"MARAMING nanliligaw sa iyo Summer pero bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring sinasagot?" May pagtatakang tanong ni Bratinella sa pinsan ng minsang magawi ito sa inuupahan nilang bahay ng kanyang ina.
Nanonood sila ng mga sandaling iyon ng Camp Rock na pinagbibidahan nina Demi Lovato at ng The Jonas Brother.
"May hinihintay akong tao na bumalik uli sa akin."
"Ex-boyfriend mo?" Tumango ito. "Sino naman ang suwerteng lalaki na iyon? Ka-batch ba natin?"
Napangiti ito bago marahang umiling. "Hindi. Saka ko na lang sasabihin kapag bumalik na siya sa akin. Nagkaroon kasi kami ng misunderstanding na naging dahilan ng paghihiwalay namin noon. Sayang nga, eh. Sobrang guwapo pa naman niya at mayaman. Matalino pa."
"Bakit kayo naghiwalay?" Hindi niya maiwasang usisain.
"Personal reason, Bratinella."
Napatango-tango na lang siya.
"Alam mo, Bratinella, ilang taon na rin ng huli kitang makita pero hanggang ngayon ay ganyan ka pa rin, simple. Walang pagbabago. Subukan mo kayang mag-ayos kapag pumapasok sa school."
"Mas komportable ako sa ganito. Okay na ito." Pinagmasdan niya ang pinsan na kahit nasa bahay lang ay todo ayos.
Sino nga kaya ang dating boyfriend na tinutukoy ng pinsan niya?
"Ate Summer, tawag ka ni mommy," anang kapatid nitong si Honey.
"Susunod na lang ako, Honey. Tatapusin ko lang itong Camp Rock."
"Okay, panood na rin ako. Na-miss ko si Joe my love so sweet," ani Honey na naupo sa tabi ni Bratinella.
"Asawa ko 'yan, Honey, kaya 'wag mo akong agawan," aniya sa pinsan na ikinatawa nilang tatlo.
TULAD ng palaging routine ni Bratinella ay nasa grandstand na naman siya ng mga oras na iyon, araw ng Miyerkules. Nagbabakasali muli kay Jayden na maligaw rin doon. May dalawang buwan na rin silang madalas magkita sa lugar na iyon. Kung hindi nagkukuwentuhan ay tinutulungan siya nito sa assignment niya kahit na hindi naman niya kailangan ang tulong nito. Sa nakalipas na buwan ay napatunayan niya na bukod sa good looks nito ay mabuti rin itong tao. Bagay na lalo niyang hinangaan sa binata.
"Hindi na siguro siya maliligaw dito ngayon," malungkot niyang anas. Ilang sandali na lang ay kailangan na naman niyang bumalik sa kanilang classroom.
Kung dati ay palagi siyang may lagay na sumbrelo sa ulo, ngayon naman ay hindi na niya nilalagay. Bagaman at nakapuyod pa rin ang kanyang mahabang buhok.
Mayamaya pa nga ay tumayo na siya para sana umalis na lang. Ngunit pagharap niya sa kanyang likuran ay muntikan pa siyang mapabunggo sa isang bulto. Napasinghap siya sa pagkagulat. Bigla naman iyong tumawa. Saka lang niya napagtanto na si Jayden iyon ng tingalain niya ito. Akala niya ay hindi na niya ito makikita. Bigla ang pagtahip ng dibdib niya. Hayon na naman ang pamilyar na t***k ng puso niya.
"Hi," nakangiti pa nitong bati sa kanya.
Palihim pa siyang napalunok ng makita ang makapanlambot tuhod nitong ngiti. "H-Hi. K-Kailangan ko ng umalis." Gusto niyang mapapikit dahil sa sinabi. Matapos niya itong hintayin ay iyon pa ang nasabi niya rito. Gusto niyang bawiin ngunit hinayaan na lang niya. Ayaw niyang mahalata nito na naghihintay siya roon.
"Sandali lang," pigil nito sa kanya. Noon lang niya napansin na mayroon itong hawak na tatlong pirasong stem ng pulang rosas ng magbaba siya ng tingin. "For you, Bratzy," anito sabay umang sa kanya ng rosas.
Tuloy ay napatingala uli siya rito. Bratzy, iyon ang madalas nitong itawag sa kanya. "H-Ha?" Mabilis na inilibot niya ang tingin sa paligid, walang ibang tao roon kundi sila lang. May pagtatakang tiningnan niya si Jayden. "Bakit? Ibig kong sabihin ay bakit binibigyan mo ako niyan? Hindi pa naman Valentine’s Day," biro pa niya dahil dinadalahit na siya ng kaba sa kanyang dibdib. Ang puso niya ay halos gusto ng tumalon palabas sa kanyang dibdib dahil sa bilis ng t***k niyon. Ganoon din kaya ang epekto ni Jayden sa lahat ng babae sa school nila? O kahit sa Meridette College?
Parang ito ay kinakabahan din ng muling magsalita. "Hindi naman siguro masamang pomorma sa iyo?"
Kung hindi niya naibalanse agad ang katawan ay baka napalugmok na siya sa sahig dahil sa sinabi nito. "P-Popormahan mo ako?"
"Okay lang ba?"
Bigla siyang nakaramdam ng pag-aalangan. Fourt year college na ito at a head ng ilang taon sa kanya. At isa pa ay kabilin-bilinan ng kanyang ina na mag-aral muna siya at huwag makipag-boyfriend.
"K-Kasi," humugot muna siya ng malalim na hininga. "Bakit ako? Bakit hindi na lang si Summer? Mas bagay pati kayo."
"Puwede ba, Bratzy, 'wag mo ng isingit ang pinsan mo? Dahil ikaw ang gusto kong ligawan at hindi siya."
Nag-init lalo ang pisngi niya sa sinabi nito. Liligawan siya nito? For real? Hindi siya makapaniwala. Bahagya pa niyang tinampal-tampal ang pisngi, baka kasi nag-iilusyon lang siya. Natawa naman si Jayden.
"Hindi mo ba tatanggapin itong roses?"
"H-Ha?" Napasulyap siya sa kamay nitong kanina pa naka-umang sa harapan niya. "Ay, sorry," kimi niyang tinanggap ang pulang rosas. Base sa hitsura niyon ay hindi iyon 'yung basta-basta nabibili sa bangketa. "S-Salamat."
"Okay lang ba na manligaw ako sa iyo?" Muli ay tanong nito.
Sa pagkakataong iyon ay muli siyang napaupo sa bleacher. Nanlalambot na kasi ang tuhod niya sa realidad na iyon. "Sigurado ka ba sa bagay na 'yan, Jayden? Hindi pa naman tayo masyadong magkakilala. Halos dalawang buwan pa nga lang tayong nagkakausap at nagkikita. Tapos gusto mo na agad akong ligawan?" Hindi pa rin siya makapaniwala. Napabuntong-hininga siya.
"Maglalakas ba ako ng loob kung hindi ako sigurado? I'm serious, Bratzy."
May punto ito ngunit parang hindi sila bagay na dalawa. Lalo na at magkaiba ang estado nila sa buhay. "At isa pa, magkaibang-magkaiba ang estado natin sa buhay," aniya na napatingin sa malayo.
"Alam kong matalino ka, Bratzy. Kaya ka nga nasa Pilot Section. Dapat alam mo rin na pagdating sa pag-ibig walang estado sa buhay na puwedeng humadlang. At kung ako ang tatanungin tugkol sa bagay na 'yan, wala akong pakialam sa estado ng buhay natin. Hindi naman doon binabase ang pagmamahal ng isang tao." Naupo ito sa tabi niya pagkuwan ay ginagap ang kamay niya at masuyong hinawakan ang baba niya para ipinaling ang mukha niya paharap dito. "Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Hindi sa ganoon, Jayden. Pero kasi..." Muli siyang napabuntong hininga. "Hindi ako sanay pagdating sa pakikipagrelasyon. Hindi pa ako pumapasok sa ganyang bagay. At ayaw ng magulang ko na makikipagrelasyon ako." Ngayon gulong-gulo naman ang isip niya dahil gusto siyang ligawan ng binata. Sa ilusyon lang niya iyon nangyari.
"Talaga? First time mo pala kung sakali," masaya nitong saad. "Hindi naman kita sasaktan lalo na at first time mo na makipag-relasyon. Kaya ko rin namang maghintay kung hindi ka pa handa."
Sa abot ng kanyang makakaya ay pilit niyang itinago rito ang kilig na bumabalot ngayon sa buo niyang katawan. Nahihiya pang binawi niya ang kamay na gagap nito. "Bakit mo ba ako naisipang ligawan? Kung tutuusin ay maraming mas nakahihigit sa akin dito sa lugar natin."
"Naniniwala ka ba sa love at first sight?"
Marahan siyang tumango. Iyon din ang nangyari sa kanya noong una niya itong makita. Hindi rin niya maikakaila ang ningning sa mata nito ng mga sandaling iyon. "'W-Wag mong sabihin na na-love at first sight ka sa akin?"
Tumango ito. "Oo. Ganoon ang nangyari sa akin noong makita kita rito na mag-isa. Iyon talaga ang dahilan kaya kita nilapitan. Nag-alangan pa nga ako noong una dahil akala ko ay tomboy ka. Paano kasi may suot ka pang cap sa ulo mo. Hindi ko alam pero ang lakas ng hatak mo sa akin. To the point na ayokong palampasin 'yung pagkakataon na hindi ka makilala."
"Akala ko ba manghihiram ka lang ng libro kaya mo ako nilapitan?"
Nakagat pa nito ng bahagya ang ibabang labi nito habang nangingiting naiiling. Lalo itong gumwapo sa gesture nitong iyon. "Sorry if I lied to you. It was just my way para makausap ka at malapitan. Hindi talaga kailangan ni Dilan ng libro mo. At saka aanhin ba iyan ng isang first year high school lang?"
Maang na naningkit ang mata niya sa nalaman. "Jayden!" Nag-uumapaw na sa tuwa ang puso niya. Masyado siyang pinakikilig ng binata. Hindi niya lubos akalain na may gagawa ng ganoong bagay sa kanya. Kakaiba rin talaga ang way nito sa pagpapapansin.
Tumawa ito. "Hindi ko naman pinagsisihan 'yon. At sa pagkakatanda ko, hindi mo pa man ako nakikita ay tinarayan mo na agad ako."
"Akala ko kasi suitor na naman ni Summer. Kaya nga ako napadpad dito dahil may mga buwisit na sunod ng sunod sa akin sa campus."
Pinagmasdan niya si Jayden. Dapat ba siyang magtiwala sa mga sinasabi nito? Oo nga at makikita ang kaseryosohan dito ngunit hindi pa rin niya maiwasang mag-alanganin.
Nagbawi na siya ng tingin ng hindi niya kayanin ang pagganti nito ng titig sa kanya.
"May iba ka na bang nagugustuhan?"
Marahan siyang umiling. "Kahit kailan, wala." Naitikom niya ang labi. Para kasing tunog defensive siya sa bagay na iyon.
He sigh then grab her hand once more. This time he hold it tight. "Wala namang masama kung hahayaan mo akong ligawan ka. Magkakaroon pa tayo ng chance na mas makilala natin ang isa't isa. Hindi rin kita lolokohin lang kung iyan ang iniisip mo. Seryoso ako dito, Bratzy. At hindi rin naman ako nagmamadali na sagutin mo. Hayaan mo lang ako na patunayan ko ang sarili ko sa iyo. Na hindi ako kagaya ng iba na nanti-trip lang."
Isang sulyap pa sa guwapo nitong mukha na hindi naman kalayuan sa kanya. "Sa hilatsa ng pagmumukha mo, mukhang ang dami ng umiyak diyan."
Napangiti na naman ito. "I'm not a cheater."
Napalabi siya. "Sus, ewan ko lang." Nang mapasulyap siya sa relo niya ay bigla niyang nahigit ang kamay niyang hawak ni Jayden. "Malapit na pala ang next subject ko. Kailangan ko ng umalis."
"Hindi ko pa nga nalalaman ang sagot mo kung papayag ka bang manligaw ako sa iyo."
Tumayo na siya habang sukbit ang bag at kipit ang ilang libro. Maingat din niyang hawak ang bigay nitong bulaklak. "Hindi ako nagpapaligaw sa school, Jayden. Baka kasi magalit ang nanay ko."
Tumayo na rin ito. "Pupuntahan kita sa bahay ninyo mamaya pagkatapos ng group project namin. Around seven this evening."
"Seryoso ka talaga, Jayden?" Haharapin nito ang nanay niya para lang pormal siyang ligawan? Uso pa pala ang ganitong lalaki sa panahon ngayon.
"Mukha ba akong nagbibiro? Pakisabi na lang sa nanay mo para hindi siya magulat kapag nakakita ng guwapong manliligaw mo. At 'wag ka ring mag-alala dahil hindi ako magiging bad influence sa iyo lalo na at high school ka pa lang."
Lalo tuloy lumalim ang pagtingin niya sa binata. Masaya siya na may katugon pala ang lihim niyang paghanga rito. Sobra-sobra pa.