Napilitan si Camila na sumama nang yayain siya ng mga kaibigan niya. Supposed to be ay tatambay sana siya sa library kasama ni Alana, pero hindi sumang-ayon ang iba pa nilang mga kaibigan. Walang magagawa ang pag-ayaw nila ni Alana. Nagpatianod na lamang sila nang sumakay na ang lahat sa service car ni Tasia. "Ihatid mo po kami, Manong Doro, sa farm ng mga Contreras," magalang na utos ni Tasia sa matandang driver nito. "Areglado, Senyorita," tugon naman ng matanda. Isinara na nito ang pinto ng sasakyan na pinasukan nila at nagmamadali na nitong tinungo ang driver's seat. "This is a nice idea, Atasia," excited na sabi ni Natalie noong tumatakbo na ang kanilang sinasakyan. "Yeah, balita ko ay picking season pa naman ngayon ng tanim nilang strawberries at grapes," ani Snow. Abala ito sa p