Chapter 1
Habang naglalakad ako sa masikip na daan pauwi sa bahay namin.
Napalingon ako dahil sa narinig kong sitsit mula sa 'di kalayuan.
Gustuhin ko mang balewalain na lang ang aking narinig, pero hindi ko magawa dahil malakas ang kutob ko na ako nga talaga ang sinisitsitan nito.
Ayaw ko naman umasta na parang walang pakialam dahil hindi natin alam kong masamang tao na ba ito.
Maraming loko-loko sa paligid, mas mabuti ng handa palagi.
Nakakabahala rin dahil marami ng mga adik sa bawat kanto ngayon.
Mabibilang na lang sa daliri ang matitinong mga lalaki.
Halos lahat ay nawawala na ang mga ito sa sarili dahil sa paggamit ng mga pinagbabawal na mga gamot.
Kaya halos lahat ay nakakagawa ng mga kasalanan.
Paglingon ko, isang pamilyar ng bulto ng katawan ng isang lalaki ang aking nakita.
Medyo madilim sa parteng kinaroroonan nito kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya.
Dahan-dahan itong lumapit sa akin at nakompirma kung tama nga ang aking hinala.
Nakita ko si Potcholo na may matamis na ngiti sa kaniyang mga labi.
Nawala ang aking pangamba at parang nabunutan ng tinik.
Alam ko kasing hindi siya masamang tao. Kahit na tambay siya sa amin, may galang pa rin ito sa lahat ng mga babae.
Tuwang-tuwa ito nang makita ako at mukhang inaabangan ako nito kanina pa.
Ayos na ayos ang porma nito na parang tao na nagmula pa sa kapanahonan ni Dr. Jose Rizal.
Magkatulad talaga sila ng buhok, dikit na dikit ito sa ulo dahil sa nilagay na hair gel.
Kahit bagyo mahihirapang gibain ang ayos ng buhok niya.
Napakamot ito sa kaniyang batok habang naglalakad patungo sa akin. Parang nahihiya pang lumapit.
"Dahlia, ang ganda mo naman!" Sinsero niyang puri sa akin. Ngunit bigla na lang niyang inayos ang kaniyang sinabi ng may napansin itong mali sa kaniyang sinabing papuri. "Ang ibig kong sabihin lalo kang gumanda ngayon." Pagtatama niya.
Gusto kong isipin na binobola niya lang ako pero hinayaan ko na lang siya. Wala akong gana na kontrahin siya dahil alam ko naman na maganda talaga ako.
"Dahlia, pwede ba tayong mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo ngayon, Potcholo."
"Ah, kasi gusto ko sanang itanong kung kailan mo ba talaga ako balak sagutin? Sagutin mo na kasi ako, Dahlia para hindi ka na mamomorblema. Pangako kapag sinagot mo ako, ako na ang maghahanap buhay para sa 'yo," lakas loob at puno ng kumpiyansang wika sa akin ni Potcholo.
Ilang taon na ba itong nanligaw sa akin? Tatlong taon o apat? Ewan! Hindi ko alam.
Pero hindi na rin naman mahalaga dahil wala naman akong balak na sagutin siya.
Hindi ko rin siya pinapaasa at ilang beses ko nang sinasabi sa kaniya na maghanap na lang siya ng iba.
Sa ngayon, wala pa sa plano ko ang pumasok sa isang relasyon. Sakit lang ito sa puso.
Nginitian ko lang siya bago ako nagsalita. Ayaw ko siyang saktan at ayaw ko rin siyang bastusin.
Pero wala siyang kasing kulit. Dahil kahit hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang binasted, ayaw niya pa ring tumigil sa pangungulit niya sa akin.
"Maligo ka muna at magsipilyo ng mga ngipin mo at baka sakaling magbago pa ang isip ko, Potcholo!" naiirita kong tugon sa kaniya dahil kahit mahaba ang pasensiya ko sa mga taong makukulit, hindi pa rin ako santa, marunong din akong puno.
Nagtawanan ang mga tao sa paligid kaya napakamot na lang ito sa kaniyang ulo.
Mabuti na lamang dahil natural na mabait ang binata at ang isa sa pinakagusto ko sa ugali niya ay hindi niya seniseryoso ang lahat ng mga sinasabi ko. Napakabait niyang tao.
Sa trabaho ko, hindi na ako aasa pang may makukuha akong respeto sa ibang tao.
Sino ba naman ako? Walang natapos kaya para sa iba wala rin akong halaga.
Kahit papaano ay nakatungtong din naman ako ng high school.
Hindi na nga lang ako virgin, kaya hindi na ako umaasang may magseseryoso sa akin.
Mapagamot ko lang ang nanay kong may sakit sa pag-iisip ay kontento na ako.
Magkalaman lang din ang tiyan namin ni Tiyang Lala, sapat na.
Hindi na baleng maubos ang lahat ng kita ko sa pag-e-escort ng mga mayayamanng tao basta ang importante ay gumaling lang si Nanay sa sakit niya. Gusto ko na siyang gumaling.
Kadalasan sa mga kliyente ko ay mga binata at masyado akong maganda para pumili ng may asawa at matanda.
Mayroon akong standard sa isang customer kahit pa na isa lang akong escort.
Pero may pagkakataon talaga na sinusubok ako ng tadhana. Pumapatol din ako sa matandang may asawa, biyudo o kahit ano pa man iyan, lalo na kung kinakailangan ko talaga ng malaking halaga.
Ayos lang naman sa akin kung matanda basta't may pera at makapal ang pitaka.
Ngunit ako lang ang dapat na masunod. Magbabayad sila ng serbisyo ko ngunit sa akin pa rin ang rules.
Hanggang usap lang at mahal ang singgil ko dahil hindi rin madaling makipagbolahan sa kanila.
Kapag ni-request ulit nila ako sa susunod na gabi, tinatanggihan ko na sila kaagad. Ayaw kong magkaroon ng problema lalo na at may pamilya sila.
Mas maganda pa rin talaga kapag binata.
Bata pa lang ako ay alam ko na kung gaano na kagulo ang totoong mundo.
Alam ko na rin kung paano'ng harapin ang hirap ng buhay dahil lumaki akong walang gumagabay na magulang.
Halos mabulok na si Nanay ko sa mental hospital dahil nabaliw siya ng mamatay ang aking ama.
Siyam na taong gulang pa lamang ako ng mamatay si Tatay.
Si Nanay naman ay labas pasok sa mental hospital. Parang ginawa na niya itong bahay bakasyunan.
Ngunit nang sumapit ako sa edad na labing walong taong gulang ay nandoon na talaga siya namalagi.
Mukhang nag-e-enjoy na yata siya sa mga kasama niya roon at ayaw nang lumabas.
Kasi hanggang ngayon ay wala pa ring nagbabago sa kondisyon niya.
Kung ano ang kondisyon niya noong pinasok siya ni Tiyang Lala, ay iyon pa rin siya hanggang ngayon.
Sa tingin ko nga ay mas lalo lamang siyang lumala.
Labandera noon sa kanila ang aking ina at ang anak ng amo niya ay naging kasintahan ko noon. Nang mabaliw si Nanay ako ang pumalit sa kaniya para may allowance ako sa aking pag-aaral.
Mabait, gwapo, maalalahanin ngunit ayaw sa akin ng magulang nito.
Isa lamang akong hamak na atsay sa paningin nila at naniniwala sila na makakasira lang ako ng kinabukasan para sa anak nila.
Naging mapusok ako sa tawag ng laman at sa edad kong labing-walong taong gulang ay pinaubaya ko ang aking sarili gaya ng pinapangako ko kay Jomar.
Nangako siyang ako lang ang mamahalin niya at hindi ako iiwan kahit kailan.
At hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa akin na kahit buong mundo man ang kalaban naming dalawa ay walang sino man ang makakapagpahiwalay sa amin.
Ako naman itong si tanga at naniwala naman kaagad sa mabubula niyang mga pananalita.
Sa tuwing naiisip ko ang mga nakaraan ay naiinis ako sa sarili kung bakit hinayaan ko siyang paikutin ako sa palad niya.
Sobrang gaga ko talaga at nagparaya kaagad ng walang pagdadalawang isip.
Bumukaka lang ako dahil sa akalang paninidigan ako ng gagong iyon. Bata pa ako no'n at madali pang manipulahin dahil sa labis na pagmamahal ko sa lalaking iyon.
Nadala kaagad sa matatamis niyang mga salita. Kaya ito wala na yatang pag-asa dahil wala na sa akin ang pwede kong ipagmalaki sa aking mapapangasawa.
Kaya buo na ng pasya ko at gagayahin ko ang Tiyang Lala ko na mabuhay ng mag-isa.
Kaya ito ako ngayon, simula ng mamatay si Tatay ay mas lalo lang kaming minalas sa buhay.
Tapos si Nanay ay tuluyan nga ngang hindi gumaling sa pagkabaliw at iniwan niya rin ako ng mag-isa rito sa labas.
Napakagulo ng mundo at nagsimula ng dumiskarte sa buhay.
Kung wala kang diskarte sa buhay, nganga! Mamatay ka sa gutom. Kaya patibayan na lang talaga ng sikmura at pikit matang tinanggap kung saan kaya kong gamitin ang aking ganda.
Matapos pagsawaan ni Jomar ang katawan ko ay binalewala na niya ako na para bang hindi niya ako nakikilala.
Nagka-amnesia yata siya dahil hindi ako gusto ng mga magulang niya.
Kaya tumigil na rin ako sa pag-aaral dahil hindi rin ako matalino para makakuha ng scholarship sa isang unibersidad.
Sabi pa nila walang bobo sa taong nag-aaral. Natatawa na lang ako dahil totoong scam 'yon, literal na scam dahil kahit na nag-aaral na nga ako ng husto, wala pa rin akong matandaan sa mga binabasa ko.
Depende nga siguro iyan sa tao. Hindi pwedeng lahatin dahil hindi naman lahat pareho ang kapasidad.
Kaniya-kaniya din naman ang talento ng bawat tao kaya may mga bagay talaga na hindi mo magagawa pero nagagawa naman ng iba.
Siguro nang magpasabog ng katalinuhan ang Diyos, tiyak na tulog ako.
Naiinis nga ako minsan dahil sa kamalasang nangyayari sa buhay ko.
Ganda lang talaga ang meron ako at hindi man lang nabigyan ng matalas na utak.
Kahit na ano'ng gawin kong pagsisikap sa pag-aaral ko noon, palakol pa rin ng mga gradong natatanggap ko.
Pero ayos na rin 'yon dahil ang mahalaga ay nakapasa ako sa klase. Aanhin ko naman ang sobra! Hindi ko naman ikakayaman.
"Dahlia, may raket daw na ibibigay sa 'yo si Mamang. Tanggapin mo 'yon para may pang bayad na tayo ng kuryente at wala na rin tayong bigas na isasaing bukas!" Balita sa akin ng tiyahin kong matandang dalaga na kapatid ng aking ina.
Nang malaman niyang nasa mental si Nanay ay siya na ang kumupkop sa akin.
Mabait naman si Tiyang Lala pero mukha nga lang pera. Naiintindihan ko naman siya dahil sa dami ng mga bayarin. Umiikot na lang ang buhay sa pera dahil kung wala kang pera tiyak mamatay ka na sa gutom.
Iyong isang libo ko nga kapag nasuklian na ubos na kaagad. Dumaan lang sa aking mga palad ang pera at nagtira lang ng mikrobyo sa kamay ko.
Kaya hindi ko masisisi si Tiyang Lala kung nagpapadagdag siya palagi sa akin ng pera.
Siya rin kasi ang nag-aasikaso sa mga bayarin ni Nanay, lalo na sa mga gamot nito.
At ayos na rin 'yon dahil kahit minsan ay hindi niya ako sinaktan ng pisikal at emosyonal. Itinuring niya ako na parang sarili niyang anak.
"Sige, Tiyang. Kakausapin ko si Mamang mamaya."
"Kapag kumita ka mamaya, siguraduhin mo namang makakapagtabi ka ng pera para sa pagpapaganda. Lagi mo 'yang isali sa budget. Ganda lang ang meron tayo, Dahlia kaya ingatan mo 'yan," paalala sa akin ni Tiyang Lala habang matamis ang mga ngiti.
Tumango ako gaya ng madalas kong sagot sa kaniya. Palagi naman akong sumasang-ayon sa gusto niya. Ayaw ko siyang madismaya siya sa akin. Gusto ko lang maging masaya kami ni Tiyang Lala.
Nagtungo ako sa kusina at kumuha ng baso. Nagsalin ako ng tubig mula sa pitsel at pagkatapos ay kaagad kong dinala sa aking bibig at ininom ang laman.
Nauuhaw ako lalo pa't ang init ng panahon. Kahit gabi na wala akong maramdaman na malamig na hangin mula sa kalikasan.
Paano ba naman kasi, napuno na ng mga bahay ang lugar namin at wala na kaming makitang mga puno.
Pagkatapos kong uminom. Dumiretso na ako sa sala. Nanunuod ng palabas si Tiyang Lala sa telebisyon, kaya nagpaalam na ako kaagad sa kaniya.
"Tiyang, puntahan ko muna si Mamang." Kinompas niya lang ang kaniyang kamay para palayasin na ako. Ayaw niya talagang magpa-isturbo kapag paborito niya ang palabas sa telebisyon.
Isang buntonghininga ang aking pinakawalan dahil naisip ko lang ang kinabukasan ko.
Malaki nga ang pera na kinikita ko sa ngayon pero lagi kong naiisip kung paano na kung tumanda ako? Ano na ang mangyayari sa akin?
Wala pa akong naiipon dahil binibili at binabayad ko lang ng panggamot kay Nanay at para rin sa amin din ni Tiyang Lala.
Kapag kumupas na ang ganda kong ito ay wala na rin akong silbi gaya ni Tiyang Lala.
At ayaw ko ng buhay na kagaya ng meron siya. Paano kapag nawala na siya? Wala akong kapatid na pwede kong makasama sa buhay.
Alam ko namang pareho lang ang magiging buhay ko kay Tiyang Lala.
Hindi magkakaroon ng asawa dahil walang seseryoso sa mga kagaya kong ganitong klase ang trabaho.
"Mamang, ano po ba ang raket na tinutukoy ni Tiyang Lala kanina sa akin?" diretsahan kong tanong ng makarating ako sa bahay nila.
Gusto ko sanang magtakip ng ilong pero hindi ko ginawa.
Ayaw kong mainsulto sila lalo pa at iyon ang pinagkakakitaan nila.
Kung tutuusin ay mas marumi pa nga ang hanapbunay ko kaysa sa patay. Kaya lang mas may konsensiya naman ako kaysa sa kanila.
Ang nakakainis lang ay hindi ko na mabilang kung ilang buwan na ba ang burol nito sa bahay nila.
Dahil sa tuwing pumupunta ako sa kanila ay palagi na lang may nagsusugal.
Ginawa na nilang negosyo ang mga patay at ako na lang ang naaawa sa mga bangkay dahil kahit hindi ko man tingnan, alam kong lanta na ang katawan nito sa kabaong dahil iba na talaga ang amoy.
Kahit na ilang beses pa nilang tusukan ng pormalin ang patay na katawan. Hindi na nila kayang pigilan ang kakaibang baho na umaalingaw-ngaw na sa paligid dahil sa tagal na nitong nasa lamay.
Pero wala naman ako sa lugar para pagsabihan sila dahil kaniya-kaniya naman kami ng diskarte sa buhay para lang kumita.
Kahit nga ang babaw lang at nakakadiri para sa ibang tao ng trabaho ko, hindi nila ako pinapakialaman.
Kaya wala rin akong karapatan na sawayin sila sa kanilang diskarte at wala rin ako sa lugar para magtanong ng kung ano-ano kung hindi naman mahalaga.