncle Dean niya ay muli naman siyang nagbigay ng kanyang suhestyon na pinuri ulit ng lahat. Lutang siya pero nagpasalamat siya dahil natapos naman ang meeting na may na-contribute siyang may sense somehow.
Habang papalabas sila ng conference room ay hindi na rin siya tinutukso pa ni Joachim. Si Sandro naman at si Franco ang nagpatuloy sa panunukso sa kanya, at kukuha lang siya ng tamang tiyempo at titigilan din siya ng mga ito. He smiled wickedly.
Pagdating sa kanilang opisina ay naupo siya sa kanyang upuan paharap sa glass wall. Kitang-kita ang kagandahan ng buong farm sa kanyang kinaroroonan, kapag stress siya ay tumitingin lang siya sa labas at kaagad naman na nare-refresh ang kanyang isipan.
"Oh, hell! Is that really her?" napapamura niyang tanong sa kanyang sarili. Bigla na lamang lumitaw si Camila sa kanyang vision. Kinusot pa niya ang kanyang mata sa pag-aakalang imahinasyon lamang niya ang lahat pero maliwanag pa rin niyang nakikita ang dalagita. Careless in her school uniform.
She's really here.
Namamasyal ito kasama ang mga kaibigan nito. Marahil ay vacant time ng mga ito. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas sa kanilang opisina. Tinatawag pa siya ng kanyang mga pinsan pero hindi niya pinansin ang mga ito, mabilis ang mga hakbang niya papunta sa elevator. Para siyang boyfriend ni Camila na isang dekada silang hindi nagkita at sobrang na-miss niya ito. Habang nasa elevator siya ay panay ang mura niya para sa kanyang sarili pero wala pa ring epekto ang malulutong na mura na 'yon.
He wanted to see her. He wanted to roam with her around the farm. He wanted to show her his favorite spot here in this place. Gusto niyang tingnan ito habang namimitas ito ng grapes at strawberries. Gusto niyang ito ang babaeng una niyang makita na nasa paborito niyang bahagi sa farm na ito na binuo pa ng mga magulang nila.