Chapter 02

1399 Words
SINULYAPANG MULI ni Bratinella ang pintuan ng kanilang classroom. "Haaay! Nariyan na si Mrs. Carbonilla, pero bakit wala pa rin siya?" inip na niyang bulalas. Nagbabayaran na sila ng mga oras na iyon para sa gagawin nilang activity. Nang makabayad siya sa classmate niya ay umub-ub siya sa kanyang arm chair. "Ang tagal naman niya." Nag-aalala siya dahil ayaw niyang mawalan ng librong magagamit. Napakahirap pa naman kapag walang libro na sarili sa mismong oras ng Science nila. "Class, dala niyo ba ang Physics na libro? May gagawin tayong activity ngayon doon," anunsiyo pa ni Mrs. Carbonilla. "Patay, sinasabi ko na nga ba." "Uy, Bratinella, daig mo pa ang hindi mapatae sa kinauupuan mo, ah," puna pa sa kanya ni Lornalyn ng mapansin ang pagkabalisa niya. "Paano kasi 'yung Physics ko—" "Ma'am, excuse raw po muna kay Bratinella Andama." Agad ang pag-angat ng mukha niya ng marinig niya ang kanyang pangalan. "Ma'am, ako po 'yon," aniya na tumayo habang nakataas ng bahagya ang kanang kamay. "Gosh! Si Jayden Villaseñor nasa labas. Ang hearttrob at Mr. Genius ng Meridette College!" impit na bulalas ng classmate niya. Ano raw? Genius na, heartthrob pa? Kakaiba tuloy ang ngiting ibinigay ng kanilang guro sa kanya. "Ma'am, nanghiram lang po siya ng libro," mabilis niyang depensa. Nag-init pa lalo ang kanyang pisngi ng magbaling siya ng tingin sa may pintuan ng kanilang classroom. Nakatayo nga roon si Jayden na all eyes sa kanya ng mga sandaling iyon. "Whatever, Miss Andama. Sige na at kunin mo na ang kukunin mo kay Mister Villaseñor ng makapagsimula na tayo ng klase." Kilalang-kilala pala si Jayden maging sa kanilang school, ngunit hindi siya aware sa bagay na iyon. Nagmamadaling lumabas siya at nilapitan ito. "Akala ko nakalimutan mo ng isauli," walang kangiti-ngiti niyang sabi ng makuha ang libro mula rito. "Puwede ba naman 'yon? Anyway, salamat sa pagpapahiram at sorry kung medyo natagalan ang pagkakasauli. May kalayuan kasi ang department namin dito sa school niyo." Napasulyap pa ito sa loob ng room bago muling itinuon ang tingin sa kanya. "Nag-uumpisa na pala ang klase ninyo." Nang marinig ang maganda nitong boses ay dagling naglaho ang inis niya rito. "Ganoon ba? Magsisimula pa lang naman kami. Ah, hanga pala 'yung cellphone mo." Pagkadukot sa kanyang bulsa ng cellphone nito ay mabilis niya iyong ibinalik dito. "Hindi ko 'yan pinakialaman." Napangiti ito. "Okay lang naman kahit pakalman mo. Sige at kailangan ko na ring bumalik sa school namin. Thank you uli. Mag-aral ka ring mabuti. Bye." "Sandali lang," agap niya sa akmang pag-alis nito. Huminga muna siya bago muling nagsalita. "S-Salamat sa binili mong pagkain kanina," nahihiya pa niyang sabi. "You're welcome. See you around," ngumiti uli ito bago tuluyang umalis. Nakagat niya ang ibabang labi. Ibig ba niyong sabihin ay may posibilidad na magkikita silang muli? Napangiti siya sa kaalamang iyon. "PANGALAWANG linggo na ito ng Miyerkules pero hindi ko pa rin siya nakikita," mahina niyang wika habang nakaupo sa bleacher sa may grandstand. Araw iyon ng Miyerkules. Iyon din ang araw noong una niyang makita si Jayden Villaseñor. Napag-alaman niya na halos lahat sa mga kaklase niya ay may gusto sa binata. Dahil bagong salta lang siya sa school na iyon kaya wala siyang alam sa bagay na iyon. Mayaman din daw ang pamilyang pinagmulan ni Jayden. Nahiya tuloy siya sa inasal niya rito noong una. Masyado yata siyang rude. Nangalumbaba siya habang tulalang nakatanaw sa asul na asul na kalangitan. Kailan kaya niya uli makikita ang binata? Naaalala pa kaya siya nito? O kahit sumagi man lang sa isip nito? Naipilig niya ang ulo. Sino lang ba siya para maalala ng isang kagaya nito? "Mamalasin ka niyan." Medyo napangiti si Bratinella ng marinig ang boses na iyon. Hanggang doon ay kung ano-ano pa rin ang naririnig niya. Kung gaano na niya ito katagal na hindi nakikita ay ganoon din katagal na ginugulo nito ang isipan niya. Kasabay ng pagyugyog ng kung sino sa balikat niya ay siya ring pag-iktad niya dahil sa pagkagulat. "Ano ba—Jayden?" Nakailang kurap pa siya para masigurong hindi siya namamalik-mata lang. Totoong nakikita niya ang guwapong mukha ni Jayden na siyang kanina pa laman ng isip niya. Napalunok siya. "Ano ba ang nangyayari sa iyo? Kanina ka pa tulala." Pinamulahan siya ng pisngi. "P-Pansin mo?" Hayon na naman ang pamilyar na pintig sa kanyang puso ng muling makita ang binata. "Oo. Kanina pa kita tinitingnan." Umupo ito sa katabi niyang bleacher. "Madalas ka ba rito sa grandstand?" Pangatlong beses pa lang niyang pagtambay roon dahil nagbabakasakali siyang makikita niya ito. Bagay na hindi niya naipagkamali. Sa isip ay napangiti siya ng husto. Pangatlong pagkikita pa lang nila iyon ng binata ngunit kakaibang saya na ang hatid sa kanya. Tinamaan na yata siya ng magaling. "Hindi naman masyado," kaila niya. "Ikaw? Bakit ka nandito?" "Napadaan lang ako. Tapos nakita kita rito." Nang muli niyang tingnan si Jayden ay nagkatitigan pa sila nito bagay na hindi niya natagalan kaya siya rin ang unang nagbawi ng tingin. Bigla siyang dinapuan ng hiya. "Tomboy ka ba?" "Ha?" Mukha ba siyang tomboy? "H-Hindi, ah." Halikan kita riyan, eh, aniya sa isip. Pati paghinga niya ay nagkakanda buhol na dahil sa kapilyahang naisip. "Palagi ka kasing may lagay na sumbrelo sa ulo mo." "Hindi ibig sabihin ay tomboy na agad." Nakasimangot na tinanggal niya ang sumbrelo sa kanyang ulo. Napangiti ito. "'Yan mas bagay sa iyo." Tiningnan niya ito ng masama upang pagtakpan ang kakaibang nararamdaman. "'Wag mo nga akong utuin diyan." "Talaga yatang may pagkamasungit kang taglay 'no? Mahirap ka sigurong ligawan." Speaking of ligaw, marami na ang nagtangka na ligawan siya. Ngunit walang sinuwerte na mapasagot siya. Kaya naman lahat ay bagsak ang balikat kapag binabasted niya. Pero sa sinabi nitong iyon ay tuluyan ng nag-init ang pisngi niya. Wala naman siguro itong balak na ligawan siya. Nag-iilusyon lang siya kung iisipin nga niyang ganoon. Bahagya tuloy siyang napatawa. "Ang daming mong alam." "Ano namang nakakatawa doon?" Umiling siya. "Wala." Napakalaking imposible kung makakaisip itong manligaw sa kanya. He's too good to be true. At sa hitsura nito, mas bagay na nobya nito ay kagaya rin nito. 'Yung tipong mayamanin din. Napalis tuloy ang ngiti niya sa labi. Siguro nga ay hanggang ilusyon na lang din siya rito katulad ng marami sa school nila. Nang may maalala ay tiningnan niya ito ng may panghuhusga. "Bakit ganyan ka namang makatingin ngayon?" "Paano kasi sabi ng classmate kong si Lornalyn ay wala ka naman daw kapatid. Nag-iisang anak ka lang daw ng mga magulang mo. Pero bakit sinabi mo na 'yung kapatid mong first year ang gumamit ng Physics ko?" Pati yata mga mata nito ay napangiti. "So, pinagtatanong mo na pala ako ngayon," he tease. "Bakit? Hindi mo pa ba ako kilala?" Umiling siya na hindi ito magawang tingnan. "Kalilipat ko lang dito sa high school kaya wala akong kilala rito." Napatango-tango ito. "Kaya pala. Tama naman 'yung classmate mo na solong anak lang ako. Pero si Dilan, tunay na kapatid ang turing ko sa kanya. First year student siya rito at kaya ako 'yung nanghiram sa iyo ng libro dahil nahihiya siyang manghiram sa mga senior student dito sa school ninyo. The truth is, he is my cousin on my mother side. Namatay 'yung mommy ni Dilan pagkapanganak sa kanya. Hindi naman siya pinanagutan ng kanyang ama kaya inako nina mommy at daddy ang pagpapalaki sa kanya. Aware naman si Dilan sa bagay na iyon." "Ganoon pala," nasabi na lang niya ng marinig ang kuwento nito. Mabait na Kuya siguro ito kay Dilan. Napatingin siya sa oras sa suot niyang relo na yari sa plastic. Malapit ng magsimula ang next subject niya para sa hapong iyon. "Kailangan ko ng bumalik sa room namin, Jayden. Malapit ng mag-time, eh." Paalam niya rito na isinukbit na ang bag. "Kadarating ko lang, aalis ka na agad?" "Baka kasi dumating na sa room 'yung subject teacher ko. Kapag nauna siya sa room at wala pa ang students niya ay automatic na cutting 'yon sa klase niya." Kung siya lang ang tatanungin ay ayaw pa rin niyang umalis. Gusto pa niyang makasama at makakuwentuhan ang binata. "Ganoon talaga si Mrs. Carbonilla," sang ayon nito na inalalayan pa siya sa pagtayo. "Alis na ako." Nakangiti pang nag-wave siya rito bago ito iniwanan doon na habol siya ng tingin. Hiling lang niya na sana ay may kasunod pa ang pagkikita nilang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD