Chapter 6

1428 Words
Unang araw ko pa lang sa club ay kumita na ako kaagad ng malaking halaga. Kaya sabik kaagad akong umuwi dahil tama nga si Tiyang Lala. Tinatapon lang ng mga mayayaman ang pera nila patungo sa akin. Ang iba naman ay iniipit nila sa suot kong underwear at bra. Wala silang pakialam kahit na magkano man ang itapon nila bastat ang importante para sa kanila ay makita nila akong gumigiling sa gitna ng entablado. Tuwang-tuwa sila sa akin lalo na noong hubarin ko ang cover up ko. Nagsigawan ang mga ito at takam na takam sa aking katawan. Sige lang, hahayaan ko lang silang maglaway sa akin. Total naman ay hanggang tingin lang sila at hindi nila ako matitikman. Ito ang unang beses na sumayaw ako sa harap ng mga lalaki na halos hubot hubad na. Medyo nakakailang man sa pakiramdam lalo na at alam kong hinuhubaran na nila ako sa kanilang isipan pero go pa rin ako para sa pera. Inisip ko na lang na pera ang magiging kapalit nito pagkatapos ng lahat. Madagdagan pa ito. Sinadya ko ring kapalan ang make-up ko kanina sa back stage para hindi nila ako makilala sa labas kung sakali mang may makakakita sa akin. Mabuti na lang at marunong akong ibahin ang itsura ko gamit ang makeup. Umiiwas lang ako sa maaring mangyari sa hinaharap. Nakakapindiri kasi at para akong nadudura lalo na ang mga matatandang customer na nag-aabang at gusto akong i-table. Ang sarap talagang dukutin ng mga mata nila pero wala ako sa lugar para magsalita ng masama dahil ano pa at pumasok ako sa ganitong klaseng trabaho. Dahil sa simula nang i-engage ko ang sarili ko sa club na ito ay hindi na ako aasa pa na makakakuha ako ng respito para sa aking sarili. Pareho lang naman talaga ang lahat ng mga lalaki. Wala silang ibang hangad kundi ang katawan lang ng mga babaeng kagaya ko na pinagnanasaan nila. Kaya nga nilang makipagtalik ng walang pagmamahal. Parang normal lang sa kanila ang magpaputok ng kanilang libog sa kahit na sino'ng gusto nila. Kung sabagay marami namang papatol sa gwapo, kawawa lang talaga kapag minalas sa mukha. May mga tao rin kasi na hindi pinagpala sa itsura. Okay lang naman sana kung hindi gwapo pero mabait. Kung sino pa itong mga pangit, sila pa iyong nag-aadik at hindi nagpapahuli sa pagiging babaero. Maswerte lang ang mga nandito ngayon dahil naging mayaman ang mga ito. Dahil kung hindi ay baka naging mambubuso lang din ang mga ito o hindi naman kaya ay naging mga rapist. Masyado na yata akong naging judgemental pero ganoon naman talaga ang buhay. Puno ng panghuhusga. Sa ngayon pera muna ang kailangan kong isipin kaya magtitiis muna ako rito. Kikita ako ng malaki rito kaya kakayanin ko ang lahat hanggang sa makaipon ako. Marami namang mga bachelors na customer rito pero hindi ako magpapaloko. Alam kong may hitsura ako at hindi maipagkakaila na nakakaakit ang kamandag ko. Pero katuwaan lang ang mga ito sa kanila at hindi ako pwedeng magpadala at baka sa huli ay luhaan akong nakabukaka. Habang binibilang ko ang perang kinita ko ay para akong lumilipad sa langit. "Ang dami, ha!" biglang sabi ni Ivy. "Sinwerte ako ngayon. Bakit hindi ka kaya mag-dancer?" tanong ko sa babae pero umiling lang ito sa akin Ganito ba talaga ka laki ang kinita ko? Singkwenta mil sa limang sayaw lang. Partida dahil nakakapagpahinga pa ako sa lagay na 'yan. Hindi lang naman ako ang dancer sa club na ito. Nagkataon lang na fresh pa ako kaya nagustuhan nila ako. Ang iba naman ay hindi nagbigay dahil mas malaking pera ang inaalok nila sa akin kapalit ng aking katawan. Pero kapag nakuha na nila ang gusto nila sa akin. Babalewalain na lang nila ako na parang walang halaga. Kaya manigas kayo sa kakahintay sa araw na iyon. Hindi ko ipaghihiwalay ang mga hita ko sa inyong lahat. "Wow! Ang laki ng kita, ah!" mangha namang sabi ng isa kong kasama na dancer. Marami siyang customer na bigatin kanina kaya konti lang ito kumpara sa kaniya. Nagpakilala rin ito sa akin sa pangalang Kit. "Oo nga!" nakangiti kong sagot at tumigil sa pagbibilang. Nilagay ko sa shoulder bag ko ang kinita kong pera at binalingan nang tingin si Ivy at ai Kit. "Ang laki ng kinita ko, pero sumakit iyong katawan ko sa kakapitik nila sa suot kong panty at bra. Ang babastos ng mga customer, hindi na lang nila ibinigay nang maayos ang pera dahil gusto pa talaga nilang manakit. Nakakapanggigil sila, mga sadista rin!" inis kong reklamo pero tinawanan lang ako ni Mama Lj na nakikinig din pala. "Siya nga pala kapag lumuwag ba ang garter no'n, charge sa akin?" dagdag kong tanong na naging dahilan kung bakit sila tumawa. "Hindi... hindi mo naman kasalanan 'yon." "Mabuti kong ganoon, Mama Lj. Salamat talaga kay Mamang at inalok niya ako ng trabaho," sinsero kong sabi. Tama nga si Mamang, mababayaran ko ang lahat ng mga utang ko rito at makakaipon pa ako. Buong gabi lang akong sumayaw at hindi naman ako pinilit ng boss namin na makipag-table sa mga mayayamang gurang. Kahit papaano ay may respito sila sa mga alaga nilang babae rito sa Seductress club. Tinanong rin ako ni Mama Lj kung sasayaw lang ba ako gabi-gabi o mag-i-extra ako sa pagte-table ng mga customer. Nagpasya akong sasayaw na lang muna at kung talagang gigipitin saka na ako sasabak sa mga ganiyan. Nakakapagod ding mang-uto ng mga gurang na walang gustong marinig kundi ang puriin sila kahit na iyon ay isang kasinungalingan. "Sigurado ka bang ayaw mo? Kapag may customer ka at o-order ng drinks ay mayroon kang komisyon at hindi lang iyon dahil bayad pa ang buong oras mo sa pakikipag-usap at kung magugustuhan ka nila ay bibigyan ka pa ng tip. Huwag kang mag-aalala dahil wala namang sapilitan dito sa club na 'to, Dahlia. Kung gusto mong magpa-take out ay nasa sa iyo 'yon," paliwanag sa akin ni Mama Lj. "Pero ang daming nag-aagawan sa beauty mo," dagdag niyang wika. "Nako, huwag na po at maayos naman po ang kita ko sa sayaw. Sana nga lang swertehin ako palagi." "Sige pero sabihan mo lang kami kapag nagbago na ang isip mo," pinal niyang wika at nagpaalam na may pupuntahan lang siya. "Mama Lj, salamat po. Uuwi na po ako," paalam ko rito ng mag-aalas singko na ng umaga. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako ng club. Sumakay ako ng taxi para mas madali ang pag-uwi ko dahil hindi ko na kayang makipagpilahan sa jeep at makipag-agawan sa pasahero ng mga upuan. Nang makauwi ako sa bahay ay tanaw ko si Tiyang Lala na nasa bukana ng pinto. Ang haba ng kaniyang leeg at alam kong ako ang hinihintay nito. Nang makita niya ako ay napakalapad ng kaniyang ngiti. Kaya napangiti rin ako at hindi na ako makapaghintay na ikwento sa kaniya ang unang araw ko sa club. Pagpasok ko sa loob ng bahay ay inaya niya muna akong mag-agahan. "Halika, kumain ka muna bago matulog para magkalaman naman ang tiyan mo." Hila sa akin ni Tiyang Lala patungo sa mesa. May pritong itlog, hotdog at ham. "Ang dami niyo naman pong niluto, Tiyang akala ko ba wala na tayong pera?" nagtataka kong tanong. "Alam kong gutom ka kaya dumiskarte muna ako." Tumango ako at dinukot sa shoulder bag ko ang perang tinabi ko. "Tiyang may kinita po ako kaagad ngayong gabi. Ang dami kong tip sa pagsasayaw kagabi," nakangiti kong sabi at binigay sa kaniya lahat. "Bayaran niyo po ang lahat ng utang natin para hindi na po tayo lumubog sa utang. At kung suswertehin ako mamayang gabi para naman iyon kay Nanay." "Nako napakalaking halaga nito. Kinita mo lang ba ito sa isang gabi?" gulat na tanong ni Tiyang Lala na para bang luluwa na ang mga mata niya sa gulat. Tinapatan ko pa ang kitaan sa pag-e-escort ko. Kaya lang hindi naman palagi iyon. Hindi siya makapaniwala nang bilangin niya ito at paulit-ulit niyang binibilang dahil akala niya ay nagkamali lang siya. "Oo, Tiyang at habang siniswerte pa ako ngayon kailangan bayad na ang lahat ng utang natin para makaalis din ako kaagad doon at pwede na tayong makapagsimula ng negusyo. Raraket na lang ako minsan sa pag-e-escort." "Mas okay 'yan, Dahlia dahil hindi naman habang buhay ay ganiyan ang magiging trabaho mo. Sige na kumain ka na at salamat pala rito, ha!" sinsero niyang sabi at niyakap ako ng sobrang higpit. Mahal na mahal talaga ako ni Tiyang Lala, kaya gagawin ko rin ang lahat para sumaya siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD