Chapter 5

1065 Words
Sa loob ng maliit na silid ay mayroon mga damit at kung ano pang mga kagamitan na pwedeng gamitin sa pagsasayaw. Medyo confident naman akong sumayaw dahil alam ko naman sa sarili ko na kaya kong sumayaw. Hindi man masyadong kagalingan gaya ng mga propesyonal na mananayaw. Pero alam kong kaya kong gumiling at kumimbot. Magaling ako sa pang-aakit ng mga lalaki kaya hindi ako kinakabahan. Ang kaso nga lang ay para na akong maghuhubad sa mga costume na meron sila. Naglakad ako at pinadaan ang aking mga daliri sa nakasabit na mga damit at nagbabakasakali na may makita akong mas maayos. Ang daming mga damit. Walang simpleng damit. May mga props din silang pumupukaw sa interes ng mga kalalakihan. "Ito na lahat? Wala na bang iba?" tanong ko sa babaeng nagngangalang Ivy. Ngumiti ito sa akin bago nagsalita. "Sa una lang 'yan, pero kapag nagtagal ka na rito hindi ka na malalaswaan." Hinawakan kong muli ang mga damit na naka-hanger at kinulang talaga ang mga ito sa tela. May mga panty rin na terno sa mga bra ngunit nakakailang suotin. Kakagatin ito ng hiwa ng aking puwet dahil hindi naman sakop ng tela ang pisngi ng aking pang-upo. Tanging harapan lang ang natatabunan at lantad na lantad ang matambok kong puwit. Shit! Mabuti na lang at hindi ko nakalimutang mag-shave kanina sa bahay. Baka lumagpas ito kung sakali. "Sige pumili ka ng gusto mong suotin." Mando sa akin Ivy. "Wala bang mas daring pa nito?" sarkastiko kong tanong pero tinawanan niya lang ako. Halatang hindi siya apektado at walang pakialam sa reaksyon ko. Mukhang sanay na sanay na siya. Pero masasanay rin ako gaya niya. "Ayaw mo ba ng mga damit na 'yan? Iyan lang ang available sa amin rito," aniya at siya na mismo ang namili ng para sa akin. "Ito, baka gusto mo?" Pinakita niya sa akin ang pulang bra at panty na terno. Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiwi habang nakangiti. Hindi ako sanay magsuot ng T-back. "Ayaw mo ba?" muli nitong tanong sa akin at maghahanap pa sana ng iba. Pero pinigilan ko na ito at baka may gagawin pa siya bukod sa pag-aasikaso sa akin. Nakakahiya naman kong ako lang ang uubos sa oras niya. "Nako, gusto ko po! Mukha po akong pera kaya naman kaya ko pong suotin ang lahat ng nandito," tugon ko kay Ivy kaya natawa na lang ito sa aking sinabi. Hinawakan ko ang damit na sa tingin nito ay babagay sa akin ang kulay. "Teka lang at isusukat ko na muna," paalam ko kay Ivy. Matapos kong sukatin ang susuotin ko sa stage ay kaagad kong pinakita ni Ivy. "Bagay sa 'yo!" Puri niya sa akin. Hindi ko alam kong binibiro niya ba ako o nagsasabi siya ng totoo. Pero mukha namang sincere. "Oo nga, eh! Nagdamit pa ako! Hubarin ko na lang kaya?" sarkastiko kong ani sa aking sarili at hindi na pinarinig sa babaeng kasama. "Maghanap ka pa ng isa," muli nitong utos sa akin. "Ha, bakit?" taka kong tanong. "Akala ko okay na 'to?" "Lalagyan mo pang ng cover up at saka mo hubarin kapag sa tingin mo nasa gitna ka na ng music. Mas maganda kasi kong may thrilling," suhisyon niya sa akin. "Oo nga 'no! Bakit pala hindi ko naisip iyon?" Sabagay alam na ni Ivy ang lahat dahil halatang matagal na yata siya sa club bilang taga-asikaso. Nilakasan ko ang loob ko at humugot ng isang pirasong cover up na kulay red din na gagamitin ko. Sinukat ko sa aking katawan at pinakita sa kaniya kung bagay ba sa akin. "Sa tingin niyo po, Madam bagay po ba?" mayabang kong tanong. Alam ko naman na bagay sa akin pero syempre kailangan ko pa rin itong tanungin. Tumango ito sa akin habang natatawa. Kanina pa ito tumatawa kahit wala namang nakakatawa. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa akin? Hindi naman ako nagpapatawa. Sa ganda kong 'to, mukha ba akong joker? Kaya minsan ay napapaisip na lang rin ako sa sarili ko kung marunong ba talaga akong magpatawa? Bahala na nga! Wala na akong panahon para isipin kung may talento ba ako sa pagpapatawa. Mas mahalaga kung iisipin ko muna ang kalagayan ng Nanay ko at ang pamumuhay namin ni Tiyang Lala. May pangarap akong mag-ipon at pangarap ko rin na magkaroon ng negosyo si Tiyang Lala kapag natapos na ang problema ko kay Nanay. Mag-iisip din ako ng negusyo ko para may mapagkaabalahan ako at hindi na nagpapakita ng katawan sa entablado. Kapag gumaling talaga sa sakit si Nanay ay hindi ko talaga siya papagurin sa trabaho at ang gagawin niya na lang ay mag-enjoy sa natitira niyang buhay kasama kami ni Tiyang. "Sige na, Dahlia. Ayos na 'yan at lalabas muna ako. Lapitan mo na lang ako kapag tapos ka na." "Hindi ako didiretso sa entablado?" Umiling siya sa akin. "Bibigyan ka namin ng pagsalubong. Lahat ng nga bago sa club ay may bonggang pagsalubong kaya tiba-tiba ka ngayon," nakangiti niyang sagot sa akin. "Madam, ano po ba ang ibig niyong sabihin?" wala akong maintindihan kung bakit sinabi niyang tiba-tiba ako. "Magiging star of the night ka ngayon!" "Bongga naman ng club na ito," mangha kong sagot. "Sinabi mo pa," aniya at tinalikuran na ako. Pero bigla siyang napatigil ng mayroon siyang maalala. "Siya nga pala! Marunong ka bang mag-make up?" "Yes, I do." Tumawa siya nang malakas sa aking sagot at iniwan na akong mag-isa sa silid. Kaya nagtaka ulit ako kung ano ba talaga ang nakakatawa? Mali ba ang English speaking ko? Bahala na nga sila! Matapos kong gumayak ay umupo ako sa harap ng malaking salamin. May nakalagay na ilaw sa ibabaw ng aking ulo upang maaninagan ako ng liwanag. Inayos ko ang kolerete sa aking mukha at saka lang ako tumigil ng makontento ako sa aking hitsura. "My gosh! Ang ganda ko!" Mayabang kong puri sa aking sarili. "Maghintay kayong mga mayayaman kayo dahil uubusin ko talaha ang mga pera niyo," nagbibiro kong sabi dahil alam ko namang impossible. Mamatay na lang siguro ako pero hindi ko pa mauubos ang mga pera nila. Hindi naman ito mga pipitsugin at tanga. Hindi naman sila mapupunta sa tuktok ng tagumpay kung wala itong mga utak. Sadyang malilibog lang talaga at gusto ng ibang putahi kaya napapadpad sa ganitong klaseng lugar. Ang tao ba naman ay hindi nakokontento at gusto ng mga spices sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD