CHAPTER 2

2762 Words
Hindi siya tumitigil sa kanyang pagtatakbo hanggang sa mamataan na niya ang cottage na kinaroroonan ng kanyang mga magulang. Bumagal lang ang kanyang pagtakbo noong malapit na siya sa mga ito. Saka lang siya nakaramdam nang pagkahapo at pananakit ng kanyang binti dahil sa walang tigil na pagtakbo niya kanina. "Is there something wrong?" takang tanong ng Mommy niya sa kanya. Napaupo siya sa tabi nito, at hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Malinaw pa sa utak niya ang malaswang ginagawa ng dalawang nilalang na naabutan niya sa kubo, pero ang tumatatak sa kanyang isipan ay ang mukha ng lalaki na nakilala niya sa pangalang Xander... his handsome, prominent face was mixed up with pleasure and fulfillment. Gusto niyang burahin iyon sa kanyang isipan pero parang tukso naman na pilit kumakapit doon ang mukha ng guwapong lalaki. She has never seen a man as attracted to her as he is, if she could only true to herself. Ang pisikal nitong anyo ay parang perpektong nililok ng isang bihasang manlililok. From his face to his body. "Alexander Mathew Contreras," mahinang sambit ng kanyang Daddy. Napatingin siya sa gawi nito at nakita niya ang pagtiim ng bagang ng kanyang ama. Hindi niya alam kung nagagalit ba ito, at kung galit nga ito ay hindi naman niya alam kung kanino at kung bakit. Napaayos siya sa kanyang pagkakaupo nang maalala niya ang binanggit nitong pangalan. Alexander... Iyon ang pangalan ng lalaking nasa kubo. Parang binabayo naman ang kanyang dibdib dahil sa lakas nang pagtibok ng kanyang puso. Nang mapatingin siya sa basong nakapatong sa ibabaw ng mesa at puno ng tubig ay para siyang biglang nauhaw. She immediately grabbed the glass and drank it straight, hindi siya tumigil hangga't hindi niya nauubos ang laman ng baso. Sa nanginginig niyang kamay ay ibinalik niya ang baso sa ibabaw ng mesa. Lumanghap din siya nang hangin para mapuno ang kanyang dibdib dahil pakiramdam niya ay may mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang dibdib at nahihirapan siyang huminga. Napatingala siya sa ama niyang nakatunghay rin sa kanya, sa pagkakatitig nito sa kanya ay alam niyang may ibig sabihin iyon pero hindi niya lang alam kung ano. "Dad, I saw someone there." Itinuro niya ang malalaking batuhan kung saan siya nanggaling. Walang imik lang naman na nakikinig si Travis sa iba pa niyang sasabihin. Muli siyang lumanghap ng hangin bago niya ipinagpatuloy ang kanyang sasabihin, "I think we need to inform Ninong Dean about someone who invaded his private place. And that person ruined the beauty of this place, and—" "He's not just someone, Camila," agaw ng Daddy niya sa sinasabi niya. Mula sa pagkakayuko niya ay napatingin siya ulit sa kanyang ama. His eyes are emotionless. 'Yan ang isa sa katangian ng kanyang ama na nahihirapan siyang mabasa kung ano ang ipinapahiwatig nito kapag ganoong wala siyang nakikitang kahit anong emosyon. "B-But, Dad, hindi mo nakita kung ano ang nakita kong ginagawa ng lalaking 'yon doon sa may kubo." Pinipilit niyang burahin ang imahe ng Xander na 'yon sa kanyang isipan. Pati pangalan nito ay para na ring nakaukit doon. "Bago pa tayo dumating, Dean warned me that his nephew might be here. At bago ka tumakbo papunta roon ay gusto kong sabihin sa 'yo na huwag kang masyadong makialam sa mga bagay na nakikita mo, Camila, pero hindi mo na ako pinakinggan dahil excited kang pumunta roon." Napatingin din ang kanyang ama sa pinggalingan niya, pero saglit lang iyon dahil muli siya nitong hinarap. Ang kasunod nitong sinabi ay tila para na lamang sa sarili nito, "So, the bastard is here now, making fun and messing around." Hindi na niya iyon binigyan pansin dahil ang umagaw sa kanyang pansin ay ang sinabi ng ama niya na pamangkin daw ng Ninong Dean niya ang nakita niyang gumagawa ng kalaswaan. "Nephew?" hindi niya mapigilang itanong ang nasa isip niya. Sino naman kasi sa mga pamangkin ng Ninong Dean niya? Most of them are her friends, katunayan ay close niya ang mga iyon kahit na ang anak ng Ninong Joaquin niya na kilala bilang isang dakilang playboy. Joachim treats her like his own sister. Paano iyong anak ng Ninong Tyler na panganay? Hindi mo siya kilala... Napahawak siya sa poste nang maalala niya na baka iyon nga ang anak ng kanyang Ninong Tyler na panganay. Iyon pa lang kasi ang hindi niya nakilala sa pamilya Contreras. "Anak 'yon ng Ninong Tyler na panganay?" Napatayo pa siya nang ma-realize na tama ang kanyang hinala. Tumango lang ang kanyang Daddy. "Stay away from him, Camila." Natawa naman siya sa sinabi ng kanyang ama. Stay away? Ni hindi nga sila nito magkakilala at kanina pa lang niya ito nakikita, tapos sasabihin ng ama niya na dumistansya siya kay Xander? "Hindi nakakatawa ang sinasabi ko sa 'yo, Camila." Seryoso pa rin ang hilatsa ng mukha ng kanyang ama. "You think, Dad? Paano mong nasabi ang ganyan, ni hindi ko nga alam na siya ang panganay na anak ni Ninong Tyler, kung 'di n'yo sinabi sa 'kin ngayon?" Naghahamon na tiningnan niya ang kanyang ama. Ang weird naman kasi ng Daddy niya sa mga sinasabi nito. "Basta, I am just reminding you, Camila. I know what's best for you," maawtoridad ang boses ng kanyang ama. Napalis naman ang mga ngiti niya sa kanyang labi kanina. "C'mon, Dad. I don't like him either," humina ang kanyang boses habang sinasabi niya 'yon. Sa isip niya ay inihahambing niya si Tanner sa kapatid nitong si Alexander, at si Tanner ay parang pamilya na niya. Habang itong si Alexander ay... Tinigilan niya ang pag-iisip tungkol kay Xander. Hindi niya dapat binibigyan halaga ang isang katulad nito. Isa itong lalaking bastos at walang delikadesa sa katawan. Sino ba namang lalaki ang matino na balewala lamang na naabutan niya ito at ang babae nito sa isang alanganin na sitwasyon kanina? "Uncle Travis. Auntie Cameron!" Muntik pang mahulog sa kinauupuan niya si Camila nang marining niya ang buo at baritonong boses na iyon mula sa kanyang likuran. Kahit na hindi siya lumingon ay alam niyang ito iyong bastos na lalaki sa kubo. Bago pa siya makagalaw sa kinauupuan niya ay nakita na niya ang paglapit ng lalaki sa kanyang ina na medyo malayo sa kanila ng Daddy niya at abala sa pagliligpit ng mga pagkaing nasa lamesa nila. She saw the surprise on his mother's face when she turned to the man. "Xander! Kailan ka lang dumating? Alex, did not mention that you're already home," masiglang pahayag ng kanyang ina. Humakbang palapit si Alexander sa kanyang ina at humalik ito sa pisngi ng Mommy niya. Para itong Anghel sa pakikitungo nito sa kanyang ina, samantalang kagagawa lang nito ng isang malaswang kasalanan ilang minuto pa lamang ang nakalipas. At hindi niya inaasahan na close pala ito sa Mommy niya, dahil hindi naman niya nakita o nalaman na bumisita ito sa kanila ni minsan. "Kahapon lang, Auntie." Nakangiti nitong sinipat ang kanyang ina na para bang isang anak ito ng Nanay niya at sobrang nangungulila sa tagal na hindi sila nagkita. "You are always stunningly beautiful!" Ang ina niya ang pinupuri nito pero nasa kanya ang mga mata nito. Napaismid siya at gustong sabihin sa ina niya na hindi siya dapat nagpahalik kay Alexander dahil katatapos lang nitong mag... Oh, s**t! Tigilan mo na ang kakaiisip sa bagay na 'yan, Camila, please! Muntik na niyang masabunutan ang kanyang sarili dahil sa inis kung hindi niya pinigilan na gawin iyon. Magmumukha siyang timang sa harapan ng lalaking ito kapag ginawa niya 'yon. "Kanina ka pa ba rito? Hindi kasi namin nakita ang pagdating mo," dagdag pa ng kaniyang ina. Halatang masaya itong makita ngayon ang lalaking bastos na ito. "Not too long. Nag-testing kasi si Franco ng bagong bili niyang yate at bumaba na lang ako rito. Pero banda na roon ako bumaba." Itinuro nito ang lugar na para kay Camila ay pangit na bahagi ng resort na ito ng Ninong Dean niya. Bahagya pa siya nitong tinitigan, ngumiti ito na nang isang ngiti na alam niyang may ipinapahiwatig sa kanya. Hindi niya gustong maramdaman pero apektado siya sa ngiti nitong iyon. Napalunok siya at iniwas ang paningin niyang nakatutok na pala sa braso nitong may mauumbok na muscles. Lihim