Pagdating ko sa tapat mismo ng club ay tumigil muna ako saglit sa aking paghakbang.
Nilibot ko nang tingin ang buong loob at nakita ko ang mga babaeng makakasama ko sa trabaho.
Para silang mga modelo at bumagay ang mga suot nilang kumikinang dahil para itong mga krystal na kumikislap dahil sa iba't ibang klaseng kulay na mga ilaw na nagpaikot-ikot sa buong paligid.
Nasa entrance pa lang ako pero napakaganda na, para ngang hindi ito club.
Kung tutuusin ay mas mapagkakamalan pa itong bar.
Gaya nga ng sinabi sa akin ni Mamang, hindi talaga ito basta-bastang club lang.
Dahil ang mga nagpupunta lang dito ay tanging mga bigating tao.
Hindi basta-bastang tao lang dahil may mga pangalan.
May nakita pa nga akong artista na sikat ngayon.
Magkabilaan ang kaniyang nga babae at hindi ko lubos akalain na nasobrahan pala siya sa hilig sa mga babae.
Pinanggigilan niya ang natitouhan niya at parang mas lalo itong naging manyakol dahil nakainom na.
Paano kaya kong kuhanan ko siya ng picture?
Napangiti ako sa aking binabalak. Crush at idol ko ang artistang nakita ko. Ang galing kasi nitong umarte.
Wala naman akong pakialam kung mahilig siya sa mga babae. Labas ang pagiging artista niya sa pagiging hilig niya sa mga sexy at magaganda.
Binunot ko na ang cellphone ko at kukuhanan na sana ng larawan ang idol ko nang biglang may humarang na bouncer sa harapan ko.
"Teka lang, Kuya may pi-picture-ran lang ako."
"Ma'am, bawal kumuha ng larawan dito. Mananatiling pribado ang lahat ng mga nakakapasok sa lugar na 'to." Saway nito sa akin.
"Ay! Sorry," nahihiya kong tugon dahil hindi ko naman kasi alam.
Binalik ko sa bulsa ko ang cellphone ko at tumabi ako sa gilid.
Napaka-elegante ng lugar at ang ganda ng ambiance. Hindi ako magmumukhang pokpok rito.
Napangiti ako sa aking naisip dahil hindi ako mahihiyang pumasok at lumabas sa club dahil sosyal ang dating ng area.
Para lang akong nakiki-disco sa kabilang bayan.
Pagpasok ko sa pinto ay bigla na naman akong untog sa malaking katawan ng isa na namang bouncer.
Pinigilan ako ng bantay upang hindi ako makapasok sa loob.
"Miss, saan po kayo pupunta?"
"Sa loob po," sagot ko rito habang nakaturo ako sa mga lalaking gwapo.
"Miss, hindi pwedeng minor 'de edad dito at lalaki lang po ang mga customer na pwede naming papasukin. Maliban na lang kung gusto niyong mag-apply." Sinipat niya ako nang tingin mula ulo hanggang paa bago ulit nagpatuloy sa pagsasalita. "Kaya lang, hindi tumatanggap ang club ng mga bata na kagaya mo."
Pabebe kong inayos ang aking buhok at sinabit iyon sa aking tenga.
"Kuya naman!" natatawa kong ani at mahina siyang hinampas sa kaniyang kamay. "Salamat, Kuya pero bente tres na po ako. Hindi po ba halata?" nakangiti kong tanong at ginanahan akong kausapin ito dahil sinabi nitong bata pa ako.
"Bente tres ka na pala? Akala ko katorse ka pa!"
"Kuya, masyado ka pong mabiro! Kuya mga gwapo po ba ngayon ang nasa loob?" tanong ko sa bouncer kahit nakikita ko naman na mga gwapo ang mga customer.
"Oo, kaso bawal nga ang mga babae rito, Miss. Mas mabuti pa kung umuwi ka na lang dahil bawal talaga!"
Tumango ako at sa isip ko magiging safe ako sa trabahong ito.
Hindi ako makakahanap ng kaaway dahil may mga tuntunin ang club na bawal makapasok ang mga babae.
Walang manunugod basta-basta sa akin kung sakali mang may mga asawa na ang mga kumag sa loob na magiging customer ko.
Wala akong balak makalbo sa mga babaeng niloloko nila. Nagtatrabaho lang ako para sa pera.
"Kuya, pinapapasok na ako ng isa ninyong kasamahan kanina. Recommend ako ni Mamang," paliwanag ko sa bouncer. Magkasalubong ang mga kilay niya at sumimangot. Akala niya siguro nagsisinungaling lang ako.
Matapang kong sinalubong ang tingin niya dahil wala naman akong dapat ikatakot dahil nagsasabi lang naman ako ng totoo.
"Kung ganoon, employee ka rin dito?" Tumango ako bilang tugon. "Hindi ka dapat dito dumaan." Pinaliwanag niya sa akin dahil iba pala ang entrance ng mga employee at sa mga customer.
Ang hirap din pa lang pasukin ang club na 'to. Kung wala ka pa lang kakilala na customer sa loob ay hindi rin makakapasok basta-basta.
Kahit daw may pera hindi rin basta-basta tinatanggap kapag hindi dumaan sa proseso.
Grabe naman pala dahil may membership pa.
"Kuya, saan po ba rito ang entrance para sa mga employee?" tanong ko sa kausap.
"Wala bang nagturo sa 'yo?" strikto nitong sagot na para bang nauubusan na ito ng pasensiya sa akin. Kung sabagay naiintindihan ko naman dahil abala pa ito sa kaniyang trabaho.
"Ngayon po kasi ang first day ko, Kuya!"
"So, bago ka pala?"
Hinipan ko ang buhok sa harap ng aking mga mata na para bang proud na proud akong papasok sa duty.
"Teka lang tawagin ko lang si Mama Lj. At baka binibiro mo lang ako!" sabi niya at halatang walang tiwala sa akin. "Malaman ko lang na niloloko mo ako. Sa presinto ka talaga matutulog ngayong gabi!" Banta niya sa akin.
"Grabe naman si Kuya mukha ba akong scammer?" mahina kong usal habang nakasimangot.
Tila nagdududa na rin ako sa aking sarili.
Kung sabagay mukha nga akong scammer pero hindi ito scammer 'no!
Nanatili ako sa aking pwesto at tiningnan lang si Kuya na parang nilihi sa maasim na mangga.
Sininyasan ng bouncer ang sinasabi niyang Boss Gardo pero hindi siya nito nakita.
Sa dami ba namang tao sa paligid paano niya naisip na makikita siya kaagad.
Kaya tinawag niya ang isa niyang kasamahan para bantayan ang pasukan.
"Bantayan mo muna 'yan!" bilin niya sa kasama at saka ito tumalikod.
Nang makabalik sila, kasama na nito ang babaeng tinutukoy niya.
Tinanong ako ni Mama Lj sa gusto niyang malamang.
Sinabi ko lang ang pangalan ni Mamang na kaibigan ni Mama Lj at wala ng ibang tanong-tanong pa, pinapasok na ako kaagad sa loob.
Parang hindi pa makapaniwala ang bantay sa akin. Tinaasan ko pa ito ng kilay. Akalain mo 'yon, pinagbintangan pa akong manloloko. Hindi man nito verbal na sinabi pero grabe ito makatingin.
Mas masakit pa ang nagdududa nitong tingin kaysa sabihin sa akin ang totoo at tumatakbo sa kaniyang isip.
Ang akala siguro niya ay nagpapanggap lang ako para makapasok sa loob.
"Pasensiya ka na. Mahigpit kami rito sa club dahil ayaw naming magkagulo. Hindi ka pa kilala ng mga tauhan ko kaya ganoon ang nangyari. Ginagawa lang nila ang trabaho nila," paliwanag ni Mama Lj sa akin. Ang bait pala ni Mama Lj.
Naikwento niya rin sa akin na may nakapasok noon na babae na nagpapanggap na dancer sa club. Pero girlfriend pala ito ng isa sa mga customer kaya nagkagulo dahil inaway nito ang naka-table ng boyfriend niya.
Napatango ako sa kwento ni Mama Lj kaya ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit masyado silang mahigpit.
Sinamahan ako ni Mama Lj sa loob at hinarap ako kay Ivy dahil ito raw ang magtuturo sa akin sa dapat kong gawin.