niyang minura ang sarili at parang wala sa sarili na pinulot ang baso na ginamit niya kanina. Iniiwasan niyang magmukhang tanga sa harapan ng Xander na ito pero 'yon nga ang nangyari nang ma-realize niya na walang lamang tubig pala ang basong tinutungga niya. "Warm up pa lang iyong nakita mo kanina, kaya kalimutan mo na 'yon," his voice was too low, and it's obvious that what he said was intended only for her. "Relax." Mabilis na nakalapit sa tabi niya si Alexander. Kinuha nito ang baso sa kamay niya at sinalinan iyon ng tubig mula sa pitcher. Hindi niya gustong tanggapin iyon pero ayaw niyang mag-isip nang kung ano ang kanyang Mommy dahil alam niyang nakatingin ito sa kanila ni Xander ngayon. Tinanggap niya iyon na hindi na nagpasalamat, pagkatapos ay straight na ininom ang buong laman ng baso. "You're trembling. Did I scare you? Natakot ka ba sa nakita mo?" tila bulong ulit na sabi nito. Nanayo naman ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa paraan nang pagkakasalita nito, especially as she remembered his facial expression while his girlfriend was giving him pleasure. Hindi siya tumugon sa tanong na iyon ng lalaki, sa halip ay tumayo siya para iwasan ang pagkakalapit nilang dalawa. "Alexander." Narinig niya ang mahina ngunit awtorisadong boses ng kanyang ama. Hindi niya alam kung bakit parang malamig ang pakikitungo ng kanyang ama kay Alexander, gayong hindi naman ito ganoon kay Tanner na kapatid ni Xander. Pati na rin sa mga pinsang lalaki nitong si Alexander. In fact, palagi pa nga nitong niyayaya si Tanner na mag-firing range kapag may bakante itong oras at napagawi si Tanner sa Maynila. "Uncle Travis, it's been a while! Kailan na nga ba tayong huling nagkita? One and a half year, I guess." Nakangiti itong lumapit sa ama niya at inilahad ang isang kamay nito. Hindi tinanggap ng Daddy niya ang kamay ni Alexander at hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa dalawa habang mainit naman ang pagtanggap ng Mommy niya rito. Pero imbes na mapahiya itong si Alexander sa inasal ng Daddy niya ay bahaw lang itong tumawa saka ikinibit ang malalapad nitong mga balikat. Binawi rin nito kaagad ang kamay nitong nakalahad at ipinasok iyon sa bulsa ng suot nitong shorts. Hindi niya maiwasan na tingnan ang katawan nitong nakalabas dahil sa inililipad ng hangin ang suot nitong pulo na hindi naman nakabutones. Namumutok ang abs nito at iniisip niya kung gaano iyon katigas kapag hinipo. Ang dibdib nito ay malapad at halatang alaga sa workout o sagad lang talaga ito sa trabaho, kung ano ang pinagkakaabalahan nito sa buhay nito ay hindi niya alam. Kung ihahambing ang katawan nito sa tinaguriang sexiest man alive na si Chris Evans ay parang gusto niyang ilipat doon ang litrato nitong si Alexander. Everything in him shows nothing, but perfection-- kung pisikal na anyo lang ang pag-uusapan. Napaatras siya nang makita niyang nakatingin rin pala ito sa kanya, huling-huli nito kung paano niya pag-aralan ang katawan nito. God, Camila! "Cam, can you help me here?" tawag ng ina niya sa kanya. Nagpasalamat naman siya dahil na-distract ng pagtawag ng ina niya ang pagtitig sa kanya ni Alexander. Mabilis siyang lumapit sa ina niya, iyon na ang kanyang ticket para tuluyang makaiwas sa mga titig ni Alexander sa kanya. "Ipapasok na lang natin itong ibang gamit sa loob, Cam, tulungan mo na lang ako. Nagpaalam kasi ang Nana Dory mo na magpahinga na muna, nahilo siguro 'yon sa biyahe." Nakangiti ang kanyang ina habang ipinapasok sa loob ng basket ang pinagkainan nila. "Hey, Xander, alam kong nagugutom ka na, halika at kumain ka muna!" Binalingan nito si Xander na sa mga oras na 'yon ay seryosong kinakausap ng kanyang ama. "Busog pa ako, Auntie!" malakas ang boses na sagot nito. "Just don't worry about me." Bakit iba na naman ang naalala niya sa sinabi nitong busog pa ito? Pinagalitan ulit niya ang kanyang sarili dahil doon. Hindi naman kasi siya naging malisyoso kung hindi niya nakita ang hindi dapat makita kanina na ginawa ng lalaking ito, eh! "Ako na, Mommy!" Saka lang din siya natauhan nang makita niyang nagkandahirap ang ina niyang bitbitin ang dalawang basket para ipasok iyon sa loob ng rest house ng Ninong Dean niya. Sumunod na kaagad siya nang lumakad na ang kanyang ina. Iniiwasan din niya ang mapatingin sa gawi ni Xander nang dumaan siya sa tabi nito. Ilang hakbang na ang nailakad niya nang maramdaman niyang may humawak sa braso niyang may bitbit na basket. Parang live wire ang palad nito na nakalapat sa balat niya. Binawi niya ang kamay niya pero humigpit ang kapit nito roon. "Sa nakikita ko ay medyo mabigat 'yang dala mo, let me do it for you." Wala siyang nagawa nang kunin nito ang basket sa kamay niya. Hindi pa siya nito tuluyang binitawan kung hindi lang tumikhim ang ama niya. "Ipapasok ko lang ito saglit, Uncle," paalam nito sa ama niya. Nauna na itong pumasok at hindi na tumingin pa sa kanya. Habang pumapasok siya ay ramdam pa rin niya ang mainit na palad nito sa braso niyang hinawakan nito kanina. Ang init ng palad nito ay nanalaytay sa buong ugat niya papunta sa puso niya. She bit her index finger while slowly walking inside the house. Nasa pinto na siya nang harangin siya ni Alexander. Hindi niya alam kung paano nito kaagad naipasok sa kusina ang basket nang ganoon kabilis. Ang naisip niya ay huwag na itong pansinin at diretso na siyang papasok sa loob, but how can she ignore him as simply as that if he's blocking her way intentionally? Nakasandal ito sa hamba ng pinto, ang isang kamay nito ay nakapaloob sa bulsa nito, at ang isa naman ay nakatukod sa kabilang side ng pinto. Huminga muna siya nang malalim. "Dadaan ako." "Not until you tell me if you got scared earlier," tugon naman nito. At sa tono nito ay siguradong hindi mababali ng kahit sino ang gusto nito. Napatuwid siya nang tayo at hinarap ito. "At sa tingin mo hindi nakakatakot 'yon? At hindi lang nakakatakot, nakakadiri ang kabalbalang ginawa mong 'yon, piggy boy!" nasusuya niyang sabi. It really disgusts her every time she remembers it. "Piggy boy? Where on earth did that name come from?" Malakas itong natawa. Iyong tawa na sa tingin niya ay nanunukso. "Kailangan mo pang itanong 'yan? Ang ginawa mo kanina ay marumi pa sa ginagawa ng isang baboy!" "Kung guwapong baboy ay okay lang magpakababoy, ang hindi okay ay 'yong hindi na bagay ay hindi pa guwapo." Mas lumakas pa ang pagtawa nito. "Are you telling me na guwapo ka? Hindi ko nga alam kung bakit ikaw lang ang hindi ganoon kaguwapo sa pamilya mo, eh!" Alam niyang nagsisinungaling siya sa bagay na 'yon, pero kailangan niyang panindigan ang pride at salita niya sa harapan ng lalaking ito. "How about Tanner? Kapatid ko siya, so ang ibig bang sabihin n'on ay hindi rin siya guwapo?" Biglang nawala ang tawa nito habang naghihintay nang isasagot niya rito. She smiled sweetly, para siyang natuwa nang makita niya ang pagkulubot ng noo nito. "Si Tanner? Hindi ko nga alam kung bakit sobrang guwapo n'on samantalang magkapatid naman kayo. Ninang Alex and Ninong Tyler are all good-looking people, hindi ko alam kung saan ka nagmana." "Nice try, babe. Sige, sabihin mo pang mas guwapo si Tanner sa 'kin at malalaman mo kung paano katamis humalik ang isang sinasabi mong baboy." Inilapit nito ang mukha nito sa kanya. Bigla namang bumangon ang kaba sa dibdib niya dahil sa sinabi at sa ginawa nito. Bigla na naman niyang naisip ang nakita niya kanina. "Next time you call me Piggy boy, you will find out what are you looking for. So, better watch your word... call me Alexander or Xander next time. Kaya kita gustong kausapin kasi naisip kong dalhin ka sa kaibigan ko para alisin ang masamang impact nang nakita mo kanina. You're too young at alam kong hindi mo dapat na nakita ang ganoon ka-intimate na bagay. Babalik ako." Lumakad na ito matapos sabihin iyon. Iniwan siya nitong nakatulala. Hindi niya alam kung ano ang una niyang pagtuunan ng pansin sa lahat ng mga sinabi nito. From Piggy boy to-- damn! Ang tahimik niyang mundo ay tila biglang nagulo sa pagsulpot na ito ni Alexander.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD